TLS 12: Bloody Game (Part 1)

1.3K 66 2
                                    

Kinabukasan. . .

"Are you sure you wanna do this Brobro?"

"Yes Big Bro. Igaganti ko ang mga kaibigan natin no matter what."

"Guys, di namin kayo pipilitin kung ayaw nyo sumali sa laban na to. It's really personal for us kasi mga kaibigan namin yung nadamay sa gulo. You have the right to say no."

"Sasama ako Aya Clay. Sasamahan ko kayo ni Idol G." Sabi ni Top.

"Ako rin. Walang iwanan." Si Wayne.

"Mas lalo naman kami. Sasama kami. Tuturuan natin ng leksyon yung Kai na yun. At pati yung hayup na Klea na yun!" Si Gabbi. Sumang-ayon naman si Abby.

"Basta guys wag natin ipapahalata kay Klea na alam na natin okay? Mamaya pagdating nya chill lang tayo." Paalala ni Clay.

Mayamaya pa'y dumating na si Klea.

"Hi guys!" Masayang masaya itong bumati sa lahat. Nagbeso pa kila Gabbi at Abby. Hindi sana ito papansinin ng dalawa pero pinandilatan sila ng mata ni Clay kaya napilitan silang plastikin ito.

"Oh hi beshie! Buti hindi ka nadapa sa daan noh?" Mataray pero nakangiting sabi ni Gabbi. Kumunot naman ang noo ni Klea.

"Ha?"

"Ahh ehh sabi ko buti hindi ka nadapa eh ang saya saya mo pa naman. Baka lang di mo makita ang mga nakausling bato at kahoy sa daan."

"Ahhhh. Asuuuss di na ko bata beshie noh." Nagflip pa ito ng hair. At muling namayani ang katahimikan. Lumapit ito kay G at hinawakan sa braso. Si G nama'y nagsuswing swing lang ng bat.

"G. . .hmm I'm so sorry sa sinapit ng mga kaibigan natin. Believe me I do. I hope I can help you in any way possible. Just tell me kung anong pwede kong gawin para gumaan ang loob mo, okay?" Himas himas nya ang braso ni G. Ang huli nama'y parang walang narinig at di man lang sya inabalang tingnan.

"Umalis ka daw." Iritang sabi ni Abby.

"Ha?" Kunot noong tanong ni Klea. Natauhan naman si Abby sa sinabi nung tiningnan sya ni Clay.

"Ang sabi ko po umalis ka po jan beshie baka kasi matamaan ka ng bat sa kakaswing ni Idol G eh. Alam mo na concern lang kami sa beauty mo. Sige ka baka mabukolan ka't di na magising." Dahan dahan at mabait na sabi ni Abby pero sinadya nyang pabulong na sabihin ang huling pangungusap.

"Awwww you're so sweet Beshie! I'm gonna buy something for the whole team. What do you want guys? G, what do you want? Bibilhin ko for you kahit ano pa gusto mo." Malambing na sabi ni Klea pero mukhang nairita lalo ang lahat lalo na si G.

"It's okay Klea. Don't bother. We're fine." Cold na sabi ni G. May namumuo ng tension sa grupo dahil kay Klea kaya minabuti ni Clay na magchange topic.

"Sya nga pala asan na kaya sila Kai? It's 8:15 already. Dapat andito na sila 8AM pa eh." Tingin relo kunyari ni Clay para lang mabasag ang tension.

"Don't worry Clay parating na sila." Nagulat ang lahat sa sinabi ni Klea. Narealize naman agad ng huli ang sinabi.

"Ah eh ang ibig kong sabihin baka parating na ang mga yun. Di natin alam baka nagmamasid lang yun at naghihintay na umatake. Kaya guys feeling ko maghanda handa na tayo kasi di natin alam kung kelan dadating sina Kai." Pinagpawisan bigla ng malamig si Klea. Kunot pa ring nakatingin ang lahat sa kanya.

"C'mon guys we have to practice!!!" Nagclap pa ito ng hands para sabihing busyng busy. Pinandilatan naman ni Clay ang lahat kaya sumunod nalang ito maliban kay G na kanina'y nagsuswing pero ngayon ay nakaupo nalang.

"G, let's go!" Tawag ni Klea kay G pero parang wala man lang itong narinig. Kaya lumapit si Klea sa kinauupuan nina G at Clay. Hinila nya si G at pinipilit na patayuin.

RASTRO: The Last Swing [COMPLETED]Where stories live. Discover now