Chapter Three: Love at First Sight

19 3 0
                                    

Saint Claire University
2010

"Anika, ang uniform ko!"

Naiinis na napatitig siya sa text ng kapatid sa Iphone niya. Nasa gymnasium daw ito. Lakad takbo na ang ginawa niya para makapunta sa kinaroroonan nito. Ambigat pa naman ng backpack niya, dala niya kasi ang laptop, gagawa kasi sila ng project ngayon.

Nagpalinga linga siya sa mga estudyanteng nasa loob ng university gym. May mga nagkaklase doon ng PE. Mayroon ding nagpapractice ng basketball. Pero ni anino ng kuya niya ay hindi niya nakita.

"Asan na ba yun?", bulong niya sa sarili habang nagkakandahaba na ang leeg sa paghahanap dito. Napalunok siya ng makita ang bolang papunta sa kanya.

Sabi na nga ba eh. May magnet kaya ako sa bola! Ayan na!

Tanggap niya na masasapul na siya ng bola ng basketball. Kaya napapikit na siya habang nakataas ang kamay pangsangga sa bola. Pero walang bola na tumama sa kanya. Saka niya napansin ang isang lalaki sa harapan niya na naka back pack at nakataas ang kamay habang hawak ang bola.

Hiyawan at palakpakan ang sunod niyang narinig. Habang nakanganga siyang nabigla sa mga pangyayari.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng unti unting humarap sa kanya ang tagapagligtas.

Feeling niya nag slow motion ang paligid.

Napahawak siya sa dibdib niya dahil OA man, feeling niya makakawala ang puso niya sa lakas at bilis ng tibok nun ng makita niya ang mukha ng lalaki.

Sheeet. Ang guwapo niya! Para siyang nahypnotize sa mga titig nito. Kayumanggi ang balat nito pero makinis infairness at singkit ang mga mata na binagayan ng dimples nito sa magkabilang pisngi na lalong nagpagwapo dito.

"Okay ka lang, miss?"

Napakurap siya. Sandaling inayos ang sarili saka sumagot. "Ahmm... Oo."

"Sige alis na ako.", saad niya habang nagmamadaling umaktong lalabas ng gym. Parang may gusto pa itong sabihin pero tumalikod na siya. Gosh, sino yon!

Hindi nakaligtas sa kanya ang kinikilig na isang grupo ng mga babae sa lalaking tumulong sa kanya.

Nakakailang hakbang na siya at nasa may pinto na ng gym ng maalalang hindi man lang siya nakapagpasalamat.

"Grabe naman! Ano ba tong nangyayari sa akin. Naitapon ko na yata ang manners ko nakita ko lang siya.", akmang babalik siya sa loob ng makita niya ang kuya niya kasama ang mga kabarkada nito.

"Niks!", naunahan na pala siyang makita ni Luis.

Dali dali siyang lumapit sa kuya niya habang iniabot ang isang paper bag.

"O ayan na PE uniform mo. Kahit kailan talaga burara ka kuya eh.", hindi niya pinansin ang mga kaibigan nitong pangiti ngiti sa tabi nito.

"Niks, parang gumaganda ka yata ngayon ah.", saad ni Lander, isa sa mga kaibigan ng kuya niya.

Umingos siya dito.  "Ako na naman nakita mo Lander. Hello! Matagal na kaya akong maganda"

Nagtawanan sina Lander,  Craig at Lanz.  Napasimangot naman ang kuya niya.  "Saang banda Anika?"

Kahit kailan talaga panira tong kuya niya eh.  "Gusto mo isumbong kita kay  Ate Phoebe?", napatikhim ito. Hahaha. Alam nya kung paano ito mapapasunod. Patay na patay lang naman ito sa President ng music club.

Hindi pinansin ng kuya niya ang sinabi niya bagkus ay kinurot siya sa magkabilang pisngi.

"Ang cute mo talaga kapatid ko! Salamat ha!", pinanlakihan siya nito ng mata.

Saint Claire Series: My Forever LoveWhere stories live. Discover now