Chapter 25

474 3 0
                                    

"When something
is gone, something
better is coming."

Katsuki

______________________________________________
Harmonica POV

Alam niyo ba yung parang pamilyar kayo sa isang tao but hindi mo pa siya nakikita or sa dreams man lang?

"Harmonica pwede bang maanyayahan ka?" Tanong ni Denise. Wala naman akong gagawin pwede naman siguro.

"Kung may gagawin ka, sige 'wag na."

"Wala naman akong gagawin kung hindi tatawag si Boss kung may mission." Bulong ko sa dulo. Naging masaya naman ito.

"Tara kwentuhan lang naman tayo dyan sa Ocean." Aniya. Ocean ang pangalan ng restaurant 'yan ang bungad papuntang RHO. Obvious naman kung kaninong restaurant eh.

"Sige." Pagsang-ayon ko. Nakarating na kami doon at naghanap ng upuan nagprisinta siyang siya na ang mag ooder.

Pagkarating niya at nag-usap lang kami nang kung ano-ano isa na doon kung saan siya nagtatrabaho at nakatira.

"So may tinatakasan kayo?" Taka kung tanong.

"Oo matagal ko na siyang tinatakasan pero nasusundan niya pa din ako. Alam mo ba dahil din doon ibinigay ko ang anak ko sa iba para lang hindi siya madamay." Malungkot na ngumiti siya. Tiningnan niya ako at ngumiti.

"Kahit ganon masaya akong nabuhay siya nang ligtas at malayo sa ama niyang sakim, pero darating araw na ang anak ko na yun ang huhuli sa kaniyang ama." Sabi niya nang deretso ang tingin sa akin.

"Ibig sabihin nakita mo na siya?"

"Oo sa malayo ko siya pinagmamasdan at binabantayan, dahil baka malaman nang lalaking iyon na buhay ang aking anak at sa kanya malipat ang atensyon."

"Sabihin mo kung sino siya at huhulihin ko." Wika ko gusto ko siyang matulungan para magkasama na sila nang anak niya at hindi na siya titingin mula sa malayo.

"Mahirap siya mahanap at mahuli sa dami nang transaction niya sa ibang tao ay naitatago niya ang sarili niya." Wika nito. Nacucurious na ako kung sino yung tinutukoy niyang lalaki, ewan ko lang pero nakakaramdama ako nang excitement.

"Sino ba siya? Parang isa siyang pinakadelikado sa buong mundo." Nakakita ako nang pangamba sa mata niya.

"Siya si Gregory Bradley." Pabulong niyang sabi at lumingon lingon sa paligid. Pati ako napagaya na rin at nakita kong malapit sa'min si Namida aka Agent Cupid. Tumalas ang pandinig at tiningnan ako nang seryoso.

"S-siya po?" Gulat na sabi ko.

"Oo." Aniya at tumayo kaya naman pinigilan ko siya. "Sandali."

"Pasensya na Harmonica kailangan ko nang umalis." Sabi niya at nagmamadaling lumabas. Lalo akong nacurious.

Sino ka ba Gregory Bradley?


*******
Nakapamulsa akong lumabas nang reastaurant ni Ocean dahil may importante pa akong gagawin.

"Hoy Harmonica!" Sigaw ni Namida. Lumingon ako sa kanya.

"Bakit?" Seryoso kong tanong alam ko kung ako itatanong nito.

"May narinig akong Gregory Bradley sa pinag-uusapan ng ginang kanina. Kilala mo ba siya?" Seryoso niyang tanong. Umayos ako nang tayo at tiningnan siya.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now