Twelve

2K 68 0
                                    


Rian's POV

Pagkatapos ng tagpo kanina dumeretso ako papuntang likod ng building na sinabi ni Raine kanina habang nag lalakad ako, parang wala namang digmaan o rumble na nagaganap. Mas binilisan ko pa ang pag lalakad hanggang sa makarating na ako sa likod ng building na sinasabi ni Raine kanina.

May namataan akong purong ng mga tao doon. Kaya Mas binilisan ko pa ang pag lakad. Lakad. Takbo. Lakad. Takbo. na ang ginawa ko para makarating lang doon.

Nang malapit na ako sa likod, nakita ko ang yung may tattoong Darkness kanina na nag-uusap , at nagulat pa ako kung sino ang mga kausap nila.

Jeshia at Hesha

Ang ka grupo ko.

Anong ginagawa nila dito?

Mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko hanggang sa naging takbo na iyon. At nang malapit na ako, napakunot ang noo ko nang hindi ko makita sina Kevin saka sina Chrina, sina Hesha saka si Jeshia lang ang nakita ko. At saka may mga tao na hindi ko kilala. Binagalan ko ang pagtakbo at naglakad nalang. Sila lang din ang hindi nakaka alam kung saan ako nag aral ulit. Dahil wala ang mga ito nung sinabi ko kung saan ako mag tatransfer ng eskwelahan. Possible kaya na kasama sila ni Clyde?.

Nakuyom ko ang mga palad ko. At napa ngisi sa naisip ko.

Mga traydor

Binagalan ko ang pag lalakad ko at nang malapit na ako, huminto ako at nag tago sa isa at pinaka malapit na kahoy na hindi nila ako makikita. Pinakinggan ko kung ano ang mga sinasabi nila.

"Anong ginagawa ninyo dito?" Yung lalaking nakasagotan ko kanina.

"Nandito kami, para e-inform kayo na nandito si death stalker. So if I were you, I'll be careful with my actions, cuz she's like a predator and your the prey, saka dapat maunahan ninyo siyang mahanap kayo at mapatay bago kayo ang mauna. Uunahin niya kayong patayin." Nakangising saad ni Chrina. Napangisi din ang lalaki. Napakuyom ako ng kamao.

Tangina ka, traydor

"Yeah right, bago pa niya kami mahanap, mauuna kami sa kanya. And tell you nasa teritoryo ko siya nakatayo kaya wala siyang kawala. At wala naman kayo dito diba? I mean wala naman ang ka grupo niya dito. Kaya wala siyang laban sakin." Nakangising saad nito. At aalis na sana ako sa pinagtataguan ko nang magsalita ulit ang mga traydor kong kagrupo.

"Tssk, hindi naman namin siya ka grupo no. I mean, oo nga mag kagrupo kami pero hindi namin siya tinuturing kagrupo, illusyunada, akala mo kung sinong makapagbigay ng utos, at saka naiinis din kami diyan sa kanang kamay niya na si Kevin, right girl?" Naiinis na saad at tanong ni Chrina kay Hesha.

Hindi muna ako lumabas dahil nagkainteres ako sa paguusapan nila.

"Right ka dyan girl, nakakainis sila." Sagot naman nito

"Bakit naman?" Tanong nung lalaki

"Kasi naman, kung makaasta din kala mo kung sino, eh ang weak naman niya. Kala mo kung sinong makautos din samin pag wala ang bruhang babaeng lider. Tssk. Nakakainis talaga sila." Anito na parang nandidiri pa.

"So.. Dahil naiinis kayo sa kanila, kaya dito kayo dumeretso? Samin? Ha?" Ani nung lalaking chinito.

"Yes, and one more thing. Your more than handsome than them and your members in your gangs are so handsome too. Mas malakas din ang pwersa niyo kesa sa kanila. And malalaki ang katawan ninyo. Hmm." She said flirtatious. Napangisi ang lalaki sa narinig.

"Hmm so you're two are traitors to that fcking gang? Ha?" Anito na nakangisi.

"Yeah" sabay na sambit ng dalawa.

"Okay, you two are—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya sana nang may sumigaw

"Boss, boss" hinihingal na sigaw ng isang lalaki sa kanya

"What?!"

"May nakapasok na kalaban." Hinihingal na ani nito

"Anong kalaban?" Nakakunot na noo na tanong ni Chris sa kanya

"Yung kalaban natin na grupo, ang kabilang grupo, yung ano. Yung.. Arrgghh hindi ko na matandaan." Ani to

"Kabilang grupo? Kalaban natin? Halos naman lahat kalaban natin ah?" Ani nung lider

"Yung kalaban natin? Yung may atraso sa inyo." Saad nito

Atraso? Meron pa bang ibang gang na may atraso sa kanila?

At may sinabi pa ang lider nila na naging dahilan ng pagkatigil ko at nilingon ang lider.



"Ahh.. Yung Black Curse" nakangising saad nito

***
Eyow! Wazzup guys. Sorry ang tagal po ng update. 😁

Mianhee mianhee!

Anyway! Highway! Enjoy! 😘😘

XOXO!! 😘😍

-asshhi

Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now