Chapter 58

332 23 7
                                    

So eto, sa tingin ko yung chapter 56 & 57 ay maikli, siguro pati na din itong chapter 58 hehehe sorrii.. Hihi.

And medyo maraming thrills at paligoyligoy ang istoryang ito incase na malito kayo. Hehe. Ayokong mang-spoil guys :'>

Warning lang ah? VERY SHORT UD ITO!

Enjoy~!

~*~

“Whoo!! Palawan~!” sigaw ni Windy napairap na lamang ako. Walang tigil ang bunganga ng babaeng ito.

“Shenna!” napalingon ako sa tumawag sa akin. “Ano?” taas kilay na tanong ko kay Trixie. “Aren’t you going to eat?” tanong nito. Umiling ako sa kaniya.

Kanina pa kami nakarating dito and it’s already 11:32 pm. And yet, hindi pa sila inaantok. Mukha ngang hindi sila napagod sa byahe eh.

Ang besides that, nung nagkakasiyahan sila pumunta ako kila Tita Sarah.

Tinatanong ko nga kung nasaan sila Marianne at Margarette. Ang sabi naman ni Samantha nandun na daw sa mommy nila.

Hmm, si Marianne at Margarette ay hindi naman talaga pamangkin ni Samantha. Sadyang tawag lang talaga nila sa akin at kay Samantha ay ‘tita’.

Pinapabantay lang kila Samantha sila Marianne kapag kailangan daw pumasok ng nanay nila sa trabaho.

Gusto ko nga sanang itanong sa kanila kung saan ba ang bahay nila dito eh. Kaya lang gabi na at alam kong nagpapahinga na silang dalawa.

Matagal tagal na rin nung huli ko silang nakita. Ang pinagtataka ko may kahawig ang mga mata nila. I can’t say kung kanino pero meron talaga eh. Pamilyar yung ganoong mga kulay at medyo singkit na mata.

“Kookielong!” tawag ko kay Jungkook. He’s used to it. Kookielong talaga ang tawag ko sa kanya. “Hmm?” tanong nya. Napakatakaw ng lalaking ito noh?

“Aalis lang ako saglit. May pupuntahan lang ako” pagpapaalam ko sa kanya. Mahirap na at baka hanapin pa ako n’yan mamaya.

“Saan ka pupunta?” tanong nito. “Dun lang oh! May titignan lang ako” sabi ko at medyo nagpacute. Syempre, kasama yun noh!

“Gusto mo bang samahan kita?” tanong nito. Umiling na lang ako sa kanya. “Saglit lang ako” sabi ko at ngumiti.

“Bilisan mo ah? Gabi na” sabi ni Kookielong. Tumango naman ako sa kanya.

Pupunta lang naman ako kila Samantha. May parte kasi sa akin na pumunta sa kanila. I don’t know why, pero aish! Ewan ko talaga!

Third Person’s Point of View:

Dumeretso si Shenna sa bahay nila Samantha.

Mabilis lang din s’yang nakadating doon dahil malapit lapit lang naman ito sa pwesto nila kanina.

*knock* *knock* *knock*

Katok ni Shenna. “Oh, Shenna hija! Ikaw pala! Pasok ka” sabi ni Sarah dito.

“Si Samantha nga po pala?” tanong nito. “Nandoon sa kwarto n’ya kausap si Reign.” aniya. Agad na kumunot ang noo ni Shenna.

“Sino po ba si Reign?” tanong ng dalaga.

“Si Reign ang nanay ng kambal” merong parte kay Shenna na gustong gusto nyang makita ang nanay ng dalawa.

“Talaga ho? Ipakilala nyo naman ho ako” nakangiting sambit ng dalaga. “Ganoon ba? O sige” ani ni Sarah.

Yssabella Reign’s Point of View:

“Reign hija, may ipapakilala ako sa iyo” sabi ni manang Sarah. Ngumiti naman ako sa kanya. “Sige ho”

~*~

“Shenna, ito nga pala si Yssabella Reign. Ang ina ng kambal.” ani ni tita Sarah sa akin. Napalingon naman ako sa kasama nya.

Ni-ngitian ako nito ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I was in the state of shock.

“A-avery” tanging nasabi ko lamang.

Napabuntong hininga naman si Tita Sarah. Kilala ni tita Sarah si Avery dahil minsan na rin s’yang dumalaw dito.

“Hindi s’ya si Avery, hija. Yssabella Reign Stanford ang pangalan nya”

End of Chapter Fifty-eight.

His Undying Love for Her [Series 3]Where stories live. Discover now