Maxwell

4.7K 52 29
                                    

"Alexander,ano yan?"tanong ko nang makita ko siyang may kinakabit sa labas.
"CCTV camera,"sabi ni Alexander.Pumasok na siya at umupo sa sofa."kilala niyo ba si Ian?"
"Ian?'yong kaklase nating?"tanong ni louisse.
"Oo," ginulo ni Alexander ang buhok niya."diyan lang siya nakatira sa tapat ng bahay natin.sa bahay ng lola niya."
"Ah,si lola Mel'yon,"sabi naman ni louisse.
"Bakit?Anong meron kay Ian?"tanong ko."Mayabang?Inaway ka?"
"Kasabay ko siyang umuwi kahapon.Nakasalubong namin ang lola niya,"sabi ni Alexander."nabanggit ng lola niya na nakita raw niya kayong umuwi pero'yong isa daw nating kasama,hindi pa umuuwi."
Tumaas ang kilay ni Louisse."Tayong tatlo lang naman ang nandito simula nang mawala si Rhianne,ah?"
"Oo nga pero nakikita raw niya na may umuuwi dito gabi-gabi na babaeng brown ang buhok nakikita raw niyang pumapasok sa loob ng bahay,"kwento ni Alexander.
"Kulay brown ang buhok..."Nakahawak sa bibig si Louisse,"Si Rhianne..."
"Kaya ako nag-set up ng CCTV para malaman natin kung totoo nga
"Rhianne...ikaw ba talaga'yan?"
"Maxwell"Napatingin ako sa tumawag sa'kin.Si Ella pala,'yong pinartner sa'kin sa play namin.
"Bakit?"nakasimangot kong tanong.Naiirita ako sa kanya kasi sobrang arte niya.Magkaibang-magkaiba sa ugali ni Rhianne.
"Hanggang gabi raw ang rehearsals natin mamaya,ah."Nakangiti na naman siya.
Nag-nod lang ako pero sumabay pa rin siya sa'kin sa paglalakad papuntang cafeteria.
"Bakit ba ang sungit mo sa'kin?"tanong niya."'pag nagpa-practice tayo,umiiwas ka rin.Galit ka ba?"
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Dalawa lang ang dahilan kung bakit mo iiwasan ang isang tao.It's either ayaw mo siyang makasama...o may gusto ka na kanya at natatakot kang ma-in love pa," maarte niyang sabi.
"Di ako galit sa'yo."Binilisan ko ang paglakad ko pero sinabayan niya pa rin ako."at mas lalong wala akong gusto sa'yo."
"Galit ka,e.Is this about Rhianne?"Napatigil ako sa sinabi niya."Palagi na lang si Rhianne ang pinoproblema niyo.Nakakainis na.matanda na siya kaya hayaan niyo siyang bumalik mag-isa.naglayas lang naman 'yon,e ang OA niyo."

special section 2Where stories live. Discover now