FINAL VERDICT

98 1 0
                                    

JAZZY'S POV



The hardest thing to do for someone you love ... someone you truly love is to leave without any trace. Without saying any owrd at all. Iniyakan ko ng buong magdamag ang mga nangyari. Kasalanan ko din kasi di rin naman ako naging tapat sa damdamin ko kay Melvin. Ang nais lang niya ay mahalin ako buong buhay niya pero nagkukunwari pa ako. Nagpapahabol pa ako. Nagpapa-hard-to-get tapos hayan...hindi lang siya ang nahirapan kundi pati ako din pala.



Hanggang sa nanaig ang galit ko sa kanya.



Maaga akong naghanda sa pagpasok pero di ko sinabi kay Mama at Papa ang buong katotohanan. Wala pa akong ikinukuwento pero tiyak na una na nilang kinausap si Melvin kung ano ang nangyari.



"Papasok ka ba, Jazzy?"



"Yes, Mama..." Busy si Benjie sa tabi ko. Sinusubuan na siya ni Mama. Tinatawag na naman siya si Melvin. Hinahanap na naman niya ang kanyang ama. Hinalikan ko na lang sa noo ang bata atsaka ako nagmadaling umalis.



"May lakad ba kayo ngayon? Maaga ka bang uuwi?" Dinig kong habol na tanong ni Mama pero di ko na siya nilingon.



Pagdating ko sa opisina ay dinig na dinig ko ang kantyaw kay Melvin. Hindi naman siya magkukuwento tiyak. Dinig ko ang sabi ni Sgt. Alfaro na ninong daw siya. Kanino??? Natahimik silang bigla ng dumaan ako at sinabayan pa ako ni Melvin pero di ko din natantya ang mga pangyayari.



Bigla akong nainis. HInawakan na naman niya ako and that makes me weak.



"FUCK YOU!!! Don't you ever touch me...."



"Jazzy..."



"Kinasusuklaman kita at hinding hindi kita mapatawad sa ginawa mo sa akin. HINDIIII...."



"Jazzy, please..."



"Enough of your lies..."



"Pananagutan ko ang lahat...Nakahanda ako kung anuman ang parusa mo."



"Hindi ako diyos na nagbibigay ng parusa."



"Jazzy, mahal na mahal kita...Huwag ..." Humagulgol siya ng iyak. Pero pinigilan ko ang awa ng mga oras na iyon. Hindi ako maaawa sa kanya ngayon.

THE BLACK WIDOWWhere stories live. Discover now