Tawag. (another story)

2.9K 52 107
                                    

Isang experience na naman tungkol sa Unknown number calling na yan =) Dedicated kay Yannie =)) Kung sino ang unang mag-comment idedicate ko sa kanya ang next story dito sa UNC =) DON'T FORGET TO COMMENT! KAHIT WALA NG VOTE PLEASE COMMENT NAMAN NAGMAMAKA-AWA AKO. KAHIT HAPPY FACE OR SAD FACE LANG O KAHIT TULDOK BASTA MAY COMMENT PLEASE!

Thanks guys! :*

PS: Mas magandang basahin kapag bago ka matulog  :)

-

Hayy, Hindi ko talaga matapos tapos tong project namin na to! Nakakainis! Almost 12 am na wala pa kong kalahati. Pano, bukas na pasahan. Haisst! Kasalanan ko to eh!

Iidlip nga muna. Antok na antok na ko eh.

-

Nagising ako at naalala kong hindi pa pala ako tapos sa project ko! barabas hestas! Kailangan kong matapus yunnn! Agad agad akong tumayo sa higaan ko at nalaman kong halos 2 hours pala akong nakatulog. 1: 45 am na. Lagot, aabot pa ba to?

Ginawa ko na ang project ko at malapit na ko matapos ng.....

*Hindi kitaaaa malilimutaaaan* Biglang nag-ring ang cellphone ko. Bakit ba nag-iba ng ringtone to? The last time i checked lady gaga pa ang ringtone nito. Born this way pa nga ehh! >____________<

Grabe ah, first time lang ata may tumawag sakit ng ganitong oras. Medyo natakot pa nga ako kasi diba, it's alread 2:45 tapos may tatawag pa sakin?

Kung may boyfriend ako hindi ako magtataka pero haler! NBSB ako mga ateng! Apir sa mga nbsb din diyan!! Sa mga hindi, alam na hahaha joke lang mga ateng!

Mga kaibigan ko naman, halos mga tulog na mga yon. Mga yun pa, sagana yun sa tulog. Palibhasa, nagpapagawa na lang ng project tas babayaran na lang. Buhay nga naman!! 

So ayun, sinagot ko na ang tawag.

Medyo nanginginig pa nga ako. Baka kidnapper to o something scary.

"Uhhhhhhhhm. Hello?"

SILENCE.

"HELLOOOOOOOO. SOMEBODY HOMEEE?"

Silence.

ABA! Pinagloloko lang ata ako nito eh. Tapos binabaan ako. Lnghiya, ako pa binabaan? Anak ng dagat naman ito oh! Masyadong sagabal sa pag-gawa ng pproject! jusko maaga ako bukas. Mamaya na yung pektus pektus! 

Nagpatuloy na lang ako sa pag-gawa. Lapit na ko yiiiiieee.

*Hindiii kitaaaa malilimutaaaaan*~ 

Ayan na naman ang ringtone ko na yan.

Sinagot ko.

Pero katulad kanina, wala pa rin talagang sumasagot.

Nagsimula na akong kabahan, lalo n't magti-3:00 na ng umaga.

Shizz kailangan ko nang tapusin to.

Lagot talaga sakin ang mga kaibigan ko. Lagi kasi nila akong tinatakot eh at lagi silang nag-kwekwentuhan ng nakakatakot kaya kung ano ano na ang mga naiimagine ko.

Lalo na yung babae sa ilalim ng kama. Na kapag pagbaba ko sa kama ay may huhugot sa paa ko.

sa bintana, may lalaking pula ang mata ang biglang nakabantay don. 

sa ceiling, yung matandang naka-itim dun.

UGGH PINAGPAPAWISAN NA KO!

 Kahit naka-aircon sa kwarto ko ay pawis napawis na ko dahil sa mga naiimagine ko. 

Nang matapos na ko sa prject,

 dali dali kong linigpit ang mga gamit ko ng bigla na namang tumunog ang cellphone ko.

ANO BA YAN!!! BAKIT BA GANITO~!\

Ang dami ko pang liligpitin.

Pangatlong beses na to ah.

Takot na takot kong tinignan ang cellphone ko, yung number pa rin na yung ang tumutunog.

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

Next time talaga, gagawa na ko ng projects ng maaga.

Para hindi na ko nag-cacram at hindi na rin ako matatakot.

Tumingin ako sa bintana, shiz! Bukas pala yung kurtina. Agad agad akong lumapit sa bintana upang sarhan pero sa kamamadali kong lumapit sa bintana ay natalisod ako sa anumang bagay sa kwarto at dahilan para mapadapa ako sa sahig. 

Napapikit ako sa sakit.

Pagkadilat ko, nagulat ako ng may makita akong kamay.

Kamay?!

Ah, eto lang palayung laruang kamay nung halloween. Yung kapatid ko kasi eh! :(

Nagulat ako nang makita ko ang cellphone ko sa ilalim ng kama.

Dun sa pinaka-ilalim.

nagriring pa rin.

Sa takot ko, dali dali kong pinatay ang ilaw, sinara ang bintana at tinakpan ko ng kumot ang katawan ko.

Takot na takot ako nun.

Ang bilis bilis ng heartbeat ko at tumutunog pa rin yung cellphone ko.

Lumipas ang 10 minutes.

20 minutes.

Natapos na rin ang pagriring.

Hayy, salamat makakatulog na rin ako.

"Psst. Psst. Bakit ayaw mong sagutin yung telepono mo? Natatakot ka ba sakin?"

Isang nakakatakot na boses ang narinig ko.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!"

-END-

COMMENT PLEASE!!! :)))))) And vote na rin hihi

Unknown number callingWhere stories live. Discover now