Chapter 3

72 2 0
                                    

   
                      
                          Chapter 3

                                 ~°~

Kinabukasan ay pumasok na siya. Medyo mabuti na rin ang pakiramdam niya. Kasalukuyang nasa canteen sila ni Ella nang lumapit ang grupo ni Camille sa kanila. Kaklase nila ito sa dalawang subject. Taga-Engineering Department ito at sa malamang kilala nito si Henry.

"Balita ko'y dinalaw ka raw ni Henry kahapon." Nakaismid na tanong nito tsaka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Oo nga eh. Nakita ko rin noong isang araw na inihatid ka niya sa inyo." Segunda ni Joanna.

"Ah. 'Yon ba. Oo." Sagot niya.

"Bakit? Ano mo ba siya?"

"Kaibigan." Napa-oh naman ang mga kasama ni Camille at nagbulungan. Tiningnan niya si Ella. Nagkibit lamang ito ng balikat.

"Hindi ka papatusin ni Henry, Diana. Mga tipo ko ang gusto niya." Sabi ni Camille na nakangisi pa. "Kaya kung ako sa'yo, huwag ka nang umasa, girl. Maiiwan kang nganga!" At tumawa ito na sinabayan ng mga alipores nito. "Let's go guys." Tsaka sila nagmartsa paalis.

"Bakit ganoon kung magsalita 'yon?" Tanong niya kay Ella.

"Alam mo kase, matagal ng nagpapapansin kay Kuya 'yon pero dedma lang. Ayaw naman kase ni Kuya sa ugali niya."

"Ganoon ba?"

"May balita nga noon na dahilan kung bakit nagsisiatrasan ang mga babaeng nagpapakita ng motibo kay Kuya. Tinatakot daw nila."

Matamang nakikinig lang siya.

"Kilala mo si Fhaye?" Tanong nito.

" 'yong taga-IT Department?" Well, walang hindi nakakakilala sa kanya. Maganda ito at sikat sa buong departamento nila, pati sa kanilang school. Magaling daw itong programmer. "Bakit?"

"Naging malapit kaya'yon kay Kuya noon."

"Anong nangyari?"

"So hayun nga. Ang akala ni Kuya, may gusto si Fhaye sa kanya. Nagulat na lang ito ng bigla siya nitong iniwasan. Nalaman ko na lang na sila Camille ang may kagagawan. Narinig ko kase sila minsan na nag-uusap tungkol kina Kuya." Salaysay ni Ella. Tumango-tango siya.

"Kaya mag-iingat ka. Hangga't maaari umiwas ka sa kanila."

Nakauwi na siya't lahat ay iniisip niya pa rin ang mga sinabi ni Ella.

A week later

Napagdesisyonan niyang iwasan si Henry. Hangga't maaari ay ayaw niyang magkrus ang kanilang landas.

Linggo. Nagsimba muna siya bago nagpunta sa mall. Tinext niya si Ella kung pwede siyang samahan nito. Umoo naman agad ito.

Magkikita na lang daw sila sa restaurant na malapit sa mall na sinabi niya.

Habang hinihintay niya ito ay isang tao ang hindi niya inaasahang makita. Tatalikod na sana siya para hindi siya nito makita pero huli na. Nakita na siya nito.

"Diana." Rinig niya sa baritonong boses na kahit hindi niya aminin ay nananabik siyang marinig.
Hindi niya ito pinansin.

"Diana." Ulit nito. Bakit kaysarap sa pandinig niya ang pagbigkas nito sa pangalan niya? Bigla siyang humarap.

"Ano b--" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Nagulat siya nang makitang isang dangkal na lang ang pagitan nila sa isa't isa. Naamoy niya ang mabango nitong hininga.

You're Still The One  [COMPLETED]Where stories live. Discover now