XIV - Ang Paglalakbay Patungo sa Disyerto ng Tamor

786 58 13
                                    

CHAPTER XIV

Medyo umaambon-ambon nang simulan namin ang paghahanda para sa aming paglalayag patungo sa Tamor. Madaling araw noon, hindi ko nga lang matancha kung anong oras na, pero madilim na noon at walang senyales na malapit nang sumikat ang araw. Tahimik kaming bumaba mula sa lumulutang na bulwagan ng reyna, hanggang sa marating namin ang mala-higanteng palasyo ni reyna Accacia.

Tahimik ang buong palasyo kahit pa sabihin mong gising at handang magbantay ang mga kawal na naka-kalat sa buong paligid eh wala kang maririnig kahit isang lagatok ng sapatos.

'Yung tsinelas ko lang talaga na kanina pa kumakayod sa marmol na sahig nitong tahimik na palasyo.

"Ano ba 'yan—" Ingit ni kuya Gayle sa akin. "Ba't ganyan ka maglakad?" Pabulong niyang tanong sa'kin.

"Ewan ko." Sagot ko. "Parang may dumikit 'atang kanin sa talampakan ko, naiirita ako—"

"Ba't di mo alisin?" Tanong niya.

"Mamaya na." Sagot ko. "Baka maiwan na naman ako."

"Ay sus—" Pailing-iling niyang sagot sa akin na sinundan pa ng bahagyang pag buntong-hininga.

Hindi ko na masyadong pinansin 'yung kanin sa talampakan ko, mamaya ko na lang aalisin kapag nakarating na kami sa sasakyan namin patungong Tamor.

"Ano nga palang sasakyan natin?" Tanong ko kay Batluni ng lapitan ko s'ya. Dali-dali naman niya akong nilingon at nag-kibit ng balikat.

Napakamot ako sa isinagot sa akin ni Batluni. Takte, aalis kami nang hindi man lang alam kung ano ang sasakyan namin? Napabuntong-hininga na lang ako't akmang lalapitan si reyna Accacia, subalit pinigilan ako ni Batluni.

"'Wag ka nang magtanong," Aniya. "Makikita din naman natin." Dagdag niya.

"Tsaka nagmamadali tayo kuya—" Singit naman ni Paolo. "Mamaya kana magtanong-tanong." Bulong niya sa akin.

Tumango na lang ako. Sira ba ang tulog ng mga kasama ko at parang iritableng iritable 'ata sila ngayon? Puyat ba sila? Maaga naman kaming natulog kagabi a?

Hindi na lamang ako nagsalita't nagpatuloy sa paglalakad. Binaybay namin ang pababang daan mula sa palasyo ng Arentis, nasa itaas pala ng isang bundok 'tong palasyo ng reyna, at ang tanging daan para makababa mula rito eh walang iba kung hindi ang matarik at ngayo'y madulas na daanan.

Sana hindi kami abutan ng ulan.

~~~

[Sa bulwagan ni reyna Accacia]
[Kagabi]

"Anong miyembro ng Uruha ang pinagsasasabi mo?" Tanong ko kay Je'il.

Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging miyembro ng Uruha ang mga pinsan ko. Parang napaka-bilis kasi ng mga pangyayari, ano—ngayon lang nila napag-desisyunan 'to?

"Alam n'yo ba ang tungkol dito?" Tanong ko kina kuya Gayle at Paolo na tulad ko'y gulat na gulat rin sa sinabi ni Je'il. Umiling sila sa akin at muling hinarap ang ngayo'y nakangising Orano.

"Pinuno—" Lumingon ako kay Jotaro, subalit dali-dali siyang sumagot.

"Hindi na ako ang pinuno ng Uruha, bata." Sambit niya. "Ang lahat nang tungkol sa Uruha—kahit itong pagbabagong 'to eh maaari mong itanong sa bagong pinuno." Saad niya sabay turo kay Je'il.

Hindi ko mapigilan ang mapa buntong-hininga. Sa huli ay tinanong kong muli si Je'il.

"Ano 'to Je'il?" Simula ko.

Arentis 3 | Propesiya | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon