Chapter 9

116 50 6
                                    

Chapter 9: The Wind Wizard

Kenn's P.O.V.

Madilim pero nakakakita pa rin ako nang konti dahil sa mga street lights na nakapaligid sa bawat kanto ng daan.

Napakalamig din dito dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa aking katawan.

"Nasaan ako? Is this the one that they call elemental world? "

Mukhang nasa isa akong village. Napakaraming bahay at buildings dito pero sira-sira na ang mga 'to kaya wala nang nakatira rito kahit isa.

Pumasok ako sa isa sa mga bahay at napakadilim sa loob kaya kinuha ko ang flashlight sa aking bag at in-on ito.

Naghanap ako sa buong bahay ngunit wala akong nakitang bagay na magical kundi ang sira-sirang lamesa, kama, kabinet at iba pang mga gamit.

Sinubukan ko ring maghanap sa ibang bahay ngunit wala rin akong nakita kundi mga sira-sirang gamit lang rin.

What happened here? parang sinalanta ng bagyo.

Naghanap ako nang naghanap sa bawat bahay hanggang sa nahanapan ko na ang
kahuli-hulihang bahay ngunit wala parin akong nakita.

"Where can I find that thing? Siguro wala naman dito 'yon." Kaunti nalang, susuko na ako dahil sa matinding pagod.

Pumasok muli ako sa isa sa mga bahay para makakain.

Hinanap ko ang switch ng ilaw ngunit hindi ko ito mahanap kaya binuhay ko nalang ang flashlight bilang ilaw.

Kumuha ako ng pagkain at tubig sa bag at kumain.

Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone habang kumakain at nagulat ako na alas tres y media palang ng hapon pero napakadilim sa lugar na ito. Kahit sikat man lang ng araw ay wala akong makita.

Nang matapos na akong kumain ay lumabas na ako sa bahay para makapaghanap muli.

Habang naglalakad, nararamdaman kong may sumusunod sa akin dahil sa mga kaluskos na naririnig ko.

Weird...

Natigilan ako at tumingin sa aking likuran ngunit wala naman akong nakikita kahit sino man.

I continue on walking pero nagpapatuloy parin ang pagsunod nito. Palakas rin nang palakas ang mga kaluskos.

Hindi ko na mapigilan ang aking pagkainis kaya lumingon muli ako sa aking likuran at sumigaw.

"What do you want?!"

Nawala ang mga kaluskos kaya nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad.

Dahil hindi ko mahanap ang orb sa mga bahay, susubukan kong maghanap sa mga buildings.

May nakita akong isang maliit na school. Mukha itong isang nursery school dahil sa sobrang liit.

Pumasok ako sa loob at naghanap.

Nakakatakot sa lugar na ito, wala akong nakitang bagay na kakaiba kundi sira-sirang mga upuan ngunit ang bagay na nakatawag pansin sa akin ay ang sira-sirang black board na may mga bahid ng dugo sa bawat parte ng board.

May nakita rin akong class record na nakapatong sa ibabaw ng teachers table kaya nilapitan ko ito at kinuha.

Mga records at attendance lamang ito ng mga estudyanteng nag-aaral dito.

Habang binabasa ko ang mga pangalan ng bawat estudyante, may nahulog na class picture sa class record kaya pinulot ko ito at tiningnan.

Medyo kinilabutan ako habang hawak-hawak ang class picture nang makita 'to.

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now