27 ... I found her

265 7 0
                                    

I found her

Zero’s POV

“Malapit na tayong magsimula! Ayusin na yung mga ilaw” sabi nung isang crew

Naglalakad na ako pabalik sa set nang bigla na lang Nakaramdam ako ng kaba. Pero hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Pinatawag na kami ni direk.

Habang naglalakad ako papunta sa mismong location ng set

“DIREK ! SI TWINKLE PO NAWAWALA!!”

“ANONG SABI MO?!!!!!’

Nagulat naman ang lahat sa sinabi ng manager ni Twinkle at parang nagulantang lang ang lahat sa nangyari. Lumapit sakin si Coreen at nagtanong,

“Zero diba ksama mo kanina si Twinkle? Baka alam mo kung saan siya nagpunta?”

At bigla na lang nag-flash back sakin ang mga nangyari kanina ..

“Ano bang problema mo hah?!” sabi ni twinkle

“Twinkle .. can u .. stop .. ahm .. liking me?”

“I don’t .. like you. I DON’T EVEN LIKE YOU!!!!” sabi niya

At umalis na siya sa harapan ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yun basta bigla na lang yun ang lumabas sa bibig ko. hindi ko naman alam na maapektuhan siya masyado sa sinabi ko? May gusto ba talaga siya sakin? Kasi parang nabigla yung facial expression niya kanina nung sinabi ko yun. Pero ang totoo niyan yung sinabi ko na yun ay hindi para kay Twinkle kundi para sa sarili ko.

Nung narinig ko na nawawala raw si Twinkle automatic na gumalaw ang katawan ko para tumakbo at hanapin siya. Ito kasing mga nakaraang araw lagi na lang akong nagugulat sa mga pinagkikilos ko lalo na pagkaharap ko si Twinkle. Feeling ko lagi akong Masaya pag kasama ko siya.

Teka? base sa pagkakaalala ko dito sa lugar na ito ko huling nakita si twinkle. Nag-aalala talaga ako sakanya kasi baka mamaya marape siya lalo na’t maganda si twinkle, kaya naman kinain na siya ng liyon o baka naman nahulog na siya sa bangin. Nako kinakabahan talaga ako. Kinakabahan? Naalala ko lang kanina na bago ako magpunta sa set ay Nakaramdam ako ng kaba sa puso ko hindi kaya konektado yun kay twinkle?

Nakakailang oras na kami sa paghahanap kay Twinkle. Marami na ring media ang naririto. Grabe ngayon alam ko na may pakpak talaga ang balita kasi ang bilis kumalat eh. Nasa tabi ko nga pala si Coreen at ang manager niya naiiyak sila parehas sa sobrang pag-aalala sakanya.

“Ahm. Coreen & tita ako na lang po ang maghahanap kay Twinkle balik na lang po muna kayo dun sa set baka mahirapan po kayo sa paglalakad dito sa kagubatan”

“pero?” – coreen

“mabuti pa nga iho basta pag may balita na kayo kay twinkle tawagan niyo lang kami ah?” – manager

“sige po” sabi ko

Patuloy lang ako sa paghahanap kay Twinkle at vibrate ng vibrate yung cellphone ko. kaya sinagot ko na yung tumatawag sakin.

“hello?”

[Zero, bumalik kana rito kami na ang bahala sa paghahanap kay twinkle baka mamaya mapano ka pa dyan ] – manager ko

“hindi! Ok lang ako! Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit siya nawawala eh”

[Ano ang ibig mong sabihin?]

The Spoiled Brat Meets the Korean PopstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon