Magical 3

324 10 0
                                    

"BAKIT hindi ka pa nakakaligo, Andeng? Hindi ba susunduin kayong dalawa ni Maricor ni Donnie dahil may importante kayong gagawin sa bahay ng kaibigan mo?" sita ni Lola Marcelina kay Andeng. Abala pa rin kasi siya sa pagpupunas ng mga upuan sa simbahan.

"Parang tinatamad na nga po akong magpunta sa bahay nila Donnie, e." aniya. Kasi naman ipapakilala lang naman siya sa bagong girlfriend nito, na tiyak ikakasama lang naman ng lagay ng puso niya. Bakit kailangan pa niyang i-torture ang puso niya?

"Aba'y ang batang ito talaga, magalang kang ipinagpaalam ni Donnie, huwag ka ngang mag-inarte d'yan," naiiling na sabi ni Lola Marcelina, saka nito mabilis kinuha ang basahan na hawak niya. "Sige na, kumilos ka na! Nakaligo na si Maricor at hinihintay ka na lamang niya." anito.

Napailing na lang siya ng lihim at mabilis na yumakap sa matanda. "Kung gano'n 'La, ikaw po muna'ng bahala sa mga gawain ko ngayong araw, ha." Aniya.

Tumango-tango ito, ngumiti at nag-thumbs up sa kanya, bago siya nakangiting nagpaalam sa matanda. Kahit nasa mid sixties na ang matanda ay malakas pa rin ang pangangatawan nito at hindi ito mukhang senior citizen dahil palibhasa ay palangiti ito, kaya mahal na mahal niya ito at pati na ang anim pang matatandang tauhan sa kumbento.

Pagkarating niya sa maliit na tirahan nila ni lola Marcelina ay mabilis na siyang naligo pagkatapos ay naghanap ng magandang maisusuot at saka nag-ayos ng sarili. Muli ay tinakpan na naman niya ng kanyang buhok ang kalahati ng kanyang mukha, hindi katulad kapag nasa simbahan siya na naka-pony tail siya—dahil alam niyang tanggap siya ng mga taong naroon, hindi katulad ng mga tao kapag nasa labas siya ng simbahan. Nagsuot din siya ng sweat shirt para maitago ang braso niyang may itim na balat saka nagsuot ng pantalon. Paglabas niya ng bahay nila ay pinansin ni Maricor ang suot niya, ang init-init daw ay naka-sweat shirt siya ngunit sa huli ay hindi na rin ito nakipagtalo nang mapagtanto kung bakit gano'n ang suot niya.

Saglit pa ay dumating na rin si Donnie. Saglit muna itong nagpakita sa mga madre at padre sa kumbento para bumati, gayundin sa mga matatanda doon saka nagbigay ng pagkain at mga prutas bago sila tuluyang umalis.

Ang guwapo-guwapo talaga ni Donnie, lalo na ngayong araw kaya panay ang sundot ni Maricor sa tagiliran niya, na noon ay nasa backseat, nasa passenger's seat kasi siya at si Donnie ang nagmamaneho sa magara nitong itim na sasakyan. Napuna ni Maricor ang damdamin niya para sa binata nang mahuli siya nito noon na hinahalikan ang larawan ni Donnie sa cell phone niya.

"She's a nice and sweet girl, Ands, you'll like her." Mayamaya ay sabi ni Donnie.

Nagkatinginan sila ni Maricor sa front mirror, napailing ang babae sa kanya na ikinibit-balikat na lang din niya. "Kuya Dons, saan kayo nagkakilala ng girlfriend mo?" si Maricor ang nagtanong.

"Pamangkin siya ng coach namin sa swimming team, nang magkaroon kami ng inter-Univertisty match, sumama si Rejoice at 'yon nagkakilala kami." Sagot ni Donnie.

"Ano'ng katangian niya ang nagustuhan mo?" tanong muli ni Maricor. Mabuti na lang at kasama nila ito ngayon, kung hindi ay tahimik lang talaga sila ni Donnie dahil wala siyang balak magtanong tungkol sa bagong girlfriend nito.

"Kasundo ko siya, mabait din siya at tiyak makakasundo n'yo rin." Sagot ni Donnie.

"Maganda?" tanong uli ni Maricor.

"Oo." Tipid na sagot ni Donnie.

Lumapit sa tainga niya si Maricor para bumulong. "Baka mas maganda ka sa girlfriend niya ngayon, ate Ands. May chance pa!" Nakangiting bulong sa kanya ni Maricor na mabilis niyang sinita.

NGUNIT parehong napanganga at nanlaki ang mga mata nina Andeng at Maricor nang makita si Rejoice, hindi nga ito maganda! Dahil ubod at sobrang ganda nito, as in! Grabeng puti at kinis ng balat nito at mala-Diyosa sa kagandahan, dagdag pa na maganda ang height nitong siguro ay nasa five feet and six inches—para itong kahawig ni Kylie Padilla, at pinagpala rin sa ganda ng katawan. Ngayon ngang katabi ito ni Donnie ay parang perfect match made in heaven ang dalawa.

Napahawak si Maricor sa kamay niya at pinisil 'yon, alam kasi nito na pareho sila nang nararamdaman. Mabilis silang lumapit ni Maricor sa dalawa, masayang ipinakilala sila ni Donnie sa isa't isa. Mukhang mabait din ang babae dahil sa angelic face nito.

Oo at magaganda rin ang mga nakaraang girlfriends ng kaibigan niya, pero kakaiba ang dating ni Rejoice, parang ngayon lang niya naramdaman na kailangan na niyang itigil ang kahibangan niya sa kaibigan kung ayaw niyang pulutin sa kangkungan ang puso niya. Wala siyang panama kay Rejoice, ni bukong-bukong nga nito ay hindi pa niya mapantayan sa kaputian. Kung may mala-fairy God mother lang sana siya na kaya siyang i-transform into a Princess ay baka may panama pa siya sa babae, pero mangarap na lang siya dahil walang gano'n!

Naupo sila sa sofa habang masayang nagkukuwento si Donnie sa pagkakakilala nito at ng babae. Isang linggo lang daw nanligaw ang lalaki at dahil sa cuteness daw ng lalaki ay agad na bumigay si Rejoice, minsan gusto niyang batukan ang kaibigan niya sa pagiging narcissistic nito—pero infairness naman kasi talaga ay sobrang guwapo nito at walang sinumang nakakatanggi sa charm at appeal na taglay nito.

Saglit pa ay nagpaalam si Donnie sa kanila para utusan ang katulong na kumuha ng meryenda nila. Naiwan sila ni Maricor kasama ni Rejoice sa salas. Nang magtama ang mga mata nila ng babae ay ngumiti siya dito, kaya tipid din itong ngumiti sa kanya. Mukha ngang mabait ang babae dahil hindi ito katulad ng ibang mga babaeng makita lang siya ay halos masuka-suka na dahil sa hitsura niya.

"Ahm, ilang taon ka na Rejoice? Saan ka nag-aaral at ano'ng kurso ang kinukuha mo?" sunod-sunod na tanong ni Maricor, kaya mahina niya itong siniko.

Ngumiti si Rejoice sa kanila bago sumagot. "I'm nineteen, third year student of Political Science at ADMU." Sagot nito.

"Hmm, so balak mong mag-law after ng Pol-Sci?" tanong muli ni Maricor.

"Yes." Mabilis na sagot ni Rejoice. "Gusto kong sumunod sa yapak nina mom and dad." Anito.

Mas lalo siyang nakaramdam ng distance. Oo, mas lumayo pa ang agwat nilang dalawa ni Rejoice. Galing din pala ito sa maganda at mayamang pamilya. Well, kailangan na talaga niyang tumigil sa pag-iilusyong mahalin siya ni Donnie, it's over! Hanggang panaginip na lang siya!

"Kayo?" nakangiting tanong ni Rejoice.

"Seventeen years old ako, first year college sa kursong BS Education sa Sta. Ana University." Sagot ni Maricor. "Si ate Ands naman—"

"Ako na Maricor," putol niya sa nakababatang kaibigan, na nakangiting tinanguan naman nito. "Third year college sa kursong Psychology."

"Pareho sila ng school ni kuya Donnie, sa SMU." Mabilis na segunda ni Maricor, na pinandilatan niya ng mga mata, kaya tumawa ito.

"How you guys met?" tanong ni Rejoice. Kaya ikinuwento niya kung paano sila nagkakila-kilala nina Donnie at kung paano naging magkaibigan. "So, you're really close friends." Kapagdaka'y konklusyon nito.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon