CHAPTER 84

30 0 0
                                    

Gabrielle POV

nakabalik na ulet kami ng pilipinas dahil tapos na ang honeymoon namin,kagigising ko lang pero hindi pa ako bumabangon dahil yakap-yakap niya ako habang nakadantay pa siya sa akin kala niya hindi ako nabibigatan sa kaniya.dahan-dahan kung tinanggal ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin sunod naman ay ang binti niya tatayo na sana ako pero napahiga ako dahil hinila niya ako pabalik ulet ng kama then niyakap niya ako"Stay"sabi niya sa akin

"Stay ka dyan may trabaho kapa kaya baka malate ka"hindi parin niya pinakinggan kaya hinayaan ko na lang muna siyang yakapin pa ako ng matagal well gusto ko rin naman yun eh kilig-kilig >\\\\<.

mga ilang minuto ang nakalipas ay bumangon narin kaming pareho,naligo na ako tapos pinatuyo ko ang buhok ko syaka ako bumaba para magluto ng almusal habang si hubby ay naliligo pa.ang suot ko ang Straight blue dress na lampas hanggang tuhod yung parang pang bahay lang habang naka-messy bun ang buhok ko tapos na akong magluto at sakto dahil nakaupo na siya kaya binigyan ko na siya ng almusal na niluto ko tapos nakisabay narin akong kumain hindi muna ako pumasok ng work.natapos na siyang kumain kaya hinugasan ko na ang pinagkainan namin.tapos na akong maghugas

nakita kung nasa labas na si samuel kaya nagtungo ako sa labas at buti hindi pa siya nakakasakay ng kotse niya,humarap siya sa akin kaya nakita kung hindi pa naka-ayos ang neck tie niya"ano kaba papasok ka ng trabaho ng hindi pa ayos ang neck tie mo"inayos ko ito then tumingkayad ako para mahalikan ko siya sa lips liit ko kasi eh.pumasok na siya sa loob ng kotse niya pero bago niya paandarin ang kotse niya ay may sinabi pa siya sa akin

"See you Later My WIFE~ I love you"sabi niya sa akin kaya namula ang pisnge ko " Love you too.ingat ka ah"ngiting sabi ko at umalis na nga siya kaya bumalik na ulet ako sa loob ng bahay at naglinis ako ng buong mansyon dahil ilang araw din kaming nawala,narinig kung may nag-door bell kaya dali-dali akong nagtungo sa gate para tingnan ito kung sino,sino naman kaya yun?

pagbukas ko sa gate ay nakita ko si Mommy na may dala-dalang ulam kaya pinapasok ko siya at kinuha ko na sa kaniya ang ulam tapos pumasok na kami sa loob ng mansion"Ang ganda pala ng bahay niyo anak"

"ah salamat po mommy!bakit po pala kayo naparito?"nagtungo ako sa kitchen at syaka ko nilagay ang binigay na ulam ni mommy dun tapos binalikan siya

"Gusto ko lang kayong bisitahing dalawa at makakuha ng update sayo kung..."napahinto siya sa sasabihin niya tapos umupo siya at tiningnan niya ako (A/N: guys yung mommy na tinutukoy niya is yung real mother niya at ang tawag naman ni Gabrielle sa mommy ni samuel ay mama)

"kung magkaka-apo naba ako.anak kailan niyo ba kami bibigyan ng apo ah? excited na kasi kami eh"maligayang sabi niya sa akin at tinap niya ako sa braso halata ngang excited na silang magka-apo

ngumiti ako."hindi ko po alam mommy"

"Hindi ba kayo gumawa nung nasa japan kayo diba honeymoon niyo yun"

"Honeymoon po namin yun ang ginawa lang namin ay namasyal at wala na pong iba,mommy darating rin po ang araw na magkaka-baby po kamk pero hindi pa sa ngayon"sagot ko sa kaniya."nssaan nga pala ang asawa mo?"

"Nasa work na po kakaalis nga lang po eh"

"anong ginagawa mo dito sa bahay at hindi pa kayo mag-hire ng maid?"

"kasi po sabi po ni Sam wag muna"

"Ang laki ng bahay niyo ikaw lang ang naglilinis? anak kaya mo ba?"

tumango-tango ako at lumapit pa ako sa kaniya ng unte."Oo naman mommy kayang-kaya ko pong linisin ang buong bahay na ito and sasabihin ko narin po kay samuel na kumuha narin siya ng maids"


"kamusta na pala sila kuya? binibisita mo rin ba sila?"



"ok namam sila.binibisita ko rin namam sila para makita ko ang apo ko"



"Alam mo bang buntis nanaman ang ate katrina mo"Hay naku grabe talaga si kuya mukhang gusto niyang magka-anak ng isang dosena ah.



"Ahm gusto ata ni kuya na magka-anak ng isang dosena"



"Ikaw na lang anak ang hinihintay ko dahil may apo na ako sa kuya mo ikaw na lang ang hinihintay ko"ngiting sabi niya ni mommy



"mommy hintay lang!!"sabi ko tapos nagpa-alam na siya sa akin dahil bibisitahin daw niya sila Ate katrina,nagpatuloy na lang muna ako sa paglilinis ng mansyon.



gabi na kaya naghanda na ako ng ulam,mga ilang minuto pa ay nakarinig na ako ng tunog ng kotse kaya dali-dali na akong lumabas para salubungin siya at nakita kung pababa na siya ng kotse niya at sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at pinugpog niya ako ng halik at kinuha ko na sa kaniya ang bag niyang itim pati narin ang suit niya tapos nagtungo na siya sa dining hall tapos na akong kumain kaya siya na lang ang kumakain"Hubby kanina pala pumunta dito si mommy"



"ah ganon ba buti at bumisita siya sa atin"ngiting sabi niya bago niha sinubo yung nasa kutsara niya



"Kamusta naman ang work?"



"medyo nakaka-stress"sagot niya sa akin at pinapatuloy lang ang pagkain niya hanggang sa natapos na siya at siya na mismo ang naghugas nun tapos nagtungo siya sa sala para manood kaya sinundan ko siya at umupo ako sa tabi niya




"musta naman dito sa bahay?"




"ito ok naman sabi ni mommy kuha na daw tayo ng maids para may maglinis ng bahay natin"





"ok."maikli niyang sabi tapos bumalik siya sa panonood niya ganon din naman ako hanggang sa nakatulog na ako.






Samuel POV






natapos na ang palabas na pinapanood ko at nakita ko na hindi na nagsasalita si Gab kaya tiningnan ko siya ay Tulog na pala siya akala ko umalis na siya eh,pinatay ko na ang Tv at syaka ko siya binuhat papuntang kwarto namin,nilagay ko na sa siya sa kama namin at naghilamos narin ako para matulog






natapos na akong maghilamos kaya agad akong humiga sa kama namin at tiningnan ko muna ang napaka-ganda niyang mukha syaka ko siya hinalikan tapos natulog na ako.

 FALLING INLUV WITH MY FAKE BOYFRIEND (PART 1 & PART 2)HiatusWhere stories live. Discover now