13- SAIPAN, 3RD DAY -JELLY

3.3K 57 9
                                    

13- SAIPAN, 3RD DAY -JELLY

 A/N: I'm sorry sa 1 month delayed update. heto na po yung hinhintay nyo.

TROY’S POV

Naihilamos ko ang kamay saking mukha. Tambak pa ang mga papeles na kailangan kong basahin at pirmahan. Dahil wala si Gabb, pati trabaho niya ako ang sumasalo. Panigurado nag-eenjoy yun kasama ang mga babae sa Saipan. Si Eve kaya kumusta? Sana hindi na siya stressed out pagbalik niya. Sana makatulong ang bakasyon na iyon sa kanya.

“Knock, knock.”

Napaangat ang tingin ko at napangiti nang makita kung sino ang bisita ko. Isang orange-haired girl ang pumasok.

“1 coffee for Mr. Ayala!” Masiglang sabi niya dala ang isang cup ng kape mula pa sa starbucks sabay lapag sa mesa ko.

“Salamat.”

 

“Ano ka ba? Wala ka bang balak magpahinga? Alas nuwebe na kaya ng gabi!”

Napailing na lang ako. Dumukwang ako at ginulo ang buhok niya.

“Ano ba wag mo nga guluhin ang buhok ko! Tagal ko pa naman sinuklay to.” Sabi niya at sinuklay ang nagulo niyang buhok gamit ang mga daliri.

“Ikaw talaga Marie.” Ang cute niya tiningnan habang nakasimangot. I rested myself on the backrest at tinitigan siya. Si Marie, boyish siya pero nakasuot siya ngayon ng maikling short at malaking polo-shirt na nakapaibabaw sa isang sleeveless na damit.  Mahilig siyang magboots at gustong-gusto niya ang magpakulay ng buhok. Tulad ngayon…

“Orange na naman buhok mo. Kahapon violet. Buti buhay pa yang buhok mo Marie.” Biro ko. Inirapan niya lang ako.

“Buhay pa to noh. Para saan pa ang salon? Syempre, dahil sa wonder ng technology kahit ilang kulay ilagay ko sa buhok ko, di masisira to.” Pagdedepensa nya sabay kindat.

“You’re so cute.” Sabay pinch sa pisngi niya.

“Aray!” Sabay hawi sa kamay ko. “Cute? Ano ako aso? Pre ikaw ang cute! Kasi mukha kang aso!”

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Napakapikon niya talaga, She doesn’t fail to amaze me. Kaya nga ba click kaming dalawa eh. She’s a very good bestfriend. Napapatawa niya ako.

“Tch. Tawa ka diyan.” Tumayo siya at iniligpit ang mga gamit ko. “Tara na nga at gumala. Masyado kang seryoso diyan eh.”

Isa ito sa nagustuhan ko sa kanya. Para siyang regulator ko. Kapag di ko na napapansin ang oras bigla siya dumarating at aayayain akong gumala para daw hindi ako ma-stress. kaya ayun nagpatianod na lang ako sa gusto niya. Bukod kina Eve at Gabb, si Marie ang isa sa tinuturing ko ng pamilya.

Seducing EveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang