Seventeen

1.9K 62 1
                                    


3rd person's POV

Tahimik lang ang kanilang byahe hanggang sa makarating is sila sa kanilang destinasyon. Bumaba kaagad si Yex sa kotse ni Kevin saka dumeretso papasok. Lumabas din naman agad si Kevin sa sasakyan niya at hinabol si Yex.

Pag pasok palang ay sinabihan kaagad siya ni Yex na tawagan ang kanilang mga membro para i-interogahin at papatawan ng parusa dahil sa pag labag ng kanilang batas o dahil naging traydor ito. Isa sa kanilang batas kasi ay ang 'No Traitors' at kapag nilabag mo ito o naging traydor ka, papatawan ka ng isang parusa o ang patayin ka.

"Papuntahin mo na dito ang lahat." anito kay Kevin na sinunod naman agad nito. Kaagad na nilagay niya ang mga numero ng bawat isa at saka nag text ng 'Safe House, ASAP' at saka sinend.

"Anong parusa ang ipapataw mo sa kanya? Or sakanila, kung sakali namang marami sila? Papatayin mo ba sila?" Kaagad na tanong ni Kevin Kay Yex pagkatapos ng kanyang 'GM' sa mga members nila. Napangisi naman agad si Yex.

"Nah, they will pick they're punishment for what they do." Anito sabay ngisi. Kapagkuwan din ay napangisi din si Kevin. This is exciting. Anang isip ni Kevin

"Oh, so exciting ei?!" Sagot nito Kay Yex. Kapagkuwan ay dumilim ang aura ni Yex kaya napaiwas ng tingin si Kevin sa kanya.

"Yeah! They will pay for being the traitors." Madiin at matigas na bigkas nito. Kinabahan naman si Kevin dahil dun. Alam niyang dadanak na naman ang dugo, may lalatiguhin gamit ang matatalim, ipapabugbog sa lahat ng members ng gang,or worst ay ibibitay gamit ang ulo o kung paikliin lang ay ang patayin. Pumasok sila sa isang kwarto na opisina ni Yex. Siya lang at si Yex ang nakakapasok dito. Pinagbabawal kasi ni Yex ang May pumasok dito kahit pa membro ito ng organisasyon nila.

Kaya ayaw niyang lumabag sa mga batas ulit na ginawa ni Yex hindi dahil duwag siya dahil alam niya kung gaano kasakit iyon dahil naranasan niya din iyon. Parang lalabas na ang kaluluwa mo sa sakit at parang lalabas din ang lungs mo sa kakasigaw dahil sa sakit. Ayaw man nitong aminin ay natatakot siya kapag nagagalit na si Yex.

Naranasan niya kung paano magalit ang kanilang lider dahil sa nilabag nito ang isa nilang pinagbabawal ang pag liban sa kaning mga pulong.

'Safe house, ASAP' Ang natanggap na text ni Kevin sa kanilang lider pero hindi niya pinansin iyon dahil busy siya sa kakalaro ng online games sa kanyang computer.

Kinabukasan ay nagulat nalang ito ng pumasok siya ng kanilang Safe house ay tinamaan kaagad siya ng bala na galing sa harap. Tumingala siya at namutla ng nakita niya ang mukha ng kanilang lider na madilim. Nakadama siya ng sakit kung saan siya tinamaan kaya hinawakan niya iyon at para hindi maubos ang dugo niya.

Naglakad palapit ang kanilang lider sa kanya na madilim parin ang mukha. Ang lahat ng members ay nakatingin lang sa kanila at namumutla. Hindi siguro akalaing magagawa nito na barilin ang kasamahan o ang sinasakupan nito.

Nang nasatapat na niya ito ay nagsalita ito gamit ang malamig na tono dahilan para tumayo ang mga buhok sa katawan. (Sa mga dirty minded dyan, hindi nadala sa mga tumayo na buhok yung mga buhok sa ano. 😂😂 Peace! ✌🏻️)

"Ang ayoko sa lahat ay yung pinaghihintay ako. Alam mo bang naumagahan kami dito dahil lang sa kakahintay sayo!Ikaw ang kanang kamay ko kaya kailangan na nandito ka para alam mo ang pinag pulungan o ang nangyari!! Ano ka boss?! Ha?!" Dumagundong ang galit at malamig na boses nito sa kanilang safe house.

"I-I'm s-sorry, M-master" sagot ni Kevin na nanginginig sa takot dahil sa kaharap nito.

"Pag ba mag so-sorry ka malalaman mo na ang gagawin?! Ha?!" Sigaw pa nito Kay Kevin na nakatungo at hindi makasagot Kay Yex

"SAGOT!!" Sigaw ni Yex sa kanya.

"H-hindi p-po" ani Kevin sa mahinang boses.

"Tssk!" Singhal ni Yex Kay Kevin. Napayuko lang si Kevin.

"Dalhin yan sa TR (Torture Room)." Utos ni Yex sa mga tauhan nito na yumuko bago hilahin patungo sa TR.

"M-master, wag po!" Sigaw ni Kevin Kay Yex na walang emosyon sa mukha.

Alam kasi nito kung ano ang gagawin ni Yex sa kanya. Paparusahan siya nito. Pabalya siyang binatawan ng mga tauhan at pinunit ang kanyang damit. Namutla agad siya dahil alam niya kung ano ang gagawin ni Yex sa kanya. Lalatiguhin siya nito. Sa tatlong taon siyang naging kanang kamay ni Yex ay nakita na niya ito ngunit hindi naranasan kundi ngayon lang.

Alam niyang masakit ang magiging paglatigo sa kanya dahil ang ilalim ng latigo ay halos kasing talim na ng mga kutsilyo na ginagamit nila. Napikit nalang siya ng makitang pumasok na si Yex sa loob ng isang pinto na ang laman ay puno ng armas. Pagkalabas niya ay namutla agad si Kevin dahil sa hawak ni Yex. Hawak lang naman nito ang latigong kunai.

Ang latigong kunai ay ang hulihan niya ay mga shurikens at mga matatalim na mga blades na galing pa sa kilala nilang Yakuza sa Japan. Napalunok siya ng pumwesto ito sa likod niya at tinaas ang latigong hawak nito at hinampas sa likod niya. Napasigaw naman siya dahil sa sakit na idinulot nito.

"AAAAAAHHH!!"

Nakadikit parin ang mga kunai sa kanyang likod ng hilahin ang mga ito ni Yex kaya napasigaw ulit siya. Parang nasama nito ang mga laman niya. Kusang bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Kevin.

"Aaaaarrrrrggggghhhhhh!! T-tama naaaaaa!" Sigaw nito habang patuloy lang sa pag agos ang mga luha nito.

"Kulang pa iyan." Walang emosyong sagot ni Yex kay Kevin. Kinuha nito ang alcohol saka binuhusan ang likod nito. Mas lumakas pa ang pag sigaw nito saka iyak.

"Aaaaaaaahhhh!!! T-tama n-na p-po, M-masteeerrr!!" Pagmamakaawa ni Kevin kay Yex.

"Mabuti nalang at kanang kamay kita kung hindi, kulang pa iyang isang hampas sa iyo." Saad ni Yex saka kinuha ang lighter. Namutla ito at lumunok. Kakayanin niya ito. Tutal huli na naman ito. Susunugin ang kanyang balat. Yan ang panghuling gagawin ni Yex sa kanya dahil nakita na niya ito sa iba. Sinunog na kanyang balat kaya napasigaw siya sa sakit ulit.

"Aaaaaaaaahhhhhh!" Hiyaw niya at nagdilim ang kanyang paningin.

Napapitlag ito ng hampasin siya ni Yex sa balikat ng mahina. Nagising ito sa malalim na pag iisip. Lumabas na sila sa opisina ni Yex.

"They are here." Ani Yex sa kanya at nauna ng lumabas.

Pagkalabas ng pagkalabas nila ay sumigaw agad si Yex gamit ang malamig at matigas na tono. Walang emosyon ang mukha pero makikita mo ang galit sa mga mata niya na nakatingin sa dalawang tao na iisa ang deriksyon. Alam niya agad kung sino ang mga traydor. Hindi siya makapaniwala na ang dalawang inosenteng ito ay ang traydor.

Naniniwala agad si Kevin Kay Yex kahit tingin pa lang dahil alam nitong hindi nagsisinungaling si Yex. Dahil base sa mga mata nitong may galit kung tumingin sa kanila.

"SINO SA INYO ANG TRAIDOR DITO?!! UMAMIN NA BAGO KO KAYO KALADKARIN PAPUNTANG TR!!!"

***
Guys expect more torturing scenes ngayon. Hehehe

Ako mahilig talagang gumawa ng mga torture scenes pero hindi ko kayang manuod ng mga ganyang video o kaganapan. Ang tapang tapang kong isulat tapos ang duwag duwag kong manuod. Haha -SKL

Siguro mga bukas or sa sabado yung update pa. Hindi pa kasi tapos hehe ✌🏻️ Peace Yow! Mahabang torturan po iyon.. Haha

-Asshhi

Gangster In DisguiseWhere stories live. Discover now