Capitulo Treinta y Dos

7.1K 256 45
                                    


Capitulo Treinta y Dos:



Napatingin ako sa arko na madadaanan namin. Ang arko ng Hacienda Figuero. Kanina pa ako nag-iisip ng paraan para makatakas ngunit napakahigpit ng pagbabantay sa akin ng mga guardia civil at mga guardia personel ni Papa. Hindi ko malaman kung ano ang aking marapat na gawin. Ayoko na bumalik sa bahay na iyon dahil alam kong ipagpipilitan ni Papa na pakasalan ko si Alonzo.

Mayamaya ay huminto ang sinasakyan kong kalesa sa tapat ng aming bahay. Heto na. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari. May lumapit na guardia civil sa kalesang sinasakyan ko. Ito ang pinaka pinuno ng grupo nila.

"Estaban aquí." at inilahad nito ang kamay.

Hindi ako nakakilos. Ayokong pumasok sa loob ng bahay!

"Señorita, por favor."

Tiningnan ko lamang ang kamay nito. "Ayoko."

Tila napikon ito at biglang akong hinila pababa ng kalesa kaya muntik na akong mahulog. "Ako'y hindi mahaba ang pasensya kaya papasok ka sa loob, sa ayaw o gusto mo." halata sa boses nito ang hirap magtagalog. Hinila ako nito papasok sa bahay. Nakasunod sa amin ang dalawa pa nitong kasama.

"Bitawan mo ako." pinipilit kong tanggalin ang kamay ng guardia civil na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Halos matumba ako habang hinihila nito ako papaakyat. "Sinabing bitawan mo ako!"

Sumalubong sa amin si Rosa at nanlaki ang mata nito. "Señorita Celestine?"

"Tawagin mo si Don Rafael Figuero!" utos ng guardia civil. Agad namang tumalima si Rosa.

"Parang awa mo na, hayaan mo akong makaalis." pagsusumamo ko rito ngunit para wala itong narinig.

"Teniente Javier, napadalaw ka."

Hindi ko nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon. Kilala ko ang boses na iyon.

"Tengo una buena noticia, Señor Alonzo."

"Buenas tardes, Teniente Javier!" boses iyon ni Papa! Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa amin hanggang huminto iyon sa harapan namin. "Celestina! Mi hija!" niyakap ako ni Papa. "Salamat sa Dios at nakabalik ka na." inilayo ako ni Papa sa kanyang sarili. "Gracias por buscar a mi hija, Señores."

"Walang anuman, Don Rafael."

"Bilang pasasalamat, maaari bang dito ka maghapunan bilang pasasalamat dahil sa pagbalik ng aking anak."

Nang magkaroon ako ng pagkakataong tumakas ay agad akong nahawakan ni Papa sa pulso ko. Sobrang diin at halata ang tinitimping galit para sa akin habang nakangiting nakikipag-usap kay Teniente Javier.

"Kung iyon ay gusto mo, Teniente Javier."

"¡Por supuesto! Hindi ako tatanggi lalo na't isang Don Rafael Figuero ang nang-aayaya sa akin." iniangat ni Teniente Javier ang suot na casco. "Kami'y aalis na, Don Rafael, Señor Alonzo."

"Mag-ingat kayo, Teniente Javier." magiliw na sabi ni Alonzo.

Tumango si Teniente Javier bago sila umalis.

Nang tuluyan na silang makaalis ay isang malakas na sampal ang binigay sa akin ni Papa na dahilan kung bakit ako natumba sa sahig.

"Que vergüenza, Celestina!" madiing sabi ni Papa. "Nagawa mo pang kasangkapan ang iyong kapatid upang ika'y makatakas!"

Pinigilan kong tumulo ang aking luha at matapang na sinalubong ang tingin ni Papa.

"Ang lakas ng loob mong salubungin ang aking tingin!" muli'y nakatanggap ako ng sampal kay Papa. Nalasahan ko ang dugo na galing sa sugat sa aking labi. "Wala kang galang sa akin na iyong ama!"

El Hombre en el RetratoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum