Chapter 5

5.8K 59 0
                                    

Kabababa pa lang ni Francine sa kotse ay nakita na kaagad niya si Vera na naghihintay sa labas ng airport

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kabababa pa lang ni Francine sa kotse ay nakita na kaagad niya si Vera na naghihintay sa labas ng airport. Napakarami nitong dalang bagahe at para bang lumayas na ito sa bahay niya sa ibang bansa.

"Oh my god, Bessy!" masayang pagsalubong ni Francine kay Vera. Nagyakapakan silang dalawa. "Tignan mo nga naman, oh. Ang sosyal-sosyal mo na ngayon, bruha ka. Pati ang figure mo, mas sumexy ka pa ngayon."

"Ikaw naman. Ako pa rin naman ang dating best friend mo."

Nagpamaywang si Francine. "Teka nga lang. Ano ba'ng nangyari sa iyo at ilang buwan kang hindi nagparamdam, ah. Ni hindi ka na tumatawag sa Skype. Pagkatapos, hindi pa kita ma-contact sa Facebook."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Vera. "Ah, eh... mamaya ko na lang ipapaliwanag sa 'yo sa bahay n'yo."

"Sige."

Then, she changed the topic. "Siya nga pala, napakarami kong pasalubong sa inyo, oh. Ipinamili ko kayo ng kung anu-ano sa 'min. May groceries d'yan sa loob ng box at kung anu-ano pa."

"Ikaw naman nag-abala ka pa. Maraming salamat, ah."

"You're welcome, bessy," sagot ni Vera at nagyakapan ulit sila.

Pagkuwa'y may biglang naalala si Vera. "Oh by the way, sino'ng kasama mo? Ikaw lang ba ang mag-isa na sumundo sa akin dito?"

"S'yempre may kasama ako, ano?" natawa niyang sagot. Saktong lumabas naman sa kotse si Miggy at kumaway sa mag-best friend.

"Hey! Kamusta ka na, Vera?" bati nito habang papalapit sa kanila.

"Oh my god," namanghang sambit ni Vera. Nagkatinginan pa sila ni Francine bago niya ibinalik ang tingin kay Miggy. "Si Miggy na ba 'to?"

"Ang guwapo, ano?"

"Hindi lang guwapo, napakaguwapo." Mas gumuwapo pa kasi ito kaysa noong huli niya itong nakita. "Ilang taon na ba iyon? Two years? Two years na yata simula nang huli ko siyang makita at noong kasal n'yo pa. E, dati medyo payatot pa 'yang asawa mo. Anong nangyari at medyo naging macho na? Umuumbok na ang mga muscles niya, oh."

"Naku! Hindi ko rin alam, ano? Kauuwi lang kaya nyan noong isang araw galing sa Kuwait."

"Ay, oo nga! Nag-Kuwait nga pala siya." Nang makalapit si Miggy ay tinapik niya kaagad ito sa balikat. "Hoy mokong! Ano nama'ng nag-udyok sa 'yo para umuwi ka na rito sa Pilipinas? Minaltrato ka ba ng employer mo roon?" biro nito at nagtawanan na naman sila ni Francine.

"Wala, e. Sinamantala ko na iyong libreng pa-flight ni Duterte. 'Tsaka ayoko na rin naman doon. Sapat nang nakabili kami ng bahay. Malungkot sa Kuwait."

Pinagtaasan siya nito ng kilay. "Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi. Hindi mo ba alam na madalas umiyak itong si Bessy noong wala ka? Panay ang iyak sa 'kin ng bruhang ito sa Skype."

Nahihiyang napakamot tuloy sa ulo si Miggy.

Tinapik naman ni Francine ang kaibigan. "Ito naman, binubuko pa 'ko. Ang mahalaga ay nandito na si Miggy at hindi niya ako iiwan pa."

Sinful Heaven [Completed]Where stories live. Discover now