Chapter 27

19.2K 521 52
                                    


Dale

Pumunta ako sa ospital dala dala ang maleta ko kasama narin ang mga gamit ni Kean.

Kukunin ko ang anak ko..At walang makakapigil sakin.

Nang makarating ako sa ICU ay agad kong dinungaw ang anak ko sa loob..

"Sorry baby , napabayaan ka ni mama..Promise ko sayo , kapag magaling ka na , uuwi na tayo sa bahay at makakasama mo na ang mga kapatid mo.." sambit ko 

"Anong ginagawa mo dito?"

Napalingon nalang ako sa gilid ko at dun ko nakita si Troy na matalim na nakatingin sakin..

"Nandito ako para kunin ang anak ko.."

"Kunin ang anak mo?.Kita mo ngang nasa ICU kukunin mo pa..Gusto mo bah talagang mamatay ang bata?" galit niyang sabi

"Bakit , sinabi ko bang ngayon ko kukunin?.Tyaka hindi naman siya magkakaganyan kung di dahil dun sa kabit mo..Alam mo bah kung anong ginawa niya sa bata nung wala ako?.Pinakain niya ng mani.."

"Wala kang ebidensya.."

"Meron..Kasi may nakakita sa kanya..Wag mon ipagtanggol ang babaeng muntik ng pumatay sa anak mo..Wait , anak ko lang pala , kasi hindi mo naman siya tanggap na sayo diba?"

Kitang kita ko ang galit sa mata niya..

Kung noon umiiyak ako sa harap niya kasi kumakapit pa ako sa pag asang mabubuo kami..

Pwes ngayon , ayoko na..Pagod na ako.

At kung mahal ko talaga siya , handa akong magparaya..

Alaala niya lang naman ang nawala eh..At kapag bumalik na yun , magdusa siya..

Mararamdaman niya rin ang sakit na naramdaman ko..

"Hindi mo makukuha ang bata sakin..Umalis ka na dito." aniya

"Akala ko bah hindi ka naniniwalang hindi mo siya anak..Pero bakit mo siya kukunin sakin?Naniniwala ka na bang wala akong lalaki?"

"Walang kasalanan ang bata.."

"Tama!.Walang kasalanan ang bata pero hindi ibig sabihin nun , pwede mo na akong ilayo sa kanila..Ama ka lang..Ina ako.At hindi mo pwedeng ilayo sakin ang anak ko , kung gusto mo.Umabot pa tayo sa korte.."

"Umalis ka na kung ayaw mong kaladkarin pa kita.."

"Edi kaladkarin mo ako..Paki ko bah?."

Bigla niya nalang hinawakan ang braso ko ng mahigpit..

Hihilahin niya na sana ako ng biglang may humawak sa kamay niyang nakahawak sakin..

"Bitawan mo siya.."

O.O

Kitang kita ko ang galit sa mata niya..

"D-Dale?" gulat kong tanong

Diba nasa ibang bansa pa siya?.Tumawag lang naman siya kanina para mangumusta pero bakit nandito na agad siya.

"Sino ka?" si Troy at matalim na nakatingin kay Dale.

"So totoo nga..Nakalimutan mo nga ang lahat.Pero bro , bakit kailangan mong saktan ang asawa mo?.Hindi mo bah alam kung gaano siya nasasaktan habang nakikita kayo ni Aya?.Kapag tumatawag ako sa kanya lagi nalang siyang malungkot.Sana naman kahit wala kang maalala , marunong ka paring rumespeto sa asawa mo.." si Dale

"Ikaw bah yung lalaki niya?.Wow!.Akala ko hanggang tawag lang kayo , yun pala magkasama kayo.Sabi na nga bah eh , hindi ako ang ama ng batang yan..Sige Kyla , kunin mo yung bata kapag magaling na.Hindi rin naman pala ako ang ama niyan..Kaya wala na akong pakialam.." si Troy at agad akong binitawan

"Sa ngayon wala kang pakialam , pero sa oras na makaalala kana..Wag kang aasa na may babalikan ka pa." sambit ko

"Wag kang mag alala , kung ano man yung maalala ko sa nakaraan , hindi ko na pag tutuonan ng atensyon.." aniya at umalis

Naramdaman ko nalang ang luhang pumatak sa pisngi ko..

"Kyla.."

Napalingon nalang ako kay Dale na nakatingin lang din sakin..

Napayakap nalang ako sa kanya habang humihikbi..

"Ang sakit..Ang sakit sakit na Dale.Nahihirapan na ako.." sambit ko

"Okay lang yan Kyla..Nandito naman ako para sayo eh.Kahit wala si Troy sa tabi mo , nandito ako..Hindi kita pababayaan..Basta , kumapit ka lang para sa mga anak mo..Pero wag kang kakapit sa mukong na kaibigan ko.Sakin lang." aniya at hinalikan ang ulo ko

Napapikit nalang ako..

Ganito rin yung ginagawa ni Troy sakin noon..

Yung mga yakap niya , yung mga halik niya..Miss na miss ko na.

Miss na miss ko na ang asawa ko.Pero kailangan ko nang palayain ang sarili ko.

Ayaw kong magpakatanga ng dahil sa kanya.

Kailangan ko paring bumangon para sa mga anak namin.

At kung totoo man yung sinabi niya na wala siyang pakialam kung bumalik ang alaala niya..Siguro kailangan ko na ring kalimutan ang lahat..

Lahat ng pinagsamahan naming dalawa..

----------

Opss.

Bitin!

Sorry naman , wala ng idean si Ms.A niyo! ^.^

Bawi ako next time..

Pero sa mga gustong mag add sakin sa FB , gumawa po ako ng bago kong account para naman malaman niyo kung kailan next UD ko..

Tnx Po ^.^ sa lahat ng nagbabasa!

https://www.facebook.com/april.grace.507464


His Lies ( BOOK 3 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon