Chapter 16

6 0 0
                                    

Waiting

Mil's POV

Gabing-gabi na nang naligo ako.Pumunta ako sa aking kwarto at nagbihis.Binuksan ko ang cellphone ko at nag flash sa screen nito ang maraming missed call ni Ariela.Nanikip ang dibdib ko nang makita iyon.

Nagcall back ako sa kanya pero hindi sya sumasagot.Lalo akong kinabahan dahil baka may nangyaring masama sa mahal ko.

Kinuha ko ang Samurai ko sa cabinet at lumabas ng dorm.Kumaripas ako ng takbo dahil sobrang layo ng dorm ko sa dorm ni Ariela.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.

Ariela's POV

Nakakapag tataka na walang tao nang buksan ko ang pintuan ng dorm ko at tumambad lang sa akin ay ang kulay berdeng maliit na papel.

Kinuha ko iyon at bumalik sa loob ng room ko.Sinara ko ng mabuti ang pintuan para masigurong ligtas ako pag natulog na ako.

Sinilip ko ang laman ng papel at nakita ang maikling sulat mula sa hindi ko kilalang tao.

"Kung ako sayo ay layuan mo na ang mga kaibigan mo.Masasama ka sa mamatay.Habang may panahon pa ay umiwas kana sa kanila.This is my first warning to you susunod ay bala ng baril"

Yun ang pagkabasa ko ayon sa sulat.Nanikip ang dibdib ko nang maalala sila Patric, Amanda at Mil na sila lang talaga ang kakilala ko.Ayaw kong layuan sila.Sama-sama naming lalagpasan ito.

Patric's POV

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang masamang balak ko.Alam kong madadamay ang mga kaibigan ko rito.Ngunit alam kong maging sila ay kaya nila akong traydurin kaya habang may oras pa paghahandaan ko na iyon kung sakaling magkatotoo man.

Nagkakape ako habang nanonood ng T.V na cartoons ang palabas.Kahit gabi pala may cartoons sa bagay sa ubang bansa kasi ang pinapanood ko.

Matapos kong manood ay pumunta akong kusina at nagmuni-muni.Iniisip ko kaso si Amanda, kaylan kaya ako aamin ng feelings sa kanya..... Ay! Oo nga pala matagal na nyang alam yun.

Humugot ako sa aking bulsa ng cellphone at tinignan ang picture namin ni Amanda na magkasama sa isang fountain park.Naalala ko payon dahil yung ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko.

Pasasong alas tres nang madaling araw ay gising parin ako.Nakaramdam ako ng kaba.Hindi ko alam kung bakit ngunit parang nakakaramdam ako na may nagmamasid sa akin ngayon.

Pumunta ako sa kwarto at kinuha ang Samurai ko.Kilala ko na sya at nasa pintuan na sya ngayon.

Nakaramdam ako ng ilang mga yapak sa labas ng aking pintuan.Kumatok ito at pinagbuksan ko sya ng pinto.Nagmatitigan kami at nagngingit-ngit sa galit ang kanyang muka.

"Amanda?" Pagsambit ko sa kanyang pangalan at pinasalubungan nya ako ng sapak.

Napaatras ako at sinuntok nya ako sa muka.Napasandal ako sa sofa at kumuha sya ng Samurai sa likod nya.Hinugot ko rin ang hawak kong Samurai sa kinalalagyan nito at dumipensa sa mga atake nya sa akin.

Hampasan lang ang ginagawa namin hanggang sa natulak ko sya at natumba ito sa lamesita na kinabasag nito.

Aktong sasaksakin ko na sya nang bay*agan nya ako at sinipa ang muka kaya napa napabagsak ako sa sahig.

Nauna syang tumayo at kinuha ang kanyang espada itatarak na nya sakin ito ngunit nasalag ko iyon gamit ang pag-ikot sa sahig at mabilis na tumayo sabay sipa sa kanang kamay nya na may hawak na Samurai.

Tumalsik ang Samurai sa aking pagkakakasipa.Sinikmuraan nya ako at sinapak ako sa aking pisngi.

Halos mapangiwi ako sa sakit at sinapak ko sya pababa sa kanyang pisngi kaya napayuko ito.

ASSASSINATION SQUADWhere stories live. Discover now