Chapter 12

18.9K 595 123
                                    


Fake

Nang hindi ko na talaga matiis ay agad na akong pumunta sa building ni Troy..

Gusto ko siyang kausapin kasi hindi ko na talaga kayang nakikita ang mga anak kong malungkot..

Nang makarating ako sa lobby ay kitang kita ko ang gulat sa mga mukha ng mga tao dito..

Alangan bah naman..Baka iniisip nila na nabuhay ang matagal ng patay..May mga nakakakilala pa naman sakin dito..

"M-Mrs.Mendez?" gulat na tanong ng sekretarya ni Troy

Siya parin pala ang sekretarya ng lalaking yun..Buti naman at loyal pa naman sakin ang isang toh..

"Hi Angie , nasan na si Troy?" tanong ko sa kanya

"W-Wait..B-Buhay ka po t-talaga?" di makapaniwalang aniya

Tumango ako at ngumiti..

Agad naman siyang tumili ang niyakap ako..

"Akala ko po talaga patay kana..I mean , yun po kasi ang kuamlat 3 years ago..Tyaka ma'am , na miss ka po namin.." aniya

"Na miss ko rin naman kayo..Sige , mamaya nalang tayo mag usap..Nasan na nga pala si Troy?"

Natahimik nalang siya bigla kaya agad akong nagtaka.

"Angie?.May problema bah?"

"A-Ah , w-wala po!.N-Nasa loob po ni opisina si sir.." aniya at malungkot akong tiningnan

Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na para pumunta sa opisina ni Troy..

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang magkayap na si Aya at Troy..

Ewan ko bah pero may kirot akong naramdaman..

Nang humiwalay sila sa isa't isa ay agad naman silang napalingon sakin..

"Kyla!.Long time no see!" si Aya at agad akong niyakap

Hindi ako gumalaw at tiningnan lang si Troy..

Kapa bah hindi siya bumibisita sa bahay kasi busy siya sa babae niya?

Kaya bah wala siyang oras sa mga anak ko kasi busy siya dito?

"Kyla , anong ginagawa mo dito?" malamig nasabi ni Troy..

"Nandito ako para kausapin ka tungkol sa mga anak natin.." malamig ko ring sabi

"Ehem , wait lang ah..Kyla , hindi mo man lang bah kakamustahin ang kaibigan mo?" aniya at ngumiti

Inirapan ko siya..Akala niya bah uto-uto ako?.Alam kong peke siya , matagal na..

Kaya hindi ako madadala sa pangiti ngiti niya.

"Hindi na kita kailangan pang kamustahin , Aya..Kasi alam ko namang hindi ka mamamatay diba , kasi nga masamang damo ka..Tyaka , kaibigan?.May kaibigan bang nang aagaw ng asawa?May kaibigan bang plastic na nga fake pa..Para kang cellphone , may cover na ngang plastic , fake pa yung brand.." sabay ngisi ko

Kitang kita ko ang inis sa mata niya pero ngumiti lang ito..

"Grabe ka naman magsalita sakin , bes..Gayahin mo kaya ang asawa mo.Kinamusta na nga ako , may free hug pa.." sarcastic nitong sabi

Tiningnan ko naman si Troy na nakatingin din sakin..

"Bakit ko siya gagayahin?.Hindi naman ako yung tipo ng tao na kahit may asawa na , naglalandi pa.." pagpaparinig ko sabay ngiti

Kitang kita ko ang galit sa mata ni Troy..

Sige , magalit ka..Para naman lumabas ang totoo mong ugali..

"Tsk!.Ganyan bah napapala ng pagiging ina?Nagbabago din yung ugali?"

Matalim kogn tiningnan si Aya..

"Wag na wag mong huhusgahan ang pagiging ina ko.At kung may nag bago man sa ugali ko , walang kinalaman dun ang pagiging ina ko.Palibhasa wala kang anak kaya hindi mo alam kung ano yung feeling na mag alaga ng isang anak..Try mo kayang magpa buntis sa asawa ko , tingnan natin kung hindi magdudusa yang anak mo.." sabay tingin ko kay Troy

Nang wala ng nagsalita ay agad akong lumapit kay Troy..

"Nga pala , hinahanap ka na ng mga anak mo...Sasabihin ko nalang sa kanila na , busy ka pa sa iba..Busy ka pa sa pakikipaglandian sa babae.Kung maisipan mo ng dumalaw , mag sabi ka ah?.Para makapag handa ako ng sobrang engranding welcome sayo..Kung gusto mo isama mo na rin ang babae mo , para naman mamulat ang mga anak mo sa katotohanan kung gaano kalandi ang ama nila at kung gaano ka gaga ang kabit niya." saby tingin ko kay Aya at inirapan ito

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na akong lumabas doon..

Bwesit sila!

Mga walang hiya!

Pwes , humanda sila sa ganti ko..



His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora