Dedicated to xianrandal since I love her story "When a Beki Falls In Love"
CHAPTER 16- WARNING
ADAM'S POV
Pinagmasdan ko siya mula sa kotse ko. Kanina pa ako rito sa tapat ng bahay nila naka-park. Hinihintay ko ang pagdating niya kahit para akong tanga na nakaabang lang sa malayo at hindi lumapit, okay lang.
Hinatid siya ng boyfriend niyang si Sky.
Oo, pinili niya si Sky. Masakit sa ego, sa totoo lang. Alam ko ako yung nagbigay ng effort dun sa Saipan eh. Ipinakita ko sa kanya yung pagmamahal ko kaso hindi yata convincing. Kaya eto, para akong stalker. I always wait and watch her go inside her house. Trust me, I do it every fckng day since we got back in the Philippines.
Pumasok na siya sa loob kaya pinaandar ko na ang makina ng sasakyan ko ngunit pinatay ko rin ito nang makita ang isang lalaking umaaligid sa bahay nila. Matangkad, clean cut ang buhok, at may kung ano sa tindig niya na masasabi mong ma-awtoridad ito.
Curious, I got out and decided to talk to the man. Mukhang hindi naman ito budolbudol gang o akyat bahay gang base sa pananamit nito. But still who knows?
“Pre, anong kailangan mo?”
Nagtataka itong lumingon.
“A..Ah, w-wala naman.” Akmang aalis na ito nang pigilan ko sa braso niya.
“Teka, sino ka?”
Bumuntong-hininga ito.
“I'm Steve.”
STEVE. STEVE. STEVE.
Saan ko ba nairinig yung pangalan niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/12422178-288-k602457.jpg)
YOU ARE READING
Seducing Eve
Teen FictionEverybody hates her. She's a demon to many. Sa school na iyon, siya ang Reyna at walang may balak na kumalaban sa kanya. The only exception: ADAM. Ang hot at gwapong tatay ng estudyante niya. Magawa kaya nitong palambutin ang amazonang puso ni Eva...