+ Death and Rebirth +

2K 18 0
                                    

🎶Play Music🎶

*Flashback*

+ Haydes PoV +

(400 years ago…)

“Ang galing mo talagang sumayaw wala ka paring kupas. Wala nang hihigit pa sayo Mahal.”

“Salamat Mahal. Sobrang suporta ang binibigay mo sakin.”

“syempre naman. Ako ata ang numero uno mong tagahanga, wala nang iba.”

“he he he ikaw talaga. Ang lambing mo talaga, kaya nga mahal na mahal kita. Sige na tumugtog ka na ulit at mageensayo pa ako.”

“sige Mahal. Mahal na Mahal din kita.” Habang tumutugtog ako ng  piano. Pinagmamasdan ko ang bawat pagsayaw niya sobrang nakakaaliw at hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya, lalo na ang mga ngiti niya sa akin.

Lumipas ang mga araw. Nagkasakit si Hilde. Tumigil na siya sa pagsasayaw kaya sa mga libro na lamang niya nilalaan ang mga oras niya. Sinasabayan ko na din siya sa pagbabasa para may makasama siya. May mga gamot din siyang iniinom, upang hindi lumala ang sakit niya.



Subalit,





Hindi ko inaasahan ang mangyayari. Habang nagbabasa kami pareho. lumala ang kanyang sakit, umubo at lumuwa na siya ng dugo. At sa hindi niya nakayanan natumba siya sa pagkakaupo at humandusay sa sahig. “HILDEEEE!!!”….









Doon nga natapos ang buhay ni Hilde.

Ilang araw lang ang lumipas ay nailibing na siya. Ginawa kong kwintas ang kanyang singsing upang maramdaman ko pa rin na nasa tabi ko lang siya. Sa puntod niyang iyon ay nahiga at hindi na ako umalis pa.
Hindi ko matanggap ang pagkawala niya. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga bukas na hindi siya kasama. “Hilde…bakit mo ako iniwan? Mag.isa na lang ako dito. Bakit hindi mo na ako sinama? Hindi ko kayang mag.isa na wala ka sa tabi ko.” Habang kinakausap ang puntod niya kahit na malamig, hindi pa rin ako umalis at di ko namalayan nakatulog ako.

Nagising na lang ako sa pagkakatulog ng maramdaman kong may tao sa likuran ko. “Sino ka?!”

“Ako dapat magtanong niyan sayo. Anong ginagawa mo dito sa simenteryo mag.isa sa dis oras ng gabi?” tanong sakin ng taong napadaan.

“wala ka nang paki dun!”

“kaano-ano mo ba iyan?” tanong niya.

“Kasintahan ko siya.”

“ahhh, bakit ka pa nandiyan eh patay na siya? Hindi na babalik ‘yan.” Sarkastiko niyang sabi.

“sino ka ba para pakialaman ako? Umalis ka na nga dito! Pabayaan mo ako sa gusto kong gawin! Kung mamatay man ako dito. wala ka na dun! Umalis ka na!!” sigaw ko.

“tsk! Sasayangin mo lang ang buhay mo sa taong wala na dito sa mundo?”

“umalis ka na nga sabi eh! Baka kung ano pa magawa ko sayo.”

“ha ha ha. Tinatakot mo ba ako? Ako?! Isang katulad ko? Tsk! ” tawa niyang nangiinis.

“hindi mo talaga ako titigilan?!” sa inis ko sa kanya ay inakmaan ko na siya ng suntok. Pero napigilan niya ito. Sobrang lakas niya at bigla na lang niya akong hinawakan sa leeg at binuhat paitaas gamit ang isang kamay.

“alam mo- sayang ang buhay mo kung mananatili ka lang dito. Kung gusto mo, ibigay mo na lang sakin. Baka may pakinabang pa. Ha ha ha.”

“bakit… ko... naman..ibibi..gay..sayo?!” kahit hirap ako sa paghinga. dahil sa pagkakahawak niya sa leeg ko pilit pa rin akong nagpumiglas.

“aba, palaban ka. Nakakatuwa ka naman. Hmmm- sayang ka eh. Papatayin na lang sana kita. Pero napabago mo ang isip ko.”

Binitiwan niya ako sa pagkakahawak. “sino ka ba talaga?!” habang kinakausap ko siya ay bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Naramdaman ko na lang siya na nasa likuran ko at bigla na lang niya akong kinagat sa leeg.
“Argghhh! anong ginagawa mo sakin?!” ininom niya ang dugo ko sa katawan at pagkatapos ay inalis niya ang pagkakagat sakin. nakaramdam ako ng panghihina.

“Isa akong bampira. Umiinom ako ng dugo ng tao para mabuhay. At napili kita bilang maging kauri ko, dahil may potensyal ka.”

“ano..ng pinag..sa..sa..bi mo.. diyan...? bam..pi..ra? Umi..inom..ng du..go?”

“Oo. Kung gusto mong tanggapin ang alok ko. Sabihin mo lang at bibigyan kita ng kapangyarihan at buhay na walang hanggan.”

“ba..kit..ko..na..man.. ta..tang..ga..pin ang.. ina..a..lok..mo? Isa..kang-” hinang hina kong sabi. pakiramdam ko mamatay na ako. Ito na ba ang paraan para makasama ko si Hilde?

“hmmm- yung kasintahan mo. Pwede mo siyang makita ulit sa paglipas ng panahon. Makikita mo ulit ang minamahal mong kasintahan. Kaso hindi mangyayari yun kung mamatay ka din. Maikli lang ang buhay ng tao. Pero sa katulad kong bampira magagawa mo yun. So, ano? Payag ka na ba?” pakikipagkasundo niya.

“to..to..o ba.. yang..sina..sabi.. mo?” magagawa ko ba talagang makita ulit si Hilde? kung tatanggapin ko ang alok na sinabi niya?

“oo naman. Totoo yun. Kung payag ka-” Hiniwa niya ang kanyang pulso at tumulo ang dugo niya sa lupa. “inumin mo ang dugo ko at magiging bampira ka. Ganun lang kasimple.”

“ha? I..i..nu..min.. ko..ang.. du..go.. mo?” panghihina kong sabi.

“oo. Bilisan mo at baka matuluyan ka na talaga.”

“sige. Payag na ako. Pero-” bigla na lang niyang nilapit sakin ang hiniwa niyang pulso at ipinainom ang dugo niya.

“ok. Nagkasundo na tayo. Mukang masaya ito. Ha Ha Ha Ha Ha.”

“AaarrRggggGhhhhhH!!” Naramdaman ko na lang ang paginit ng buong katawan ko para akong sasabog sa sakit. “Ano bang nagyayari sakin? Mamatay na ba ako? Hil..de..?” sambit ko sa sarili at nawalan na ako ng malay pagkatapos nun.

Sa pagmulat ng mga mata ko nakahiga ako sa kama. “nasaan ako?!”

“oi, nagising ka na pala. Kumusta bagong buhay natin?” tanong niya sakin.

“ha? Anong sinasabi mo?” pagtataka ko.

“hala! Nakalimutan mo na agad? Oi! naging bampira ka lang hindi nagkaamnesya.”

“bampira? Ako? Isa na kong bampira? Hindi ba ako nanaginip o binabangungot?”

“ano bang nangyayari sayo? Hindi mo talaga tanda?”

“akala ko panaginip lang lahat yun.”

“nagtagumpay ka. Isa ka nang ganap na bampira tulad ko.”

“hindi na ba ako babalik sa pagiging tao?”

“hindi na malamang. Panghabang buhay na yan. Depende kung gusto mo agad mamatay.”

“Ganun ba, Ano nga pala ang pangalan mo?” tanong ko sa misteryosong nilalang na isang bampira.

“dapat ikaw muna ang unang magpakilala bago ko sagutin ang tanong mo.” Pabalik niyang tanong sa akin.

“a-ako si Haydes.” Sagot ko sa kanya.

“Nice to meet you Haydes! I'm Kaito the Vampire ha ha ha ha ha.”

“so- totoo nga lahat.” Sambit ko sa isip ko. Pagkatapos mawala ni Hilde. Doon ko na nga unang nakilala si Kaito, siya ang dahilan kung bakit isa na nga akong  ganap na bampira. At nagkaroon ng panibagong buhay.

*end of flashback*






To be continue...

Vampire's Love (+ FanFiction +) [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora