Unang Yugto

56 1 0
                                    

Sam

Gaano na nga ba ako katagal bumabalik-balik sa lugar na 'to. Hindi ko na mabilang kung ilang araw, buwan o taon ang lumipas. Basta ang tanging alam ko lang ay parang kahapon lamang nangyari ang lahat dahil ni minsan hindi nawala ang sakit na araw-araw sa akin ay pumapatay.

"Good morning, Sam" hindi na ako nag-abalang lumingon, siya na naman. Hindi ba talaga ako tatantanan ng babaeng 'to. Lalo lang akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya.

"Here!" Inilapag niya sa tabi ko ang isang box, as usual, pinagdalhan na naman niya ako ng makakain. Parehong-pareho talaga sila. Bukod sa malaki ang pagkakahawig nila, ang dami nilang pagkakapareho sa ugali.

Nanatili pa rin akong walang imik dahil wala rin namang salita ang gustong kumawala sa akin. Magmula kasi ng mangyari lahat daig ko pa ang nawalan ng buhay. Hindi man sa pisikal pero sa emosyon na hindi ko alam kung mayroon pa ba.

"Ilang taon ka na bang bumabalik-balik dito, Sam?" Sumulyap ako sa kanya at maging siya ay nakatingin rin sa malawak na parke. Parke kung saan ko huling nakita ang unang babaeng minahal ko.

OA man pakinggan, pero yun ang katotohanan. Sa unang pagkakataon naranasan ko ang magmahal ng totoo at masaktan din ng totoo. Hindi ko lubos maisip noon na kaya ko pala, kaya ko palang mahalin at magmahal ng higit pa sa kaya kong maibigay.

"Hindi ko alam," tanging sambit ko. Kahit ang totoo ay alam na alam ko kung ilang beses na kusang hinahatak ang katawan ko papunta dito.

Katahimikan ang bumabalot sa paligid. Gumigising ako araw-araw para ipagpatuloy ang buhay dahil ko sa kabila ng tao sa paligid ko pero kahit anong gawin ko alam kong may kulang. Kakulangan na kailanman hindi na muling mapupunan.

Yun na ang itinatak ko sa aking isipan. Hindi dahil sa ayokong bitawan ang nakaraan, kundi dahil alam kong kailanman hindi ko na magagawang magmahal katulad ng pagmamahal ko sakanya.

Simula ng mawala siya, hindi lang buhay ko ang tinangay niya pati ang puso ko. Hindi man lang ito nakaligtas sa pagdurusang hatid ng pagkawala niya. Sabi nila, magiging maayos din ang lahat, pero ilang taon na nga ba ang nakalipas at parang ni minsan naman ay hindi ko naramdaman na umaayos ang lahat.

"Walong taon na Sam, walong taon ka ng bumabalik-balik sa lugar na 'to. Alam kong hindi madaling lumimot, alam kong masakit, pero hanggang kailan ka magiging ganito?" hindi ako kumibo. Hanggang kailan nga ba?. Hindi ko alam, hindi ko alam dahil hindi ko alam kung paano magsisimulang muli. Dahil hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ako na-late nang gabing yun edi sana buhay pa siya ngayon.

Nagsisimula palang kami sa kung anong meron kami pero agad din iyon nawala. Gusto kong magalit sa diyos pero hindi ko magawa. Sobrang sakit. Araw-araw isinusumbat ko na bakit siya pa? Bakit ang babaeng mahal ko pa?.

"Heto panyo oh," narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa kulay light pink na panyo kasabay ang pagsulyap sakanya na nagtataka.

"Tingnan mo yang mata mo, halatang iiyak ka na maya-maya," agad kong hinawakan ang aking mata upang alisin ang namumuong luha. Masakit pa rin talaga.

"H...hindi ah! Napuwing lang ako," pagdadahilan ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong magmukhang mas mahina, kahit na ang totoo ay gustong-gusto na naman kumawala ng mga luha ko.

Hindi ko namalayan na walong taon na pala ang lumipas, hindi ko man lang namalayan dahil magpahanggang ngayon ay di ko pa rin matanggap ang pagkawala niya na wala man lang akong nagawa para maipagtanggol at mailigtas siya. Nakatapos na ako at ngayon ay nagta-trabaho na pero wala pa ring pinagbago ang nararamdaman kong sakit.

"Hindi ka magaling na aktres Sam at hindi ka makakapagsinungaling sa akin. Dahil matagal ko ng nakikita ang lungkot diyan sa mga mata mo," sabi pa niya. Napatingin akong muli sakanya. Tama siya, kung may higit na mas nakakakilala sa akin ng lubos, bukod kay Rie, ay walang iba kundi siya.

Hanggang sa HuliWhere stories live. Discover now