chapter 18 part two

1.1K 42 6
                                    

chapter 18 part two

Jennie's POV

So umupo na ko sa tabi niya at nag cross legs, para ireveal ang aking makikinis na legs sa kanya, go kaya ko to! Para makuha ko si Jake, alam ko naman babae ako at dapat ako mahiya sa ginagawa ko, pero ano magagawa ko para sa buhay pag ibig ko to! desperada na kung desperada pero mapapasakin din naman siya hahaha :D

“ May gusto ka bang inumin?” tanong ni Jake, nag blush naman ako sa sabi niya at tumawa ng mahinhin.

“ Hindi naman ako si Andy na malakas uminom, hindi ko kaya sobrang alcohol” sabi ko sa kanya.

“ Huh? Ganun ka high ang tolerance ni Andy?” nag tatakang tanong niya sakin.

“ Sobra taas ng tolerance niya, hindi naman ako drinker pero since you’ve ask I’ll take a glass of tequila” sabi ko.

“ Kung ayaw mo ayo—“ pinutol ko ang sasabihin niya.

“ No, kaya ko uminom”

“Si-sige” sabi ni Jake ko sabay order ng drink.

“ Ano oras ka uuwi?” tanong ko sa kanya to start a conversation.

“ Hindi ko alam, sabi ng mga kaibigan ko madjo mag tatagal daw kami” paliwanag niya.

“ Great!, atleast may makakasama ako!, wala kasi ako masama eh!” sabi ko sa kanya sabay pout.

“ Eh pano si Aira at Alyssa?” nag tatakang tanong niya sakin.

“ Errr.. kasama nila boyfriend nila” sabi ko kahit wala pa naman sila jowa, alam ko naman nag boboy hunting na yung dalawang yun eh. Nag shot naman ako ng tequila.

“ Hay, dahan dahan lang, baka malasing ka” paalala sakin n Jake! Ayieee concern siya.

“ Ayos lang ako, nandyan ka naman pag nalasing ako diba? Aalagaan mo naman ako?” sabi ko sa kanya sabay dahan dahan na lumapit sa kanya tas hinawakan ko yung pisngi niya, nag blush naman siya at tumawa… ehh!! Naman eh!!! Lapit na nun!!

“ Haha,, aalagaan ka ni Carl” sabi niya, tsk!

“ Si Carl? Eh tingin ko mas interesado pa siya kay Andy kaysa sakin eh” sarcasm na sabi ko sa kanya, sabay inom ulit ng shot ng tequila.

“ Huh?si  Andy?” nag tatakang sabi niya

“ Hindi mo ba napapansin na lately sobrang nagiging close na sila” sabi ko

“ Talaga? Hindi ko alam yun, tsaka diba boyfriend mo na si Carl?” nag tatakang tanong niya halatang naguguluhan sa sinasabi ko.

“ Ou boyfriend ko siya, pero mas mukhang interesado siya kay Andy kaysa sakin” malungkot kong sabi!, go lang Jennie!! Galing ko talaga mag acting!

“ Imposible naman ata yun, baka naman ma mimisinterpret mo lang” mahinahon na sabi niya.

“ Talaga bang imposible? Diba ikaw na din nag sabi sakin na baka interesado si Andy sa boyfriend ko? Pano kung ganun din si Carl? Imposible pa din ba?” tanong ko sa kanya

“ Pero tingin ko hindi kaya gawin ni Andy yun” depensa niya kay flat. Tsk

“ Ganun din naman tingin ko kay Andy” sabi ko sabay inom ng shot ulit na tequila, tas nag order pa ko ng 5 shots, tinignan naman ni Jake ang mga shot glass na wala ng laman at nagulat siya.

“ Hey! Ang dami na ng iniinom mo” nag aalalang sabi niya sakin.

“ Hh kasi naman malungkot ako!” sabi ko sabay dahan dahan na inihiga ang ulo ko sa balikat ni Jake ko!! Waaaa kinkilig ako!!!

“ Bakit ka naman malungkot?” sabi niya

“ Jake” sabi ko tas shempre kung wari lasing na ko, kung wari medjo hilo na ko tas tumingin ako sa mata niya.

“A—aa—ano yun?” nauutal na sagot niya, halatang apektado sa ginagawa ko haha, way to go Jennie!

“ Kung ikaw siya,, kung ikaw siya hindi mo ko sasaktan ng ganito diba?” sabi ko sa kanya na para na kong iiyak.

“O—“ binuka niya ang bibig niya habang nag bublush

“ Hindi mo naman makikita si Andy na mas mahalaga kaysa sakin diba?” pag dadrama ko pa

“Err…uhmm” sabi niya at lalo namula ang mga pisgni niya, natutuwa naman ako sa ngyayari, my plan is working.

“ Hindi mo naman ako hahayaan malungkot diba?” tanong ko pa sa kanya, habang tinitignan siya na parang nag mamakaawa, ng tinignan niya ang mata ko dahan dahan siyang nag nod, parang naakit sa mata ko haha :D

Sa mga oras na to! My gee!! Gusto ko ng isigaw sayo na IKAW NG GUSTO KO MAGING BOY FRIEND!!, pero shempre pakiyeme muna ako, dahil nag dadrama nga ako eh!, so nginitian ko siya at nag shot nalang ulit ng tequila, pipigilan sana ako ni Jake na uminom pero nainom ko na eh.

“ Sabi mo kanina, hindi ka gano sanay sa alcohol, kaya hindi ka dapat umiinom ng ganito” sabi niya sakin halatang nag aalala na siya sakin, kitang kita na sencire siya sa pag aalala sakin.

“ Pero malungkot kasi ako eh” mahinang sabi ko

“ May iba pang paraan para mabawasan yung nararamdaman mong lungkot” sabi niya

“ Gaya ng anu? Kaya mo ba ako tulungan? Kaya mo bang tanggalin yung mararamdaman kong sakit?” sabi ko sabay lapit sa kanya, halos mag dikit na ang ilong naming, im so proud of my self!!! Haha, napalunok naman si Jake ko sa lapit ng mukha naming, gusto ko na siyang halikan ngayon.. pero… pero bakit parang hindi ko magawa?

Napa tingin naman ako sa isang shirtless blonde dog, seryoso siyang nakatingin sakin, kinindatan ko siya at ngumiti sa kanya, para malaman niyang nag tagumpay ako sa pag seseduce kay Jake, at dahan dahan ko pang nilapit ang mukha ko kay Jake n mukhang nanigas na sa kinauupuan niya, bakit ganun? Nung tinignan ko si Carl aso parang lalo akong na push na gawin to, kahit hindi ko naman gusto..

Dahan dahan ng palapit yung mga labi naming, naaamoy ko na yung whisky na inuinom niya kanina mula sa mga labi niya…

Secret Dating PlanWhere stories live. Discover now