Jerome???

2K 91 5
                                    

If you are no longer happy - go.

Chriden PoV

Continuation ng Birthday ni Chrien.

Nandito kami ngayon sa isang resort. Ang saya nga eh. Ang tagal narin kasi ng huling bonding namin kasama sila Allen. Kasama din namin ngayon si Sheryl at si Kerby pati na rin ang mga kaibigan ng kapatid ko.

Estudyante ko pa nga ang ibang kaibigan ng kapatid ko eh.

"Den tapos ka na sa LRN ng mga students mo?" tanong sakin ni Sheryl habang patuloy na pinapaikot ni Allen ang tagay.

"Hindi pa nga eh. Hindi ko kasi nailista yung mga middle name ng mga bata ko" sagot ko sa kanta.

"Daig pa kita! Ako natapos ko ng wala pang isang oras yun!" mayabang niyang sabi sakin.

"Ha? Paano? Eh halos lahat nga kami sa school hindi namin matapos tapos yun e!" takang tanong ko sa kanya.

"E di hinulaan ko! Malay ko ba sa mga middle name nila! Ako ba nagpaanak sa nanay nila!" singhal niya sakin.

"Kakaiba ka talaga Sheryl!" puri sa kanya ni Brille.

Biglang napunta ang atensyon ni Sheryl sa grupo nila Chrien. Tiningnan niya iyon na para bang isa siyang imbestigador.

"Chrien boyfriend mo ba itong si Christian?" diretsong tanong ni Sheryl.

Sa totoo lang, kahit ako gusto ko na rin magtanong. Halata naman kasi sa ikinikilos ni Christian na may kakaiba siyang pagtingin sa kapatid ko. Hindi nanaman kami bata para hindi mahalata iyon. Alam ko rin yung tinginan ng kapatid ko at ni Noah, pati narin ang nararamdaman ni Justin sa kapatid ko.

Ayoko pakialaman ang ganyang sitwasyon ng kapatid ko. Sigurado akong siya lang ang nakakaalam ng dapat niyang gawin. Maging tama lang sana ang maging desisyon niya pagdating ng panahon na kailangan na niyang sagutin ang tanong ng puso niya.

"Po?" gulat na reaksyon ng kapatid ko.

Nabaling ang tingin ko kay Christian. Ngayon ko lang napansin na may pagkakatulad sila ni Francisco. Sa kilos at sa paraan ng pananalita. Mukhang mapapasabak sa matinding buhay pag-ibig ang kapatid ko.

"Kapag hindi ka sumagot ng maayos ipagkakalat kong boyfriend mo siya" pananakot ni Sheryl sa kapatid ko.

"Ate Sheryl nagk-" hindi na naituloy ng kapatid ko ang sasabihin niya nung biglang may nagsalita sa tagiliran namin.

"Hi! Sensya na ngayon lang nakarating. Ito kasing kasama ko nagpaantay pa" sabi ni Justin sabay tingin sa kasama niya.

"Jerome??" reaksyon ko.

Matagal na hindi namin nakakasama si Jerome sa ganitong mga lakaran. Naging workaholic na kasi siya at masyadong sineryoso ang pagmamanage niya ng business ng pamilya niya. Bihira lang din kami magkachat dahil madalang siya mag-online sa facebook.

"Kumusta na Den?" Nakangiti niyang tanong sakin. Naramdaman kong bahagyang umurong papalapit sakin si Francisco at ipinatong ang kanang kamay sa balikat ko.

"Ayos lang Jerome. Halika. Kumain na muna kayo ni Justin" yaya ko sa kanila at ikinuha ko sila ng paper plate.

"Oh Paul kung makadikit ka kay Den para kang dikya! Huwag ka mag-alala tapos na ang role ni Jerome sa love story niyo" pang-aasar ni Sheryl kay Francisco.

"Kumporme nalang kung talagang si Den at Jerome ang nakatadhana para sa isa't-isa. Wala ka na talagang magagawa don Paul" dire-diretsong sabi ni Sheryl dahilan para mapatahimik ang lahat ng kasama namin.

"Ikaw ngang babae ka eh kumain ka nalang! Walang preno yang bunganga mo!" suway ni Kerby.

"Baket? E totoo naman! Yung kapitbahay nga namin ilang tao-" Hindi na naituloy ni Sheryl ang sinasabi niya nung sinubuan siyang bigla ni Kerby ng isang buong saging sa kanyang bibig na naging dahilan ng patuloy na tawanan namin.

Nilingon ko si Jerome. Nakangiti lang siya. Halos wala ngang nagbago sa kanya eh. Ganoon pa rin. Napakalaki ang nagawang sakripisyo ni Jerome para sakin dati. Kung hindi ko man masuklian iyon alam ko susuklian ng Diyos ang kabaitan at kabuting loob na taglay ni Jerome.

"Shot!!!!!" sigaw ni Allen. Kinuha iyon ni Jerome at mabilis na ininom.

"Nga pala, nextweek tuloy na yung camping natin! Doon ulit sa dati!" dugtong ni Allen matapos iabot ang tagay kay Francisco. Bigla akong napatingin kay Jerome. Iyon kasi ang pinakahindi ko malilimutang nagawa ni Jerome sa buhay ko. Yung kahit ang lakas lakas ng ulan at napakalakas ng hangin ay nagawa niyang bumalik sa isla para sakin. Halos sabay kaming nagkatinginang dalawa.

"Parang may naalala akong bigla" -Sheryl.

"Ako din" segunda ni Brille.

"Hoy! Kung ano man ang mga nasa isip niyo, tapos na iyon. Kayo talaga. Osya - join kami" singit ko dahil alam kong nakatuon ang atensyon ni Francisco samin. Napagpasyahang sumama narin ang mga kaibigan ni Chrien. Siguradong masaya dahil marami na kami.

"Oo! Totoo iyon! Ninakaw namin ni Den yung prayer sa bulletin board para makapasa kami sa exam" narinig kong kwento ni Sheryl.

"Hoy! Mahiya ka! Ikaw ang nagnakaw non! Pati nga sharpener ninakaw mo pati keyboard ni Mam!" sagot ko sa kanya.

"Hindi ko ninakaw ang keyboard kase hindi kasya sa bag ko!" singhal niya sakin.

Nagpatuloy ang kalokohang kwento ni Sheryl kaya patuloy din ang katuwaan naming magkakasama. Sana palaging ganito. Sana palagi nalang kaming masaya at wala na kaming kaharapin pang problema.

Author: Baka po malito kayo.. Magkasabay po ang timeline ng Book IV and Book V. Maraming salamat po. Comments and Likes Pls. :) Follow niyo rin po ako sa Fb Bubei Yebeb. ThankieSoMuch.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVWhere stories live. Discover now