Chapter 18

508 5 0
                                    

Harmonica POV

12:00 pm na pero inaantok pa rin ako mga alas 3 tres yata ako nakatulog dahil sa iniwan nila sa akin ang pinag-inuman nila. Nakakainis 'wag lang talaga sila magpakita sa akin.

Pagkatapos kong gawin ang routines ko ay lumabas na ako sa kwarto. Pupunta akong canteen, may canteen sa RHO doon kumakain ang mga Agents na tinatamad lumabas ng RHO o kaya naman ay may mga mission.

"Parang may nakalimutan ako." Bulong ko sa sarili ko nang makasalubong ko si Blue.

"Harmonica nakalimutan mo bang magsuklay?" Sabi ni Sea Lynia aka Blue. Naging kaclose ko ito at naging partner ko din ito sa isang mission. Hinawakan ko ang buhok ko at nakita kong hindi pa nga ako nagsusuklay. Hayss ito pala yung nakalimutan ko.

"Nakalimutan." Maikling sabi ko at naglakad ulit.

"Ayt ganon. Nga pala saan ka pupunta?" Usisa niya.

"Sa pupuntahan." Ani ko.

"Saang pupuntahan?" Tanong niya ulit.

"Kung saan wala ka." Naiinis na sabi ko at binilisan ang lakad. Tuwing makakausap ko siya o makakasalubong ay tanong ito nang tanong.

"Bakit wala ako?" Aniya sa malungkot na tono. Tiningnan ko siya nang masama tsaka inirapan.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Nauubusang pasensyang wika ko sa kanya.

"Sabi kasi ni mama matalino ka raw pag tanong ka nang tanong." Aniya.

"Doon ka sa mama mo magtanong tutal siya nagsabi." Wika ko at nilayasan na siya. Hindi ko maimagine na natagalan ko siya sa isa kong mission. Iba siya pag nasa trabaho seryoso at parang isang boss tapos siya pa minsan ang nag-iisip ng plano pero pag nandito ang daming tanong.

Nakarating na ako sa canteen at nakita ko nandoon na sila War, Tattoo, Aphrodite, White, Brain at Apollo kumakain na sila napatingin sa gawi ko si Aphrodite at tinawag ako.

"Music dito ka!" Sigaw niya pero hindi ko siya pinansin at pumasok sa kusina nang canteen.

"Ocean!" Sigaw ko napatingin siya sa akin at nginitian ako.

"Music ikaw pala yan." Aniya nang makalapit ako.

"Ikaw magluluto?" Tanong ko dahil naalala ko nang si Agent Lake ang nagluto ay halos isuka ko na ang laman loob ko sa sama nang lasa at gusto niya daw maging chef. Tss baka itaboy lang siya.

"Oo ako magluluto nasa mission ngayon si Lake kaya hindi siya ang magluluto." Sabi ni Ocean.

"Tss. Para kanino ba yang niluluto niya at pati buong RHO ay nadadamay." Wika ko, naupo ako sa counter.

"Kay Cupid niya inaaalay ang luto niya." Wika ni Ocean at humarap na sa kanyang hihiwain.

"Nanliligaw ba?" Usisa ko. Si Cupid ay isa elite syempre kasama na doon si Ocean at Lake sa field sila lahat. Hindi ko alam na nagkakadevelopan na pala ang dalawa.

"Ewan ko sa buhay nila." Aniya. Tininingnan ko lang siya habang naluluto.

"Ano gusto mo?" Tanong niya habang naghahalo nang kung ano.

"Kimchi, spaghetti at steak." Sabi ko.

"Sige, maghintay ka lang dyan tsaka bakit tuwing kukuha ka nang pagkain at dumederetso ka dito. Bakit hindi nalang doon sa labas?" Sabi niya.

"Ayoko, hindi naman mainit na yung pagkain." Komento ko.

"Maraming paraan Music pwedeng pwede mag-painit." Aniya at ngumiti nang matamis inirapan ko lang siya.

His Secret Agent GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon