Unknown number calling

7K 62 63
                                    

Number 1: "Unknown number calling"



Mikaela's POV


Tahimik, Mahinahanon, nakakatanggal ng stress. Yan ang sabi ko sa aking sarili.

Pero hindi ko pala alam na may isang taong nagmamasid sa akin mula sa malayo.

Yakap yakap ko ang sarili habang nakaupo sa isang UPUAN sa may park malapit sa bahay namin. Oo, may mga malapit na bahay na may ilaw pero sadyang may mga pangyayari talagang hindi mo inaasahang mangyari.

*ring*ring

Bigla akong nagulat sa pagtunog ng cellphone ko. Ah, baka si Ren yung tumatawag.

Agad ko naming kinuha ang cellphone ko pero nadismaya nung unknown number yung tumatawag.

Nung sinagot ko na......

 " I.CAN.SEE.YOU"

sabi ng nasa phone. Natakot ako kasi nakakatakot yung boses nya. Kontrabida cherlalu lang ang peg? 

Tumingin tingin ako sa paligid. At may isang anino dun bansa sa may swing. 

"Ikaw ba yung nasa swing?" I asked. "HAHAHAHA" Tumawa lang sya kaya linapitan ko. Pero swear, buong buong kilabot na yung nararamdaman ko nung mga oras na yun.  Pinagpapawisan na ko. 

Pero i was shocked.

Hala si Ren yun!

Pero puro dugo yung mukha niya. At nung makita nya ko, parang malungkot yung mukha niya. I closed my eyes, baka namalik-mata lang ako. 

And nawala na LAHAT.

Kinabukasan. Nalaman ko na lang na patay na pala si Ren.

2 weeks ago. Kaya pala hindi ko na siya nakita. Hindi na siya nagparamdam. And i think kaya dun sya sa may swing nagparamdam kasi favorite place naming dalawa yun. Namatay daw siya ng dahil sa car aksident. Kaya pala may dugo.

Minsan, hindi natin alam na mawawala ang taong mahalaga sa atin. Kaya kahit natakot ako, masaya parin ako dahil nagparamdam siya. Kahit may doubt ako sa kanilang dlawa ni Ann. Seriously, minsan nakikita ko silang magkasama. Pero wag na ungkatin ang past. Wala na si Ren.

IKAW KAYA? PANO KAYA MAGPAPARAMDAM SAYO ANG NAMATAY MONG KAIBIGAN O KAPAMILYA?

Paano kapag isang araw,  may tumawag na lang sayong unknown number isang gabi....

Will you take the risk na sagutin yun?

HUMANDA KA NA!

--------

Ann's P.O.V 

( Friend nung babae sa unang kuwento)

I'll always remember

It was late afternoon

It lasted forever

and ended too soon

Unknown number calling.......

"Hello?"

"Punta ka sa may playground sa may **************** subdivision. Ren to"

 Ah si Ren. Boyfriend ko. Pero secret lang.  1 month na kami. And monthsary namin ngayon. Secret relationship kasi may girlfriend pa siyang isa. Si MIKAELA.

-WAKAS-

A/n:

HAHAHAHA, Gets niyo ending? nagparamdam din kay Ann. Kasi nga affair nya yun habang sila nung girl sa pinakauna. At si Ann wala pang alam sa pagkamatay ni Ren. halaaaaaaa! :)

Unknown number callingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon