(15) #HSLSFriends

1K 16 1
                                    

THIRD PERSON

Nakatulog ang ginang habang binabantayan ang pasyente na nasa hospital.

Habang natutulog ito ay hindi niya namalayan na nagising na pala ang pasyenteng inaalagaan niya.

"M-mama." tawag ng pasyente sa ginang na mahimbing na natutulog.

SHANCAI

Pagkatapos ng shift ko sa burger stand ay hinatid ako ni Mr. Angelo pauwi ng bahay. Hindi na Shaun ang tatawagin ko sa kanya since tapos na ang deal namin. Sir na lang o Mr. Angelo.

"Kumusta na pala ang work mo Shancai? Naging maganda ba ang kita ngayon?" tanong sa 'kin ni Mr. Angelo habang nagmamaneho.

"Opo Sir. Marami pong customer kanina. Karamihan po ay mga bata dahil sa bagong labas na kiddie meal." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa daan.

"Good." ang naging tugon niya. "But next time ay huwag mo na ulit akong tawaging Sir. Just call me Shaun."

Napatingin naman ako kay Mr. Angelo.

I saw him smiling habang nakatingin sa daan.

"Dahil tinuturing na kitang kaibigan simula ngayon." dagdag pa niya.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi niya.

"Opo. Shaun." tugon ko sa kanya na ikinatawa naming dalawa.

Si Shaun. Hindi lang siya mabuting amo, pero isa rin siyang mabuting kaibigan. Sana ay malampasan na niya ang mga problemang kinakaharap niya ngayon.

*kriiiinnnnnnnngggggggggg!*

Bigla namang tumunog ang phone ko. May tumatawag.


Natasha

calling...


Kumunot naman ang noo ko. Bakit kaya siya napatawag? Alam naman niya siguro ang sitwasyon naming dalawa.

I answered the call.

("Shancai. I need you right now.") sabi niya mula sa kabilang linya. Halatang lasing ito.

"Hello Natasha. Nasaa..."

*toot toot toot*

Hindi natuloy ang pagsasalita ko nang namatay ang tawag. Dahil do'n ay hindi ko napigilang mag-alala.

"Shaun. Huwag mo muna akong ihatid sa bahay. Dalhin mo muna ako sa Dyosa's Bar." sabi ko kay Shaun. Alam kong nasa Dyosa's Bar ngayon si Natasha dahil do'n siya lagi pumupunta kapag may problema siya.

"Okay but I'll be with you dahil baka mapahamak ka." tugon niya sa 'kin at lumiko siya.

📌

Pagkarating naming dalawa sa Dyosa's Bar ay hinanap agad namin si Natasha. Pero hindi namin ito nahanap.

Nasaan na siya?

"Maybe nasa isa sa mga VIP rooms yung kaibigan mo." sabi sa 'kin ni Shaun.

Isa-isa naming tinignan ang mga VIP rooms hanggang sa makita namin si Natasha sa VIP Room No. 69.

"Natasha, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Nang makita niya ako ay bigla niya akong niyakap at narinig ko ang kanyang paghagulgol.

"S-shancai." naiiyak niyang sabi.

"Anong nangyari? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Si Mommy, gusto nang makipaghiwalay kay Daddy." sagot niya habang umiiyak.

His Saddest Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon