Chapter 4: Casa

6 0 0
                                    

Pagbaba, nakita ko na handa na silang lahat. Maging sina Dian at Leah ay nandito din.

"Aria" malumanay na tawag sa akin ni Dian habang papalapit ako sa kanila.

"Tara sa garden" yaya ko. Gusto kong masolo ang mga kaibigan ko. Nang makarating kami, hindi na mapigilan ni Dian ang kanyang emosyon.

"Aria!" niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak. Hinaplos ko ang likuran niya.

"I will be okay." Pilit kong pinapalakas ang loob ko

"I will miss you" umiiyak na sabi ni Dian habang kumakalas sa pagkakayap

"I will miss you too. You can visit me there anytime. Hindi naman malayo ang Batangas ano ka ba." Biro ko sa kanya

"Kahit na. Malayo pa din yun. Malalayo ka pa din samin, hindi ako sanay."

"It will be better for her Dian. Mabuti yun para matutukan si Aria ng mabuti." Sabi ni Leah na halata din sa mukha ang lungkot

"We will visit you there often." Dagdag ni Dian

"I will expect that" binigyan ko sila ng tipid na ngiti

"Magpapagaling ka dun ha! Huwag kang babalik ng Pangasinan ng hindi gumagaling."

Tinawanan ko na lamang si Dian. Ayaw kong ipakita ang lungkot ko. Magiging mahirap to sa akin lalo na malalayo ako sa bahay at sa mga kaibigan ko. Ayaw ko man, pero kailangan ko tong gawin.

"Anak, we have to go para maaga tayong makarating doon." Pagtawag sa akin ni mommy

"Paano ba yan, I have to go." Paalam ko sa kanila. Nagyakapan kaming tatlo at nagpaumuna ng maglakad si Dian. Papasok na ako ng bahay ng biglang hawakan ni Leah ang kamay ko kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Bakit Leah?" tanong ko sa kanya

"You have to be strong Aria, okay? I know you are a strong girl. Kaya mo yan, I am always here for you."

Tinapik ko siya sa balikat "Yan lang ba ang gusto mong sabihin?" kilala ko si Leah, alam kong hindi lang yun ang sasabihin niya.

"It's about Liam."

Hindi ko inaasahan na babanggitin niya si Liam ng biglaan. "What about him?" tanong ko

"Hindi mo ba talaga sa kanya sasabihin?"

"No" tipid kong sagot

"But he deserves to know your situation" pilit ni Leah

"He deserves to be happy. Alam kong mas makabubuti kung wala siyang alam. Sana maintindihan mo Leah."

"I understand. But..."

"Enough about that. You just have to trust me Leah. Can you do that for me?" natigilan si Leah at yumuko

"Of course Aria. I am sorry"

"It is okay. I know you are just concerned." Muli kong tinapik ang braso niya nauna na sa paglalakad.

Bago sumakay ay nagpaalam ako sa kanilang lahat maging sa mga maid, guard at driver. Bakas sa mata nila ang lungkot, ang ibang maids ay mangiyakngiyak pa. Pinili kong huwag magpadala sa kanilang emosyon at sumakay na lamang sa sasakyan.

"This will be a long ride. Sabihan mo lang kami anak kung may kailangan ka."

Tinanguan ko lang si daddy at tumingin sa labas. Mamimiss ko ang Pangasinan, mamimiss ko ang lahat. Sa Batangas lang naman ang pupuntahan, mga 5 oras din ang biyahe medyo malayo din kaya paniguradong mapapagod ako nito. Bigla kong naalala ang sinabi ni Leah.

The Fight of UsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora