Chapter One: Invitation

11 3 0
                                    

Kanina pa pinagmamasdan ni Anika ang wedding invitation sa table niya. 

Montero and Salazar Nuptials

 Shit.

Hindi niya napigilan ang panunubig ng mga mata. Pinipilit niyang mag-isip ng maayos pero ang tanging nasa isip niya ay ikakasal na ang mahal niya.. at sa bestfriend niya pa. 

Oo nga at matagal na panahon na yon.. My goodness! It has been seven years!Pero hindi pa rin niya makalimutan ang mukha ni Ivan nung gabi ng high school graduation nila. Yung titig nito na puno ng emosyon. Parang may gusto itong sasabihin sa kanya. Hindi niya makakalimutan ng ibuka nito ang bibig at sambitin ang pangalan niya pero maraming tao noon at hindi niya kayang lumapit dito. But she knew na wala lang iyon.. I am invisible to him, paano mangyayari yon. Ayokong umasa. Ayokong masaktan. 

 That was the last time she saw him. Because she flew to US the day after her high school graduation. Doon siya pinag -aral ng parents niya. She was here in Manila for a week now.Naalala niya muli ang usapan nila kanina ng kaibigan sa telepono ilang saglit lang ang nakakaraan. 

"Niks! OMG!!! Have you received the invitation?", excited na sabi ni Shelly. 

Napangiti siya ng marinig ang nickname niya. Only her closest friends and family calls her that. "Yeah... I am happy for you.", may kirot siyang naramdaman sa dibdib.

Liar.No. She should be happy for her bestfriend. Pero bakit ganon. 

"Best, hindi mo na naman siya crush diba. Oh my, it's been seven years, right!"  Mas naguilty siya sa pagtawag nito ng Best sa kanya.

"O-oo naman.." sana naitago niya ang paninikip ng lalamunan niya. 

"Tsaka andami mo na kayang naging boyfriend, I'm sure nakalimutan mo na siya." Shelly chuckled, animo'y inaarok ang damdamin nya. 

"Of course. What's his name again?", kinakabahan siyang tumawa. Sana hindi nito mapansin ang tunay niyang nararamdaman. 

"Hahaha! I knew it. Ikaw pa, eh andami namang nagkakagusto sa yo. Wait, who's your boyfriend now?" 

She didn't control the deep breath that escaped from her mouth. Alam kasi ng bestfriend niya at ng mga nakakakilala sa kanya, she kept on changing boyfriends. But the truth is, hindi naman talaga niya minahal ang mga ito. She loves only one man, and that is Ivan Montero, her bestfriend's fiance. 

Tipid lang siyang tumawa matapos isipin yon. "Ikaw ang pinag uusapan natin at hindi ang lovelife ko. See you soon, best." 

Tumawa na rin ito. "Yeah. Thanks, best." saglit na nawala ang kaibigan sa kabilang linya.

Tumahimik ito."Best.." Sabi nito makaraan ang ilang minuto. 

"Hmmm?" 

"Ahmm.. Wala ka bang itatanong?" 

"I-I'm  just wondering... Diba wala ka namang boyfriend.. How come...", hindi niya napigilan ang sariling itanong. 

"I know right!" Putol ni Shelly sa iba pa niyang sasabihin. "Kahit ako hindi makapaniwala. Ambilis ng mga pangyayari! But anyways, I want you to meet him, best. I want you to know him. I know you'll like him.", hindi magkandaugaga na sabi nito. 

I know you'll like him. Damn. But I already do. Infact, not just like, I love him so much. 

Lihim na napangiti si Ivan habang nakatitig sa mapang-akit na ngiti ng dalaga sa magazine na hawak niya. 

"You've grown beautifully, sweetheart. Just like what I thought you would be.."Napabuntung hininga siya habang idinadampi ang kamay sa mukha ng dalaga sa magazine. 

How I wished.. I am the reason for your smile.. 

He was still on his deep thoughts ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Shelly. 

"Hi handsome! I miss you!", masayang bati nito and gave him a tight hug. 

"Hey.. How's Baguio?" tanong niya habang disimuladong itinago ang magazine sa drawer ng office table niya. Hindi naman napansin iyon ng dalaga. 

"Fine. Malamig pa din. Good thing River was there to keep me company." Nakangiting saad nito at hindi nakaligtas sa kanya ang pagkislap ng mata nito ng banggitin ang pangalan ng pinsan nya. 

"Great.", tipid nyang tugon pero tumaas ang sulok ng labi nya sa hindi mapigilang panunukso dito.

"May pasalubong ka ba sa akin?", naaliw na tanong niya sa dalaga. 

Itinuro nito ang dalang bag. "Ube jam, strawberry jam, peanut brittle and fresh strawberries. Akala siguro ni River magnenegosyo ako nyan. Sandamakmak ba naman ang inilagay sa kotse ko."Naiiling na napangiti siya.

"My bestfriend will soon be here.." said Shelly all of a sudden oblivious of his sudden stiffness.

 "W-who's bestfriend?" pagmamaang maangan niya.Shelly just rolled her eyes. 

Balewala namang kinuha nito ang ecobag na may mga pasalubong at inilagay sa mini ref niya na nasa katabing kwarto ng opisina. 

"Remember my bestfriend in high school, Anika. She just arrived last week from Boston. Nag stay na siya sa Manila for a week kasi andun ung main office ng construction business nila. But I heard from Tita Vina that Anika will be managing their Hotel here in Palawan. So I guess, she will be staying here for a while, or maybe, for good." 

Walang maisip na sabihin si Ivan sa lahat ng narinig. All he knew was that, Anika is coming over and she is staying here... in Palawan... in San Francisco. His heart is beating crazily. The heck! He didn't know how to react. 

Well, welcome Anika. This sounds exciting. 

 Great. Just great.  

Credits: Photo above (Google Image)

Saint Claire Series: My Forever LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat