20

618 11 1
                                    

HALOS liparin na ni Donnie ang kahabaan ng daan papunta sa hospital nang sabihin ni Maricor sa kanya na nasa hospital daw ang kaibigan at kasama ni Zack. Ano'ng nangyari kay Andeng? Bakit kasama nito si Zack? At kung anu-ano pang mga katanungan sa isipan niya.

Nauna na siyang nagtungo sa hospital dahil babalikan pa nina Maricor at Diego si Aling Salome para kasama na itong magpunta sa hospital. Kung saan-saan din sila naghanap kay Andeng kanina at muntik na nilang isangguni ang paghahanap sa mga pulis nang maka-receive si Andeng ng text mula sa unknown number na napag-alaman niyang number ni Zack, naki-text doon si Andeng dahil lowbatt ito.

Halos mawasak ang puso ni Donnie nang maabutan niya sa ER cubicle si Andeng na nakasandig ang ulo sa balikat ni Zack habang nakapikit ang mga mata. May bandage ang kaliwang kamay nito at haggard ang histura nito. Ngunit inalis muna niya sa isip niya ang sugatang puso—dahil sa pagkakakita sa sweet na dalawa—dahil mas nangingibabaw pa rin ang nangyari sa babae at kung kumusta na ito.

Nang makalapit siya sa mga ito ay agad nagbukas ng mga mata si Andeng, kitang-kita niya ang hitsura sa mukha nito. Mabilis itong lumayo sa pagkakasandig sa balikat ni Zack, at si Zack naman ay mabilis na tumayo at binati siya na tinanguan lang niya.

"What happened?" aniya.

"Pagod na ako, puwede bang mamaya na lang ako magkuwento?" ani Andeng sa kanya, na tipid naman niyang tinanguan. Nagpaalam si Zack sa kanila para mag-settle sana ng bill nang mabilis niyang awatin, siya na ang bahala sa hospital bill ni Andeng at sa mga takehome meds nito.

Nang mai-settle nila ang lahat at makalabas ng hospital ay agad nang nagpaalam si Zack at iniwan na silang dalawa. Nagtaka siya no'ng una dahil iniwan sa kanya si Andeng, gayunpaman ay ikinatuwa naman niya 'yon. Nagpasalamat sila ni Andeng kay Zack bago ito tuluyang umalis.

Saglit niyang itinext sina Maricor na huwag nang sumunod sa hospital dahil pauwi na rin sila at okay lang si Andeng. Ipinagbukas niya si Andeng sa passenger's seat saka niya ikinabit ang seatbelt nito, bago siya tuluyang nagtungo sa driver's seat at tuluyang umalis sa lugar.

Kitang-kita niya ang kapaguran at stressed sa mukha ng kaibigan niya. Hinawakan niya ang kanang kamay nito at pinisil 'yon, bumaling naman ito sa kanya at tipid na ngumiti bago muling ipinikit ang mga mata.

PAGMULAT ni Andeng ng mga mata ay nasa loob na siya ng kuwarto niya. Inilinga niya ang kanyang mga mata at nakita niya na nasa tabi lang pala niya si Donnie habang nakahiga sa gilid ng kama niya at nakahawak pa pala ito sa kanyang kanang kamay. Marahil ay sobrang nag-alala ito dahil sa nangyari sa kanya. Dahan-dahan siyang bumitiw sa pagkakahawak nito at hinaplos ang mukha nito na ikinagising nito.

"How are you?" bungad nito, saka umayos ng upo. "Ano'ng nararamdaman mo? Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong nito.

"Puwede bang makainom muna ng tubig?" aniya, na mabilis naman nitong tinanguan. Ipinagsalin siya nito agad ng isang baso ng tubig na nasa bed side. Uminom siya at pagkatapos ay sinumulan na niyang ikuwento ang lahat, kasama na ang kahiwagaan ng sapatos na halos ikagulat at ika-amaze nito—at ang dahilan nang kanyang pagpapanggap at pangingidnap sa kanya ni Rejoice.

"Kailangang maparusahan si Rejoice sa ginawa niya," galit na sabi nito.

Umiling-iling siya. "Hindi na, Donnie, nagawa lang niya 'yon dahil sa inggit at pagiging sakim sa atensyon at pagmamahal," konkulsyon niya. "Okay lang naman ako."

Tipid itong tumango bago natahimik silang pareho. Kapagdaka'y muli itong bumaling sa kanya. "N-Nanalo pala ako sa competition kanina, sayang hindi mo napanood pero may video si coach na puwede mong hiramin para panuorin." Tipid itong ngumiti.

LBT Book 2: Andeng's Red Shoes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon