"Sir may nagpapabigay po"

1.3K 68 6
                                    

Nothings gonna stop us now.

Chriden PoV

Nagsimula na namin akyatin ang mother falls dito sa Aurora Baler. Dimatubo falls. Hindi naman ganoon katarik ang daanan hindi katulad nung mga naakyat naming bundok dati. Ang problema nga lang ay medyo maputik kaya madulas ang daan.

Nakailang beses kami tumigil sa bawat tindahang nakikita namin. Ang sasarap kasi ng mga pagkain at inumin. Fresh na fresh talaga katulad nalang ng buko na sa pinakabuko talaga iinumin. Lalagyan lang ng kaunting yelo at ready to drink na. Nakadalawa nga ako ee.

"Ang ganda oh!" sabay turo ko sa tubig na bumabagsak mula sa itaas.

"Tingin mo samin bulag? Nakikita din namin yan Den!" pambabara sakin ni Sheryl.

May mga ilang tao din kaming nakasabay sa pagpunta dito. Marami rami rin ang naliligo sa falls. Malinaw at malamig ang tubig. Masyado nga lang mabato ang paligid kaya kailangan maingat sa paglalakad. Ilang beses nga akong muntik matipalok buti nalang at nahahawakan ako ni Jerome.

"Tara na! Ligo na tayo!" yaya ni Brille at kaagad ng lumusong sa tubig. Sumunod na agad don si Kerby at Sheryl.

"Lakad na.. Mamaya na ako.. Medyo napagod din kasi ako sa pag-akyat" sabi ko kay Jerome nung nakatingin siya sakin. Naupo muna ako sa lilim at pinapanuod ko sila Kerby habang naliligo sa falls. Naupo rin sa tabi ko si Jerome.

"Thank you..." mahinang sabi ko sa kanya na sapat na para kaming dalawa lang ang makarinig. May ilang tao din kasing nasa likuran namin at nagpapahinga.

"Hindi mo naman kailangan magpasalamat sakin Den.. Ginagawa ko lang ang gusto kong gawin.." sagot niya habang nakatingin sa tubig na nanggagaling sa itaas.

"Sana mapasaya pa kita.. Sana magawa ko lahat ng bagay para maging masaya ka.." seryosong dugtong niya.

"Hindi mo naman kailangan gawin lahat Jerome.. Yung manatili ka lang nandiyan para sakin masaya na ako.." sagot ko. Naramdaman kong pumatong ang kamay niya sa kamay ko.

"Mahal na mahal kita Den, kaya kong gawin lahat para maging masaya ka, para maging masaya tayo. Sana nga dumating yung araw na matutunan mo na akong mahalin. Hindi naman kita pinipilit pero syempre naasa rin ako kasi gusto maging maayos ang kung anong pwedeng maging relasyon natin" mahabang sabi niya.

"Alam ko naman kasi na walang bisa yung kasal natin dahil hindi naman talaga ako ang dapat na kasama mong lumakad sa gitna noong time na yun eh. Masyado ko lang sineryoso kasi napakasarap sa pakiramdam ko yung ikasal sayo" dugtong niya.

Hindi ako makapagsalita. Alam ko mahal ako ni Jerome pero hindi ko akalain na ganito palang kalalim ang nararamdaman niya para sakin. Bigla tuloy tumulo ang luha ko. Naiyak ako dahil sa mga narinig ko mula sa kanya.

"Dati pa gusto ko na ikasal sayo, natatandaan mo nung may wedding booth sa school natin? Pinahanap talaga kita non. Kasi sabi ko pagkakataon ko na ikasal sa taong mahal na mahal ko. Ang saya saya ko nung nahuli ka nung dalawang nag-aassist at iniharap ka sakin. Feel na feel ko iyon. Excited na excited ako nun. Kaso hindi pa tayo nakakapagsimulang maglakad ay may pumigil na agad satin. Olats agad noh?" mahabang kwento niya kaya nanariwa sa isipan ko ang scenario na iyon.

"Nagkaroon pa ako ng pangalang pagkakataon matapos iyon. Yung time na nagbakasyon tayo nila Kerby at sinabi ko sayong, Ready? Tapos tinanong mo ako tapos ang sagot ko to be my infinity again. Alam ko pagkakataon ko na iyon kaso nagparaya na ako. Hindi ulit natuloy noh? Nagkaroon ulit ng pangatlong pagkakataon, nung time na nagdecide akong pakasalan ka sa Canada kaso tinanggihan mo ako" mahabang dugtong niya.

"Jero-"

"Ooops. I know. Kinukwento ko lang sayo. Kasi sa pagkakataon na ito, kung magkakaroon man ulit ako ng chance ay hindi na ako papayag na hindi na matuloy. Ikaw na ang buhay ko Den. Kung hindi lang din ikaw ang makakasama ko habang buhay, ayoko na. Hindi ito threat ha.. Gusto ko lang iparamdam at ipaalam sayo na mahal na mahal na mahal kita Den" pagpapaliwanag niya sakin.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IVWhere stories live. Discover now