Chapter 12: What are you doing here?

2 0 0
                                    

Maaga akong gumising ngayong araw na 'to. Ito ang unang beses na tutugtog ang banda ng Casa na kasama ako sa bayan. Pupunta kami ngayon sa isang community sa bayan para tumulong at kami naman ay kakanta. Nakaugalian na din daw itong activity sa Casa. Inilalabas kami para tumulong para naman kahit may sakit kami ay may nagagawa pa din kami. Pero pwede lang ito sa mga kagaya naming na hindi pa ganun kalala.

Sinuot ko ang shirt na binigay sa akin. Pare-pareho daw kami ng isusuot ngayon. Nakakapanibago dahil ngayon nalang ulit ako nagsuot ng ibang damit maliban sa pang araw-araw na sinusuot ko dito sa Casa.

May kumatok sa pintuan ko kaya naman binuksan ko ito.

"O Mikhail!"

"Good morning. Read ka na?" tanong niya sakin

"Oo" kinuha ko ang bag ko at lumabas na

"Excited ka ba?" tanong niya

"Oo naman. First time kong lalabas at ngayon na lang ulit ako kakanta" sagot ko naman

Nang makarating kami sa van na pagsasakyan namin, nandun na sila Nics, Kent at yung iba pang sasama. Kami nalang pala ni Mikhail ang wala kaya naman may naiwan ng upuan para sa amin na magkatabi.

Sandali lang ang biyahe at nakarating na kami. Halatang hinihintay na kami ng mga tao. Sakto lang and dami nila at karamihan ay mga bata kasama ang pamilya nila. Tinulungan kami ng tauhan ng Casa na magset-up sa stage. Maya-maya lang kakanta na kami.

"Kinakabahan ka?" tanong sa akin ni Mikhail kaya tumango ako

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinignan ako sa mata. Ikinagulat ko naman ang ginawa niya.

"Mawawala din yan at kayang-kaya mo yan"

Napatango nalang ako sa kanya

Ngayon nalang kasi ulit ako kakanta matapos ang medyo matagal na panahon kaya nakakakaba at iba na sa pakiramdam. Ganun lang siguro talaga kung babalikan mo yung mga bagay na matagal mo ng hindi ginawa.

Nagsimulang tumugtog ang banda. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim.

"Who am I, that the Lord of all the earth
Would care to know my name
Would care to feel m hurt?
Who am I, that the Bright and Morning Star
Would choose to light the way
For my ever wandering heart

Not because of who I am
But because of what You've done
Not because of what I've done
But because of who You are

I am a flower quickly fading
Here today and gone tomorrow
A wave tossed in the ocean
A vapor in the wind
Still, You hear ne when I'm calling
Lord, you catch me when I'm falling
And You've told me who I am
I am Yours, I am Yours"

Kung noon ang kinakanta naming sa banda ay mga RnB, OPM, Pop and Rock songs, ang kinakanta naman namin ngayon ay mga kanta sa simbahan o mga worship songs.

Sabay-sabay kaming nagbow at pinalakpakan naman kami ng mga tao. Nakakamiss ang feeling na ganito.

"Nice performance guys!" sigaw ni Nics at naghighfive kaming lahat

"Let's take a picture. First performace natin ito with Riley e" sabi naman ni Kent sabay kuha sa phone niya

1....2....3... Smile!

Nagulat ako ng biglang maramdaman ko ang kamay ni Mikhail sa balikat ko. Nilingon ko siya at buti nalang napigilan ko kung hindi nagtama ang mukha namin dahil nakatingin din siya sa akin habang nakangiti.

"Why?" hindi ko inaasahanang natanong ko sa kanya

"Wala lang, para mukhang close tayo sa picture" sabi niya sabay tawa

"Kanina pa tapos yung picture, nakapose pa din kayo diyan" nakapamewang si Nics sa harapan namin

"Ineenjoy ko lang naman akbayan si Riley" mas hinigpitan niya pa ang pagkakakabay kaya mas napalapit ako sa kanya

"Ewan ko sayo Mikhail! Tigilan mo na nga yan, baka mailang si Riley sayo" sabi naman ni Nics

"Bakit? Naiilang ka ba Riley?" nilingon niya ako kaya mas lumapit naman ang mukha ko sa kanya

"Kung ganito ba naman kalapit sino ang hindi maiilang" tumawa ako ng bahagya at iniwas ang mukha ko sa kanya dahil pakiramdam ko namula na ako

Tumawa siya tsaka inalis ang pagkakaakbay sa akin

"Riley, wag ka ng maiilang. Masanay ka na kasi ganito talaga ako"

Hindi ko alam pero naiilang talaga ako ngayon kay Mikhail. May mga galaw kasi talaga siya minsan na hindi ko maintindihan na nagbibigay sa akin ng kakaibang feeling, lalo na ngayon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko o kung anong dapat kong gawin ngayon.

"Halina na kayo dito. Manood kayo"

Nakahinga ako ng maluwag ng tawagin kami ni Tita Jack. You're my savior today tita!

Pagkatapos ng mini program, may kaunting games para sa mga bata at pagkatapos ay namigay kami ng goods sa mga pamilyang nagpunta. Masaya ang buong event at nag-enjoy ako kahit napakasimple lang. Matapos kumain ay bumalik na din kami sa Casa. Dahil may event kaninang umaga, wala na kaming activity ngayong hapon.

Naisipan kong pumunta sa garden para magpahangin. Dahil madaming pasyente, sa dulo ako ng garden pumunta. Bigla kong nanamang naisip ang magandang lugar na iyon. Saktong-sakto sana ngayon ang place na yun pampatanggal ng stress at pagod. Pero kahit pa gustuhin kong pumunta dun, hindi pwede dahil nga pagmamay-ari ng iba.

Kung kaibiganin ko nalang kaya si Ethan para makapunta ako sa place na yun? Wait. Ano? Parang mahirap ata yun. Parehong sarado isip naming dalawa pagdating sa isa't-isa e. Hindi ko ugaling makipagtalo pero pagdating sa kanya... ewan ko ba.

"Wow ang ganda!" nagulat ako ng may narinig akong boses ng bata. Si Brix yun a?

"Alam mo bang marami muna silang pinagdaanan bago sila naging ganyan?" boses naman ng isang lalake ang nagsalita. Pinakinggan ko kung saan galing ang mga boses nila, alam kong malapit lang kaya hinanap ko ito.

Hindi sa pakialamera pero gusto ko lang malaman kung anong meron doon. Hindi ko ugaling mang-usisa pero bakit ba? Wala kong magawa e.

Naglakad ako patungo sa mas dulong parte pa ng garden papunta sa butterfly garden.. Ilang metro lang ang distansya mula sa kinakaupuan ko ay nakita ko na si Brix. Mag-isa siyang nakaupo at nakapikit. Bakit mag-isa lang siya? Sino yung kausap niya kanina? Guni-guni ko lang ba?

Pinagmasdan ko lang muna siya mula sa kinakatayuan ko. At kahit mahina ay naririnig kong bumibilang siya pababa.

Alam ko na, nakikipaglaro ito ng tagu-taguan. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami nila Ate Sophia at Mark. Paborito namang laro yan at mas naging paborito ko pa noon kasi nga yung first crush ko na si Carson lagi akong hinahanap pag siya ang taya. Napakabilis nga talaga ng panahon at mabilis pang magbago. Kung noon kami ang naglalaro, ngayon ibang henerasyon na ng mga bata.

Naisip kong lapitan na si Brix pero unang hakbang palang ay napatigil na ako ng biglang may magsalita.

"What are you doing here?"

The Fight of UsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang