Chapter 11: Expect the Unexpected

121 4 0
                                    

"Maleta check, Medicines check, Food check, Okay kumpleto na."

Paalis na ngayon sila Papa. Wala na niyan si Baby Rehan na lalambingin at pauulanan ko ng halik.

"Anak, tawag lang ako ng taxi ah."

*knock* *knock* *knock*

Binuksan ko ang pinto.

"Hi." nag-wave siya saakin.

"Bakit ka nandito?" Mataray na sinabi ko, kasi sabi niya may lakad daw sila ng pamilya niya hindi ko naman expect na darating siya.

"Anak, papasukin mo."

Buti mabait naman tatay ko at wow nag-mano siya. Magalang!

"Paalis na kami eh, tatawag na sana si Papa ng taxi."

"Ako nang bahala, dala ko sasakyan ko." Napatingin ako sa labas. Ayun nga ung victory gift sakanya. Ano bang trip niya? Nanliligaw ba to? Ay nako, bawal mag-assume kasi ang mga taong umaasa, NGA-NGA. (A/N: Galing kay Baby Shelly to :3)

Dinala na namin ang mga maleta sa sasakyan at si Mr. Gentleman to the rescue na.

"Ako na mag-bibitbit." Nung binitbit na niya ang maleta nila Papa. Napa-tulala nanaman ako sa ugat na kita sa braso niya. HOT!

Para tuloy akong donya na naka-abang lang habang dinadala nila ung mga maleta sa sasakyan niya. Ito na ang pinaka-ayaw ko na part kapag aalis na sila.

Papasok na sana ako sa Passenger Seat nung inunahan na ako ni Papa. O.A lang Papa ko kasi iniisip niya baka ano gawin namin sa front seat ng sasakyan.

Ito tuloy ang seating arrangement namin.

Jared Pa

Ako Rehan Ma

Nakarating na kami sa Airport and finally gave each other our last goodbye before they can go.

Naiiyak ako na naggiguilty dahil sa desisyon kong mag-stay dito, kasi pwede ko naman sumama sakanila. Marami lang talaga akong reponsibilidad dito, lalo na ang kasunduan namin sa Principal.

"Tara na." Habang hinawakan ni Jared ang balikat ko papunta sa sasakyan, at pinag-buksan ako.

"Why are you ALWAYS like this?" Diresto kong tong tinanong na walang kahiya-hiya.

Alam na niya kung ano ang tinutukoy ko sa tanong ko at napa-isip muna siya.

"Kapag gusto mo ang isang tao, dapat ituring mo siyang bilang isang prinsesa."

Ano daw? Tama ba ung narinig ko?

Jared's POV

Patay, Nadulas na dila ko.

Mukang PRICELESS muka niya eh.

"Ano? Pwede paki-ulit?"

Sinadya ba nga talagang maging bingi ngayon? Hindi naman ako ngo-ngo para hindi niya maintindihan eh.

"Wala! Pabayaan mo na yon." Ayoko na ulitin. Baka mangyari rin ang pinaka-kinakatakutan ko, MareREJECT lang ako.

"Jared ganyan ka ah. Nagtatampo ako sayo." Matampuhin talaga siya simula palang nung date namin sa Taco Bell, baka gusto lang niya talagang ulitin ko ung sinabi ko ah...

Halos ilang minutong walang umiimik, naka-salubong pa noo niya at naka-tingin sa mga dinadaanan namin.

BTW, Habang nag-mamaneho ako, sumusulyap parin ako sakanya kung okay siya.

No One Knows: Arranged RelationshipHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin