Chapter 16 (edited)

39.8K 997 47
                                    

Pagbaba ko ay naabutan ko si MJ at si Sabel sa may sala. Katatawag lang ni John at excited na daw itong umuwi kaso hindi kami magpang-abot bukas dahil aalis ako bukas ng alas kwatro ng madaling araw. Dumiretso na rin ako sa kusina habang andun pa si mama, papa at si lola. Si Kevin, hindi ko lang alam kung saan ito nagpunta ng ganito kaaga.

"Minerva, sumama ka na lang sa amin pabalik sa hospital."

"Opo ma."

"Hija, are you okay? You're eyes seems puffy." Sabi ni papa Jonas habang hinihigop nito ang kape.

"Ok lang po pa."

"Goodmorning mommy.... Can we have some brownies please?" Tumakbo si MJ palapit sa akin at yumakap sa mga binti ko. Napangiti ako at hinalikan ang noo nito.

"Yes boss."

At kaagad itong nagbalik sa sala kaya dali-dali rin ang kilos ko na gumawa ng request nito.

"Bukas na tayo magsisimula, Min. Don't forget to get home early tonight para maaga tayo bukas." Sabi ni Mama.

"Opo ma. Noted ma."

"Where's Kevin?" Tanong ni Lola.

"Kakaalis lang. Dumaan daw yung si Queenie, Mama kaya ayon lumipad pagkatapos magpaalam sa bata."

Napalunok ako ng laway sa sinabi ni Mama Grasya. Ok fine, hindi ako dapat magseselos baka naman ito na ang babaeng sinasabi nitong papakasalan nito pagkatapos ng annulment namin. Get hold of yourself, Minerva.

"Hija, babalik ka pa ba sa Seattle? Are your studies okay?" Tanong ni papa habang nagmamasa ako ng mga ingredients ng brownies.

Babalik pa ba ako doon? Andito ang anak ko at hindi ko madadala dun pero paano naman kapag bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin at pagtripan na naman akong takutin ni Kevin at Mama Grasya na ipapakulong nila ako?
Ayokong pagdating ng panahon ay ikakahiya ako ni MJ dahil wala akong kwenta o di kaya ay paglaki ni MJ ay tatawagin siyang walang silbi ang ina nito dahil walang alam na trabaho? Titiisin ko na lang.

"Opo pa, nagka-usap na kami ni MJ na babalik muna ako dun para sa internship ko. Pagbalik ko from Voluntary Mission ay baka babalik muna ako dun." Natahimik silang tatlo sa sagot ko.

"Iiwan mo ang bata?" Tanong ni Mama.

"Para na rin may panahon si Kevin sa bata, ma..."

"Gusto mo bang dito ka sa hospital mag-iintern?" Napangiti ako sa sinasabi ni Mama.

"Opo naman ma. Malapit lang ako kay MJ kapag dito ako mag-iintern."

"Oh I remember Blast Parker, anak pala siya ni Dr. Ismael, Jonas. Why don't we recommend them para naman may experience sila sa hospital natin. Hindi naman tayo nahuhuli pagdating sa technologies and in our services.

"Okay we'll find some ways to that." Sabi niya at lihim akong nagpapasalamat sa kanila.

After fifteen minutes ay natapos ko na ang brownies at naghanda para sa maliit na batang mahilig sa brownies. Hindi mahilig sa sweets ang tatlong doktor kaya sapat lang ang ginawa ko para sa dalawang paslit.

Baby Maker Wife (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon