Chapter 3 - Palpak na Selfie!

153 12 0
                                    

"SO, ANO TALAGA ang nangyari?" Inilibre ni Eula ng lollipop ang pa-grade four na si Chelsea bago tanungin. Isa ito sa dalawang batang babaeng kasama ni Joy nang makulong ito sa bodega.

Pinamutlaan ang paslit. Habang subo ang pulang lollipop ay nilaro ang magkabilang tirintas nito. Tila ayaw na nitong alalahanin ang nangyari, pinakalma niya ito kaagad. "Walang multo, Chelsea. Nang pumasok ako sa bodega ay wala akong nakita. Baka natakot lang sa anino si Joy -"

Inalis ni Chelsea ang nakasubong kendi sa bibig. "'Yung mga sugat po niya, Teacher?"

Hanggang dibdib lang niya ang slim na paslit, tumingkayad siya para mai-level ang mga mata rito. "Napasabit sa pako."

Lihim na nakagat niya ang dila. Ayaw niyang magsinungaling pero, no choice siya kung gusto niyang maging normal ang buhay niya... or at least, tratuhin siyang normal ng kapwa niya!

"Weird po kasi si Joy." Sa wakas ay napagsalita na niya ang paslit. "Ang sungit po niya at mayabang. Matatakutin naman at tinatakot din po niya kami. Gusto lang po kasing paiyakin ni Lloyd si Joy. Isinama lang kami."

Si Lloyd ay ang batang mataba na isa sa mga sumundo kay Belinda. Ang ina nito ay kabilang sa nagreklamo ukol kay Joy at nagtaray sa tiya niya.

"OMJ, eh anak naman pala niya ang pasimuno!" nasabi niya.

"Teacher Ursula?"

"Teacher Eula," pagko-correct niya. "Go on, girl."

Ayon sa paslit, isinama nilang maglaro si Joy sa may bodega. Doon ay ikinulong nila ito at tinakot na may multo roon. Laking gulat na lang daw nila nang biglang magsisigaw si Joy. Noon na tinawag ng mga lalaki ang tiya niya.

"So, ang lesson dito?"

"Hindi po namin dapat na ikinulong si Joy."

"Yasss!" Iyon talaga ang pakay ni Eula; na ipaunawa sa schoolmates ng batang may third eye na hindi maganda ang ginawa ng mga ito. "Swerte n'yo kasama n'yo ang mga mumshies n'yo. Ang sabi ni Teacher Belle, nasa abroad ang munshie ni Joy, lola lang niya ang kasama niya -"

"... kaya po papansin siya sabi ng mommy ko at ni Teacher Belle!"

Hindi iyon ang gusto niyang marinig sa kasama pero tinakbuhan na siya nito. "Salamat po sa lollipop, Teacher Ursula!"

"Eula... na lang," reklamo niya. "Ang lakas namang makapang-asar!"

Nakonsensya siya sa pang-iiwan sa ere kay Joy. At wala siyang balak na makialam sa multo nito. Pero hindi pumasok ang paslit nang sumunod na araw matapos itong ireklamo ng ilang magulang. Lalo siyang na-guilty. Naisip niyang dapat na may gawin siya para sa bata.

And that's the best thing you can do, Ursula? untag ng isipan. Ang i-convince sa mga ka-schoolmate nito na huwag na itong i-prank?

"Shatap ka nga d'yan!" reklamo niya sa sarili. "At pwede ba, 'Eula' na lang? Pati ba naman ang other side ko, Ursula pa rin ang ipinipilit itawag sa akin?"

Napasulyap siya sa kahabaan ng hallway na kinaroroonan. Nag-worry na baka may nakarinig at isiping praning siya. Totally deserted naman. Siya na lang ang naroroonan. Sinulyapan niya ang digital clock sa android phone: 11 a.m. Siguradong nag-uuwian na ang mga nagsa-summer class kabilang si Chelsea na tinakbuhan siya.

Pauwi na rin sila ng tiya, may ipinakukuha lang ito sa library, sa second floor ng eskwelahan. Nagmadali na siya. Pero habang paakyat sa hagdan, naalala niya; hindi pa siya nagpo-post ng picture niya for the morning. At least, apat na beses siyang naga-upload sa FB niya para... wala lang. Para ipakita sa buong mundo na lagi siyang wafa!

Napahagikgik siya na parang luka-luka at ini-ready na ang pag-a-apload ng 'ATM' sa social media. Nadiskubre niya na magandang spot pinakang-landing ng ikalwang palapag. Mapula pa ang kanyang mga labi, pero nagpahid pa rin siya ng lipstick at ngumiti na sa harapan ng phone. Sa gawing likod niya ay ang kulay krema at asul na hallway na sa hindi maipaliwanag ay naging napakalungkot. Dahil siguro sa sobrang katahimikan?

Noon nagtaasan ang mga balahibo ni Eula sa magkabilang braso. Pagkuwa'y ang nakakikilabot na lamig na pamilyar na sa kanya.

"Wait lang -!" Na-capture siya ng camera phone na nakanganga at sa malas, nai-upload na iyon. Nagmukha siyang palaka!

May halos isanlibong friends siya sa social media. Nakailang 'like' kaagad siya at mas inulan ng emoticon na nakatawa. "Ah! gigil!"

Bumaling siya sa pasilyo, tila bumaba na ang ulap doon. Namuo ang manipis na mist, senyales na may aktibong multo. "Ang lakas mo'ng mang-badtrip. What do you want, ba?"

Mula sa bukas na pinto ng isang silid-aralan, humakbang palabas ang dalawang pares ng maliliit at puting sapatos. Napapigil-hininga siya nang itaas ang tingin sa may-ari ng mga iyon. Ang batang multo sa bodega!

(Image copyright by alec abad)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Image copyright by alec abad)

Marahang lumakad ito para sa kanya nang nakatungo at nakalaylay ang magkabilang mga balikat. Puting-puti ang balat sa raven black nitong buhok at pulang bestida. Unti-unti umagos ang maraming dugo mula sa ulo ng paslit na pumaligo sa mukha nito. Tumuloy ang daloy ng mga nangingitim na dugo sa mga puting sapin sa paa hanggang sa naging pula na rin ang mga ito.

Napaurong si Eula. Nilabanan niya ang takot. She can't hurt me! pangungumbinsi niya sa sarili. "You can't hurt me -!"

Kung hindi siya napahawak sa railings ng stairway, natuluyan na siyang nahulog at may dalawampung steps ang hagdan. Mahigpit na nakapitan din niya ang cellphone sa isang kamay at muntikan nang mapasigaw sa muling pagtunghay sa aparisyon.

Isang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Habang nasamyo niya ang nabubulok na kalamnan, naging close-up na rin ang patay na kulay nito. Obvious na obvious ang nangingitim na ugat nito sa mga mapuputlang braso at binti. At ang ulo nito, naunawaan na ni Eula kung bakit doon nagmumula ang masaganang dugo. Basag ang noo nito! Gumalaw ang tuyot at maitim na labi ng batang multo.

Wayna... Narinig niya iyon sa kanyang isipan. Bumaba ang nakatirik na mga mata nito sa mga tingin niya at napapikit na siya. WAYYNNAAA!!!

Wala na ang aparisyon sa muling pagmulat niya. Pero naiwan ang salita. Napailing siya. No way! Ayaw niyang makialam -

Napamaang siya sa isang ideya. Lola Aina ang pangalan ng guwardian ni Joy. Aina sa Wayna... Why not?

___________

Chapter 4 - Si Lola Aina (Thursday?)

Sana nagustuhan n'yo. Pa-vote, comments are also appreciated :)

- Maylen




Si Wayna (Published by Bookware)Where stories live. Discover now