(1) #HSLSTheChallenge

1K 71 0
                                    

May mga parts rito na Rated SPG. Wag basahin kapag inosente ka (below 18 y.o.). You had been warned.

📌

JAMESHIN

This is my way to forget my pain.

Drinking alcohol.

Halos isang taon ko na rin 'tong ginagawa. Nagmahal ako ng isang babae noon, pero sa huli ay iniwan din niya ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan.

Ano ba ang nagawa kong mali para gawin niya ito sa akin?

Hindi na ba niya ako mahal?

Nagsawa na ba siya sa 'kin at nakahanap na siya ng iba sa ibang bansa? Ito ba yung minsan niyang nakaka-chat na foreigner sa facebook na ipinagpalit sa 'kin?

Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko.

Habang umiinom ako ay may lumapit sa aking isang babae.

"Hi handsome." bati niya sa akin sabay kalong sa hita ko.

As usual, palagi namang may lumalapit sa 'king mga babae dahil habol nila ang looks at katawan ko. Ano pa ba ang bago.

Nang makita ko ang mukha niya ay nakita ko bigla si Elena sa kanya. Fuck! Kahawig niya si Elena. O baka lasing lang ako kaya nakikita ko sa kanya ang babaeng mahal ko.

"Hi." I greeted her back and I smiled at her. This is my first time na hindi ako nangtulak ng babae kapag nilalandi nila ako. Dahil siguro kahawig niya si Elena.

There is something in my heart na gusto ko siyang makasama.

- EARLIER -

SHANCAI

"Natasha, sigurado ka bang ito ang susuotin natin sa Dyosa's Bar?" tanong ko sa bestfriend kong si Natasha.

"Of course. Bagay nga sa'yo eh. I'm sure maaakit sa atin ang mga boys doon. Bawal tumanggi lalo na't natalo ka sa pustahan natin. At saka at least hindi ka na mukhang cheap ngayon." sagot sa akin ni Natasha.

Aray naman. Tinawag pa talaga niya akong cheap. Pasalamat siya at talo ako ngayon.

Napatingin ako sa salamin. I am wearing hanging blouse na masyadong maikli dahil kita na ang pusod ko. Plus nakasuot pa ako ng shorts na sobrang ikli rin. Pekpek shorts daw ang tawag dito ayon kay Natasha. Hindi nga ako sanay sa suot ko ngayon eh lalo na't first time kong magsuot nito. Kaimbyerna!

"Tara na Shancai. I'm so excited na para sa ibibigay kong challenge sa'yo." excited na sabi sa akin ni Natasha.

Well ako, hindi ako excited. Mas gusto kong manood ng k-drama buong gabi kaysa rito.

By the way, ako nga pala si Shancai Kirsten Salvador. Tama po kayo ng pagkakabasa sa pangalan ko. Shancai talaga ang pangalan ko. Fan kasi ang Mom ko ng Taiwanese Drama na Meteor Garden since 2001. Nang pinanganak niya ako ay pinangalanan niya ako sa bidang babae ng Meteor Garden na si Dong Shan Cai. Tulad ni Mom ay fan din ako ng Meteor Garden, pero sa Chinese Version ako. Crush na crush ko kasi si Dylan Wang habang si Mom naman ay crush na crush si Jerry Yan. Like mother, like daughter ang tawag sa amin ng mga kapitbahay namin. Pareho kasi kami ng gusto.

Pero dahil nga sa pagyaya sa 'kin ni Natasha my great bestfriend ay na-missed ko ngayon ang latest episode ng Meteor Garden. Huhuhu!

- DYOSA'S BAR -

Pagkarating namin sa Dyosa's Bar ay umorder si Natasha ng drinks. Sa kanya ay hard drink at sa akin naman ay shake lang. Hindi kasi ako umiinom ng alak. First time ko lang makapunta sa ganitong lugar. Grabe, ang wild pala rito. May nakita nga akong isang gwapong lalaking kamukha ni Park Seo-Joon na may nakakalong na babaeng malaki ang boobs. Tapos narinig ko pa ang sinabi niya: 'I'm gonna give you a mind-blowing sex. I'm gonna fuck you until you're sore'. Nakakadiri nga eh.

"Waaaaa! Look Shancai. Si Jameshin Faulkerson." sabi sa akin ni Natasha at may tinuro siya. Yung dalawang mata niya ay may heart shape na. Napakarupok talaga ng bestfriend ko. Ang bilis ma-in love kapag nakakita ng pogi.

Napatingin ako sa tinuro ni Natasha and I saw a guy na umiinom ng alak. He looked wasted. Mukha siyang pangmayaman na version ng taong grasa. Pero infairness, pogi pa rin siya kahit ganyan ang itsura niya.

"This is my challenge for you Shancai. I challenge you to seduce him. Kailangan maaya mo siya sa kanyang place then have sex with him." sabi sa akin ni Natasha na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ano? Seryoso ka ba sa challenge mo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa bestfriend ko.

Parang gusto kong sabunutan ngayon si Natasha dahil sa sinabi niya. Anong klaseng challenge yan? Parang binubugaw niya ako.

"Yes, make sure that you'll have sex with Jameshin Faulkerson. Pero I'm sure mahihirapan ka sa hamon ko lalo na't cold-hearted yang si Jameshin. Lahat ng lumalapit sa kanya ay tinutulak niya, even me. I attempted to seduce him but I failed. I'm sure you will also failed when you seduce him." - Natasha

Na-challenge ako bigla sa sinabi niya. Ayoko sa lahat ay ang hinahamon ako at ayoko rin sa lahat ay ang natatalo ako. I'm a fighter at hinding-hindi ako sumusuko sa mga hamon. But I'm virgin for Pete's sake. Ibibigay ko lang ang virginity ko sa taong mahal ko.

But...

"Fine, kapag nagawa ko ang challenge. You'll give me one million pesos tax free." hamon ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Sure Shancai, I am confident na hindi mo magagawa ang challenge ko sa'yo." taas noong sabi sa 'kin ni Natasha. Confident pala ha.

I flipped my hair at tumayo mula sa kinauupuan ko. I am good at acting dahil sa kakapanood ko ng mga k-drama at kababasa ng stories sa wattpad.

Lumapit ako kay wasted guy na tinutukoy ni Natasha.

"Hi handsome." malanding bati ko sabay kalong sa kanya. Napatingin sa akin ang lalaki at parang nanlaki pa ang mga mata niya nang makita niya ang mukha ko. Waaaaa! Baka itulak niya ako papalayo sa kanya.

Pero natulala ako nang ngumiti siya sa 'kin.

"Hi." he greeted me back while smiling. Nakabawi naman ako mula sa pagkakatulala. Gosh! Mas lalo siyang gumuwapo dahil sa ngiti niya.

"I-i'm S-shancai." nauutal kong pagpapakilala sa sarili ko sa kanya. Ngayon lang ako nautal dahil sa kagwapuhan ng isang lalaki.

"Jameshin." nakangiti pa rin siya habang nagpapakilala. I think I'm gonna win this challenge.

Napatingin ako sa gawi ni Natasha. Mukhang naiinis na siya dahil nakuha ko ang atensyon ng lalaking pinagpapantasyahan niya. Halata ngang may gusto 'tong bestfriend ko kay Jameshin. I just smirked at her sabay tingin muli sa lalaking 'to.

"Do you have a boyfriend?" tanong sa akin ni Jameshin.

"Nope." tipid kong sagot at mas dinikit ko pa lalo ang sarili ko sa kanya. Kaya mo 'to Shancai.

"Good. Akala ko boyfriend mo si Daoming Si." biro niya na ikinatawa naming dalawa. He's drunk. Namumugay na ang mga mata niya dahil sa kalasingan.

Inilapit ni Jameshin ang bibig niya sa tenga ko at may binulong siya sa akin.

"Can I fuck you? I'm feeling horny right now." bulong niya sa akin. Halos namilog ang mga mata ko sa sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata. Tumawa lang ako pero kinakabahan din ako at the same time. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan ko. Gosh! Parang hindi ko siya matanggihan kahit nakakadiri.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa hita ko at hinimas niya ito. Hinayaan ko lang siya dahil parang nagugustuhan ko pa ang ginagawa niya sa akin. Mas lalong tumindi ang pakiramdam ng katawan ko. Parang mas uminit lalo. My god! Imbes na ako ang mang-aakit ay ako pa ang naakit. Nagiging kagaya na rin ako ni Natasha na marupok.

"I think it is yes. Let's go to my condo unit." sabi sa akin ni Jameshin at inalayan niya ako sa pagtayo. Tumayo na rin siya pagkatapos tunggain ang huling wine niya. At hinila niya ako palabas ng bar.

Nahagip pa ng mga mata ko si Natasha na nahimatay. Dahil siguro nagtagumpay ako sa challenge. Akala niya ha. I won one million pesos.

Pero ano kaya ang mangyayari sa amin ni wasted guy pagkatapos nito?

His Saddest Love StoryWhere stories live. Discover now