Chapter 17

66 3 1
                                    


Chapter 17

~•~

LAKAD DITO, lakad doon. Uupo, mapapahilamos ng mukha tsaka ulit tatayo at maglalakad. Nahihilo na ang mama ni Henry sa ginagawa niya.

"Hindi nakakatulong iyang ginagawa mo, hijo." Anito. Napabuntong-hininga naman siya.

"Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring balita kay Diana, 'Ma?" Ilang oras na ang nakalipas pero wala pa ring report ang mga pulis. "I feel so helpless. Ni wala akong magawa."

Sa ngayon, silang dalawa na lang ng mama niya ang nandoon. Umuwi na si Michael at hanggang ngayon ay wala pa rin si Louella.

"Hijo, ipagdasal na lang natin na walang mangyayaring masama kay Diana."

"Sana nga, 'ma. Sana."

"Pumasok ka na muna at magbihis. Hindi ka pa nakakapagpalit." Tama ang mama niya. Suot niya pa rin ang three piece suit niya. Hindi na siya nag-abalang magbihis. Alalang-alala na siya kay Diana.

"Pero 'ma..."

"Sige na. At magpahinga ka na rin. Tatawagin kita kapag may balita na kay Diana." Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ng ina. Nagtungo siya sa kanyang kwarto, kinuha ang twalya at pumasok sa banyo. He wants to refresh himself.

Mga 30 minutes din yata siyang nanatili sa banyo. Nagbabad siya sa bathtub at nag-isip ng pwedeng gawin upang makatulong sa paghahanap sa kasintahan.

Hanggang sa napagdesisyunan niyang tutulong sa mga pulis sa paghahanap. Ayaw niyang manatili sa bahay na walang ginagawa at naghihintay lang mg balita. He needs to do something.

Nakatapis lang siya ng twalya nang lumabas siya ng banyo. Hindi siya agad nagbihis at ibinagsak ang sarili sa kanyang kama at napapikit.

Diana, nasaan ka na ba?

Napadilat siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Louella. Hindi na siya nagulat dahil dati naman itong ginagawa ng kapatid.

Dumating na pala ito. Napabangon siya.

"Ano na'ng balita? Nakausap mo ba 'yong sinasabi mong tutulong sa paghahanap?"

Hindi siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy sa kama niya.

"Lasing ka ba?" Natanong niya nang makita ang pamumula ng mga mata nito at naamoy ang amoy-alak mula dito.

"Hindi. Nakainom lang ng kaunti." Anito at napatingin sa kanya.

Hindi naman maunawaan ni Henry ang klase ng tingin na ipinukol sa kanya ni Louella. "Hindi ito ang kwarto mo, Louella."

"Alam ko."

Akmang tatayo siya dahil naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya pero hinawakan nito ang kamay niya.

What's wrong with her?

"Stay." Mahina nitong sabi na nakatitig pa rin sa kanya. Naaasiwa siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman niya. He never felt that before dahil lagi naman itong ginagawa noon ni Louella. Pero bakit ngayon? Bakit parang may malisya? Lalo na sa ayos niya ngayon.

You're Still The One  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon