Historical Fiction Novels

4.8K 89 7
                                    





Ito po ang ibang Historical Fiction novel ko bukod sa El Hombre en el Retrato




Title: It Started At 7:45

Status: Completed


Description:
Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya.
"Alam mo bang napakaespesyal ng kuwintas na iyan?... Ang sabi ay maaari kang dalhin ng kuwintas na iyan sa kung saan mo gusto. Basta i-set mo sa oras na gusto mo tsaka mo iisipin kung saan mo gustong pumunta." seryosong sabi ni Ma'am Glenda sa kanya.
Tinawanan niya lang ito dahil sa tingin niya ay nababaliw na ito. Hindi naman totoo ang time travel pero dahil malakas ang trip niya ay sinubukan niyang gawin ang sinabi nito. She set the time of the pendant clock at the time of 7:45pm then she whisper the year 1889. Ang akala niya noong una ay hindi totoo ang time travelling pero laking gulat niya dahil napunta siya sa taong 1889 kung saan panahon ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas!
May nakilala pa siyang binata na ang pangalan ay Gabriel Realonzo. Hindi niya malaman kung paano pa siya makakabalik sa tunay niyang panahon at hindi rin niya malaman kung bakit sa bawat araw na nakakasama niya ang binata ay parang unti-unting may bumubuong espesyal na damdamin dito sa puso niya.
Makakabalik pa kaya siya sa panahon kung saan siya isinilang?

Makakabalik pa kaya siya sa panahon kung saan siya isinilang?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Title: La Señora desde el Espejo

Status: Completed


Description:
Isang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa repleksyon ng salamin noong may sinagawa silang ritwal ng kanyang pinsan. Ang masakit lang ay matagal nang patay ang dalaga dahil nabuhay ito noong panahon na sakop pa ng mga Español ang bansang Pilipinas at kinitil ang sariling buhay.
Ngunit biglang dumating ang araw na makikita niya, harapan ang dalaga at ang akala niya ay minumulto siya nito. Laking gulat niya na totoo nga talaga ito at hindi niya alam kung anong dapat gawin lalo na't hindi ito pamilyar sa nakikita sa paligid.

 Laking gulat niya na totoo nga talaga ito at hindi niya alam kung anong dapat gawin lalo na't hindi ito pamilyar sa nakikita sa paligid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Title: Love, Time and Fate

Status: Completed


Description:
Sa hindi inaasahang pangyayari, nahulog sa puno si Lavender dahil nasira ang sangang tinutuntungan niya dito. Pagkagising niya mula sa pagkakahulog napunta ang kaluluwa niya sa katawan ng isang babaeng sobrang sakit talaga sa ulo ang buong pagkatao. Nagkaroon rin siya ng instant boyfriend na gustong-gusto na makipaghiwalay sa kanya. A handsome man who's name is Ignacio Illustre.
She do her best to tell him that she's not his girlfriend. That she's from year 2019. Sobrang saya niya dahil naniwala naman ito sa kanya. Ang akala niya noong una ay masungit si Ignacio. Mabait naman pala ito. Sadyang masungit lang talaga kay Clementina-ang pangalan ng katawang ginagamit niya ngayon.
Hay! Buti na lang talaga nasa tabi niya si Ignacio. Kahit papaano hindi siya nahihirapang pag-aralan ang pagkatao ni Clementina. Pero na-realized niya na parang may mali. Bakit parang ayaw na niyang malayo siya kay Ignacio?

 Bakit parang ayaw na niyang malayo siya kay Ignacio?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Title: Unmei no Akai Ito

Status: Ongoing


Description:
Naging simple at tahimik ang buhay ni Luna nang lumipat sila ng tatay at mga kuya niya sa isang malayong bayan. Bawal nga lang siya lumabas ng bahay dahil baka raw matipuhan siya ng isang sundalong Hapones. Ngunit naging matigas ang ulo niya. Sa tuwing umaalis ang kanyang tatay at naiiwan na siya mag-isa, lagi siyang umaalis ng bahay para pumunta sa tabing ilog. Doon ay nakilala niya ang isang sundalong Hapones na magiging dahilan kaya naging magulo ang tahimik niyang buhay.

 Doon ay nakilala niya ang isang sundalong Hapones na magiging dahilan kaya naging magulo ang tahimik niyang buhay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Title: El Hombre en Mi Sueño

Status: Ongoing


Description:

Nagbago lahat nang nagsimulang managinip si Erina ng kakaiba. Mga scenario na imposibleng mangyari sa totoong buhay lalo na't doon sa panaginip niya ay nabubuhay daw siya noong panahon na sakop pa ng España ang Pilipinas.  May nakilala pa siyang binata sa panaginip niya na ang pangalan ay Felixto Creencia na mas nagpagulo ng sistema niya.

Sino ba itong si Felixto Creencia at nagawang guluhin ang buhay niya?

Sino ba itong si Felixto Creencia at nagawang guluhin ang buhay niya?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
El Hombre en el RetratoWhere stories live. Discover now