Chapter 17

2 0 0
                                    

Fight For Love

Mil's POV

Nakakabagot ang ginagawa ko sa room ko.Naka higa lang at hinihintay ang tawag ni Ariela, gusto ko na syang sunduin papunta sa training namin.

Mga ilang sandali ay nag text lang sya.Ngumuso ako nang mabasa ang message nya sa akin.

Dali-dali akong lumabas ng dorm at nilock ang pintuan.Nilagay ko sa likuran ko ang Samurai ko na nakabalot ng panyo ang hawakan nito.Ayoko kasing makita ng ibang tao na ang code name ko ay side winder snake dahil baka yun na ang itawag nila sa akin.

Ariela's POV

Anong oras na pero wala parin si Mil,hinihintay ko ang pagkatok nya sa pinto.Nakatingin lang ako sa Samurai ko na nagliliwanag ang lagayan nito.Wala parin akong kaalam-alam kung bakit Cotton Mouth Snake ang simbulo nito.

A cotton mouth snake ay isang mapangahas na uri nang ahas.Kung saan ay maamong tignan ngunit ay nasa loob ang kamandag nito.

Napag-aralan ko ang tungkol sa mga snake dahil ang Daddy ko ay isang professor ng animals sa isa sa matataas na eskwelahan dito sa Pilipinas.

Nagsuot ako ng leggings at T-shirt, wala naman silang pake sa mga sinusoot namin dito sa school na ito basta ay susundin namin ang rules and regulations.

Fifteen minutes na kong naghihintay sa lalaking iyon pero hindi parin sya dumarating.

Nilagay ko sa bag ko ang Samurai at isinabit ko na ito sa aking dalawang balikat.

Bumukas ang pinto at nakita syang nakakunot ang noo at mula taas hanggang baba ang tingin nya sa akin.

"Magpalit ka nga ng damit mo" Sambit nito sa akin na kinainis ko rin.

"At anong masama sa damit ko ngayon?" Angal ko sa utos nya sa akin.

"Matatanggap ko na magsuot ka ng T-shirt pero leggings na mahaba at ang nipis-nipis pa?!"

"Mil?!" Sabay irap sa kanya.

"Wag mokong matawag-tawag na Mil kung hindi ka magpapalit ng pambaba mo.Magshorts na maong ka nga" Utos nito sa kin at agad ko iyon sinunod.

"Hindi ba mas nakakabastos sa mata ng mga tao na naka short ako kasi ang ikli" Patampo kong wika sa kanya.

"Atlis hindi manipis"  Sabay talikod sa akin at lumabas na ng dorm ko.

Alam ko namang pinoprotektahan nya lang ako sa ibang tao pero ang weird lang kasi.Dati wala syang pake sa mga sinusuot kong damit kasi wala pang kami perk ngayon halos palda na ang ipasuot sa akin.Ugghhrrr.

Bawat madadaanan naming mga estudyante ay tinitignan kami at binibigyan ng daan dahil sa alam na nila na kami ang Viper Team.Hindi ko alam kung sino ang nagkalat nun pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin.

Sinalubong kami malapit sa training room ni Amanda na nakangiti.Sabay-sabay na kaming pumasok roon at pagkapasok namin ay wala pa ang guro namin.Kagaya nang nakaraang training nami ay tumambad nanaman sa harapan namin ang malaking tabla na napaka kapal.

Hindi ko alam kung mas makapal pa ito sa muka ni Amanda eh.Matibay yung muka ni Amanda nga pala kasi may kalyo.

Hinanap ko si Patric pero wala sya sa paligid ng training room, sa bagay tapos na sya sa pag-aaral at squad nalang ang hinahanap nya.

Mga ilang minuto ay dumating na ang teacher namin at may name tag na ito sa kaliwang dibdib ng damit at ang nakalagay na ay Shin Cheng paniguradong may lahi syang Chinese.

ASSASSINATION SQUADWhere stories live. Discover now