Chapter 44

4.4K 60 2
                                    

"Francine, mali itong ginagawa mo!" sabi ni Raymart, ngunit bigla siyang itinulak nito sa kama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Francine, mali itong ginagawa mo!" sabi ni Raymart, ngunit bigla siyang itinulak nito sa kama. "Francine, huwag. Hindi mo dapat ginagawa ito."

Hindi siya nito pinakinggan at isa-isang inalis ang pagkakabutones ng kanyang polo.

Hindi na malaman ni Raymart ang gagawin. Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Francine at talaga namang nagulat siya. Unti-unti na siyang natutukso na gantihan ito. Alam niya na wala ito sa sarili, ngunit sino ba namang lalaki ang hindi maaakit sa kanya? Napakaganda ni Francine. Lalaki lamang siya at kahit sinong lalaki ay maaaring bumigay sa diyosang katulad niya.

Hanggang sa dahan-dahan na ngang ibinaba ni Francine ang kanyang bra. Tuluyan na sana itong matatanggal nang maisipan niya na itong pigilan.

"Francine, tama na!" sabi niya.

Biglang huminto si Francine at tila natauhan sa kanyang pinaggagawa. Dali-dali namanng bumangon si Raymart at tinakpan kaagad ng kumot ang katawan niya.

"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"

Tumingin ito sa kanya ng seryoso. "Hindi pa ba ako sapat sa 'yo, Raymart? Nandidiri ka ba sa katawan ko?"

"Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"Pangit ba 'ko!?"

"Ofcourse not!"

"Then, bakit hindi mo 'ko magawang patulan? Bakit ayaw mo 'kong angkinin? Ang akala ko ba ay tutulungan mo 'ko? Gusto kong makalimot kahit sandali lang, Raymart!"

"Nakahanda akong tulungan ka, pero hindi sa ganitong paraan na naisip mo!"

Then, bigla silang natahimik. Pansamantala silang naubusan ng mga salitang sasabihin.

Ikinalma na muna ni Raymart ang sarili. Si Francine naman ay napaluha na lang nang sandaling iyon.

Pagkuwa'y nagsalita na si Raymart, "Francine, kaibigan mo 'ko. Iginagalang kita at hindi ko magagawa ang gusto mong gawin ko sa 'yo. Hindi 'yon ang solusyon para makalimot ka. Para mo na ring sinabi na ayos lang na nagtaksil ang asawa mo. Pagtataksil na rin ang gusto mong gawin natin."

Hindi sumagot si Francine at nagpatuloy lang sa pag-iyak. 

Niyakap naman siya ni Raymart at marahang hinaplus-haplos sa likuran. Wala siyang ibang magawa kundi ilaan ang mga bisig kay Francine at tulungang pagaanin ang pakiramdam nito.

"Huwag mong parusahan ang sarili mo, Francine. Sila ang dapat na nagdurusa ngayon, hindi ikaw."

"Raymart..."

"Lakasan mo ang loob mo. Lilipas din 'to at magiging masaya ka ulit."

Pagkuwa'y naipikit na lamang ni Francine ang kanyang mga mata at unti-unti nang nakatulog sa mga bisig ni Raymart.

"Bukas na bukas din ay dadalhin kita sa mommy mo. Mas kailangan mo ang isang ina, kaysa sa isang kaibigan lang na katulad ko."

---

"Francine, baka ma-traffic at magutom tayo sa biyahe papuntang Laguna. Ang mabuti pa ay maiwan ka muna rito sa sasakyan at bibili ako makakain natin sa mall. Ano ba'ng gusto mo?" tanong ni Raymart habang nagpa-park siya ng kotse sa likod ng mall.

"Ah, Raymart. Ayos lang ba na sumama ako?"

"Oo naman," nakangiting sagot ni Raymart. "Bakit? May bibilhin ka rin ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang sumama."

"Sige," muling sagot niya.

Bakas pa rin sa mukha ni Francine ang kalungkutan. Ngunit natutuwa naman si Raymart dahil napapansin niyang lumalaban ito kahit gaano pa kasakit ang nararamdaman. Kahit papaano, nakatulong siya para lakasan nito ang kanyang loob.

Pagkuwa'y nakarating na sila sa loob ng mall. Nang makarating sa tapat ng supermarket ay huminto muna ang dalawa roon.

"Ah Raymart, puwede bang hintayin na lang kita rito sa labas? Gusto ko kasing maglakad-lakad muna."

"Oo naman."

"Salamat."

"Ano bang gusto mong pagkain na bilhin ko? Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong kainin sa biyahe."

"Kahit na ano ay ayos lang. Ikaw na ang bahala."

"Sige. Magkita na lang tayo rito sa harap ng supermarket, ah." Tumango ito sa kanya. Then, iniwan niya na ito at pumasok na siya sa loob ng supermarket.

Naglakad-lakad si Francine sa mall. Nilibang niya muna ang sarili at nag-window shopping.

Then suddenly, she heard a voice.

"Bessy!"

Nang lumingon siya ay nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Nandoon si Vera at kinawayan pa siya. Para bang walang nangyari at masaya pa itong lumapit sa kanya.

"Bessy!" bigla siya nitong niyakap. Tila nanginig ang kanyang laman sa sandaling iyon. "Bessy, bakit ka ba umalis kahapon? Alam mo ba na sobra akong nag-alala sa 'yo? Tignan mo, oh. Namili ako ng maraming groceries. Naubusan na kasi tayo ng stock sa bahay---"

Ngunit hindi na nito natapos ang sasabihin nang bigla siyang sampalin ni Francine. "Ang kapal ng mukha mo!"


*****

Sinful Heaven [Completed]Where stories live. Discover now