XXXI: Another one of us

709 68 74
                                    

-Sarasienne's POV-

Ito na ang huling araw ng sleepover. Kung kailan huling araw na saka palang makikisleepover si Rainier. Kagabi kasi, pumunta lang siya para idala si Harmon ayaw niyang 'di to makadalo sa anniversary.

Maaga ang dismissal namin ngayon dahil Friday. Habang naglalakad ako papunta sa gate naabutan ako ni Rainier.

"Sara paumanhin hindi mo ako makakasama sa pagpunta I need to fetch my brother at home."

"Talaga? Makikisama siya sa 'tin sa sleepover?" I excitedly asked him.

"Dad wanted him to have fun with us."

"Oh I see." I smiled and looked away. I was going to say take care so that he may already leave but when I looked away, nakita kong nakasabit 'yung rosary na ginawa ko para kay Rainier sa may mirror nung motorsiklo niya.

"Wow! 'Yan yung rosary na binigay ko sa'yo ah!"

"Oo," he smiled at me. "I know it will protect me wherever I go. Well then I'll be seeing you this evening." he winked at me and gave me a thumbs up before going on.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Rainier. Ang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa kanya iyon. Even though Frey doesn't remember me, I'm really happy to meet him again.

Habang naglalakad nagbalik tanaw ako sa nakaraan si Rewiz, siya ang naging dahilan kung bakit nalaman ko ang katotohanan. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Excited akong makilala siya mamaya.

Palabas ako ng gate nung may nakita akong estudyanteng sumisilip na babae suot-suot ang uniporme ng eskwelahan na medyo may kalayuan mula sa Heartgold University. Mukhang may hinahanap siya siguro ang layo ng nilakad niya makapunta lang dito. Siguro para makita yung crush niya. Marami kasing  gwapo dito sa Heartgold University.

Habang naglalakad may namataan akong tatlong lalake ang naglalakad patungo sa akin. Nakapangkaraniwang mga damit lamang sila pero kahit sa malayuan kitang-kita ko yung suot-suot nilang hikaw. Isang crescent moon na may anim na bituin na nakapalibot sa buwan. Isa lang ang ibig sabihin nito, pinadala sila ni Valon para dakpin ang isang Areismeir that they've detected.

I froze in the spot I am standing out of fright. Papalapit na sila. Kung tumakbo ako ngayon baka mas lalo silang makahalata. Hindi, ayoko na bumalik sa Arcanethia at iharap muli kay Valon the balyena!

"Tumabi ka nga diyan! Hinaharangan mo ang daanan namin!" maangas na sabi ng isa sa kanila sa'kin.

Nakalimutan ko hindi nila kailanman madedetect na isa akong Areismeir sa mundong ito. Pero kung hindi ako ang pakay nila sino?

Sinundan ng paningin ko ang mga sorcerers na 'yon. Lahat ng mga tao dinadaanan lang nila.

Hindi maari, Hindi kaya yung babae na nakita kong may hinahanap kanina? Ngayon ko lamang siya nakita kaya maaring siya. Hindi kaya dahil isang Areismeir rin siya?

Madali akong tumakbo at hinanap yung babae kanina. I felt relieved upon seeing that she's still there. I grabbed her hand and ran away from the place.

I got a taxi and told the driver the address of Luserina's house. I have to protect this girl, I need to warn her about the sorcerers. I'm bringing her along with me to Luserina's house.

The girl looked scared. Of course dahil sapilitan ko siyang sinama pero mukha ba akong kidnapper sa ganda kong 'to?

"I'm sorry for forcibly bringing along, I'm Sarasienne Altamira and you are?"

"Ako po si Andriette Ramirez."

Hindi ko maaring tanungin siya dito. Hindi ko naman pwedeng patulugin yung driver baka maaksidente pa kami at hindi ko din maaring biglain siya malay ko hindi pala siya sorcerer.

Love Is Greater Than Any SpellDove le storie prendono vita. Scoprilo ora