CHAPTER 8

26 4 1
                                    

SECOND DAY,

Araw na inaasahan kong magiging maayos na.
Araw na inaasahan kong makikita ko na sya...
O baka nakita ko na talaga sya,
Ayaw nya lang magpakilala.......

-----------------

ELLIZA'S POV

maaga akong nagising at naghanda para pumunta sa school.Nag ayos ng buhok,humarap sa salamin at binuksan ang drawer,napangiti ako...Nakita ko yung regalo nya sakin...Yung huling bagay na nabigay nya saken...

"elliza!!andito na si jess!"sigaw ni mommy sa baba

"opo!" sagot ko at nakangiting sinara ang drawer...Kent...Kailan kita makikita uli??

....

Nang makarating na kami sa school,maraming studyante na ang naroon.

"So nahanap mo na yung envelope mo??"tanong ni jess

tumango ako..."bat kasama si mr skate??"

nanlaki ang mata ko,"n-nakita mo yun??"

ngumiti sya,"akala ko ba envelope lang?dapat sinabi mo na rin sakin na gusto mo syang makita...Di naman ako against dun"

"Tanga hindi!Nagkataon lang na nandun din sya--"

"Tapos nakita ka nya...tapos hinatid ka nya sa bahay nyo ganun??"putol nya

"p-parang ganun na nga?"

Wala na syang sinabi...Pero sa ngiti na nasa mukha nya,alam kong may malisya sa kanya yun...

Hinayaan ko na lang sya at tumungo na lang sa classroom ko...Huminga ako ng malalim dahil alam kong makikita ko na naman si mr skate,hindi ko alam kung maiilang ako o hinde,kung bubusangot dahil sa pang aasar nya?Ewan.

Pumasok na ako sa classroom,pero wala...wala si mr skate...Wala ang lalaking sisira sa araw ko.Ang saya saya ko,pero nag aalala din ako kung asan sya.Siguro malelate lang yun.

Ilang minuto din akong naghintay sa pagdating ni mr skate,hanggang sa dumating na ang prof namin...Nakinig na lang ako sa discussion dahil baka magday dream na naman ako tapos tawagin ako ni sir...

CHRISTIAN'S POV

Nasa galagitnan kami nila jacob at phoenix ng paglalakad sa hall,in short,nag cutting kami.

Minsan naiisip ko kung bakit ako lang ang maingay sa aming tatlo,pakiramdam ko iba ako?kase ang tatahimik nila...

"so...nag cutting tayo??" tanong ko na ikinalingon nila

"oh?tapos??" sagot ni jacob

"SINAMA-SAMA NYO AKO SA PAGKA-CUTTING NYO TAPOS TATAHIMIK LANG DIN PALA KAYO!? WHERE'S THE FUN MEN??"

PERFECTWhere stories live. Discover now