Patapos na sila sa ginagawa nilang project kaya tinext na ni Anika ang kuya Luis niya. Bago na nga pala ang cellphone number nito, inilagay niya yun sa contact number saka nagtext ng mensahe nya.
"Kuya pick me up na."
Nag aayos na ng gamit ang mga kagroup mates niya matapos niya maisend ang text message.
"Anika, ayaw mo ba talaga sumabay na lang sa akin. Anjan na si Daddy. Sabi mo kasi manggagaling pa sa club ang kuya mo. Baka matagal kang maghintay dito." may pag-aalalang sabi ni Shelly.
Madilim na din. Inabot na sila ng 7:00 PM sa library. Nagpaalam na sa kanila ni Shelly ang iba nilang ka groupmates.
Ngumiti siya sa kaibigan. Naglalakad na sila papunta sa may parking area ng school. "Ok lang ako best. Parating na rin siguro yun. Tsaka marami pa namang estudyante dito."
"Sige best. Pero text mo lang ako kapag hindi nagkaproblema ha."
Tumango siya sa kaibigan habang kumakaway dito. Sinundan muna niya ang sasakyan ng mga ito bago naupo sa bench na nakaharap sa football field ng school. Sa likod nito ang parking area.
Muli niyang tiningnan ang text na isinend sa kapatid. Teka, tama ba ang number na pinindot niya?
Nakatitig lang siya sa cellphone ng biglang makatanggap siya ng message.
"Who's this?"
"Kuya, it's me Niks." Inisip niya na baka di pa nakasave ang number niya dito.
"It's getting late and wala na halos tao dito sa school kuya. Please hurry." she texted again.
"Sorry miss but I think you contacted a wrong number."
Napapikit siya ng marealize na mali nga ang number na napindot niya. Paano na ngayon... Mabilis siyang naglakad papunta sa gate ng school at lumabas doon.
Naiiyak na siya. Wala namang taxi dito sa San Francisco. Hindi pa naman siya sanay magcommute. Shelly! Nabuhayan siya ng pag-asa ng maalala ang bestfriend.
Tatawagan na niya ito ng may pumaradang kotse sa tabi niya at bumaba ang bintana sa may gawi niya. Hindi siya makapaniwala ng makita kung sino yon.
"I-Ikaw?!"
Ngumiti ito sa kanya. Nakita niya ang perfect white teeth nito kahit medyo madilim sa loob ng kotse nito. "Hello there! Nice to meet you again."
Wala siyang maisip na sabihin. Hindi pa rin ito umaalis.
"Pauwi ka na?"
Tumango siya.
"Tara, ihatid na kita."
Atubili siyang tumingin dito. Mag iinarte pa ba siya gumagabi na. Ibinukas nito ang pinto ng kotse sa side niya. Mas lalo siyang nahiya na tanggihan ito. Pumasok siya sa loob at umayos ng upo.
"Where to?"
Napalingon siya dito. Gusto niyang matawa sa sarili. Hindi pa sila nito magkakilala and yet, heto siya sa loob ng sasakyan nito at mapapahatid pa siya.
"Sa Santa Clara Village."
Napatango ito. Saka itinuon ang pansin sa pagdadrive. Siya naman ay hindi mapakali sa pagkakaupo.
Pakiramdam niya ay nakatingin ito sa kanya. Loka! Paano ka titingnan niyan eh nagdadrive siya!
Ipinilig niya ang ulo ng magsalita ito.
YOU ARE READING
Saint Claire Series: My Forever Love
RomanceMy Forever Love Anika Gonzales came from a family with a golden spoon. Siya ang tipo ng babae na nakukuha lahat ng gusto. Maliban sa isang tao... si Ivan Montero, her forever crush, her first love. Ang isa sa mga campus crush sa Saint Claire Colle...