maxwell

2.7K 33 5
                                    

Paulit-ulit kong kinalampag ang mataas na gate Bahagyang binuksn ng mind na may kasamang dalawang security guard ang gate."Sir Maxwell! Bawal po kayong pumasok sa loob.Pinagsabihan po kami na 'wag daw po kayong papapasukin."

      Kinuyom ko ang mga kamay ko. "Sabihin mo sa kanya na gamitin niya muna ang utak niya bago siya kumilos!"sigaw ko sa harap ng bahay ng tatay ni Rhianne.
      "Maxwell, tara na! Pumasok na tayo at male-late na tayo.  Hayaan mo na 'yan," tawag sa'kin ni Louisse. Sumakay na ako sa kotse.
     "Bad trip!"
      "Huminahon ka,"matapang na sabi ni Alexander.


Pagdating namin sa school ay nakatingin na naman sa'min ang lahat ng  madaanan namin. Wala na silang ibang ginawa kundi pag-usapan kami.
     "Louisse!" Napalingon kaming tatlo nina  Alexander at Louisse.
      "Shane? Bakit?" Tanong ni Louisse.
       "Napanood ko 'yon, 'di ba? At least, maraming tutulong sa'tin para mahanap siya."

"Hindi ka ba nag-iisip? Malamang itatago siya lalo ng kumuha sa kanya dahil alam niyang pinaghahanap na  siya!"
       Nabigla ako sa paninigaw ko kay Shane. Tumahimik ang paligid at napatingin sa amin ang lahat. Nasa hallway nga pala kami.
     Nakita kong naluluha na si Shane
  " S-Sorry..." pinunasan niya ang mga mata niya."Gusto ko lang naman tumulong. 'Di bale, lalayo na ako sa inyo."

     Tumakbo na siya palayl sa 'min. Tiningan ako nang masama ni Louisse at hinampas sa braso.
  
    "Alam kong galit na galit  ka dahil nawawala si Rhianne, pero hindi 'yon dahilan para maging ganyan ang ugali mo!"

Sinundan ni Louisse si Shane. Tinapik naman ni Alexander ang balikat ko  at  umalis na rin.

Ano ba ang nangyayari sa'kin? Bakit ko ba sinigawan si Shane? Kung nandito siguro si Rhianne, magagalit din siya dahil sa paninigaw ko.

        Kung nandito naman si Rhianne... 'di naman ako magiging ganito.

special section 2Where stories live. Discover now