17 ... He kiss me in my forehead <3

417 7 0
                                    

“Zero salamat sa pagbabantay sa anak ko ah” sabi ni mama

“ok lang po yun tita alam ko naman pong pagod ang mama ng KAIBIGan ko po kaya ako na lang po ang nagbantay sakanya” sabi ni zero

Eeeh? Pagod ang mama ng KAIBIGAN ko? Pero parang ang dinig ko sa pagkakasabi niya nun ay KAIBIG-AN eeh? Baka assuming lang ako.

Pag tingin k okay Zero nag-smirk siya sakin. WHAT?

“Mauna na po ako tita”

“sige zero ingat ka”

Lumapit si Zero sa akin at bumulong

“pagaling ka mahal ko”

( Sa kabilang lupalot ng mundo naman. di joke lang :D )

~ Reporter’s POV ~

Ano ba yan late ko na nabalitaan na patay na pala ang papa ni Twinkle. Reporter ba talaga ako? Tsk. Kasi naman galing ako ng Palawan kanina eh dahil birthday ng pamangkin ko. Tsk talaga

Dali – dali akong pumunta sa lamay ng papa ni twinkle at sympre bilang magaling na reporter/paparazzi dala ko camera ko in case man may mahuli akong kakaiba.

Nako naman late na ko!  Ang dami ng ibang reporters dito. Badtrip!

Pero sabagay wala naman silang mapapala rito. WAHAHAHA

Lumingon-lingon muna ako sa paligid para hanapin ang pakay ko. Alam niyo na yun!

Habang hinahanap ko ang dalawa sa characters ko. Bigla may nagsalita sa likod ko

“excuse me lang”

Tinignan ko kung sino yun.

(O_O)

Tamang tama pala ang dating ko. Si zero yung nagsalita.

“Zero?” sabi ko

“hello mr. kim, kamusta?”

Kilala niya ako? Ay oo nga pala sikat ako. Wehehehe ~.~

“ito ayos naman”

“nako pasok lang muna ako sa loob” – zero

“sige next time na lang tayo magkwentuhan pasok ka muna sa loob”

PARA MAKUHANAN KO NA KAYO NG MATINDING EBIDENSYA! Wahahaha (Evil Laugh)

Sinundan ko ng tingin si Zero at sympre hindi ako nagkamali pumunta siya agad kay Twinkle na nakaupo sa isang sulok at mukhang pagod na pagod na.

Hindi ko naman pwedeng gawing ebidensya kung kukuhanan ko sila ng picture na naguusap dito kasi baka sabihin nila na dumadalaw lang si zero sa lamay ng papa ni twinkle. Sige maghihintay na lang ako ng swerte/ebidensya.

Makalipas ang ilang minuto.

“TWINKLE!”

“TWINKLE!”

“TWINKLE!”

“TWINKLE!”

The Spoiled Brat Meets the Korean PopstarWhere stories live. Discover now