CHAPTER 7

100 2 1
                                    

Kanina pa siya kinukulit ni Jeff tungkol kay Rafi. At katulad ng dati, walang tigil ang paalala nito na kanya na kalimutan na niya ang damdamin para dito.

"I know, Bro, you don't have to remind me again and again. How many times I have to tell you that it was Mama and Auntie who advised me to get her service just to patch up with our accounting backlogs."

"Just make sure you will not be affected by her presence."

"Tsk!" Naiiling na lamang si Raffy sa kaibigan.

"Excuse me, Sir, somebody's looking for you and she is waiting at the receiving area." Singit ni Tanya matapos itong kumatok sa pinto ng opisina at bahagyang pumasok.

Kapwa sila napatingin ni Jeff kay Tanya.

"Who?" Si Jeff ang nagtanong.

"Somebody named Maddie Gibson." Sagot naman ni Tanya.

Napabaling ang tingin ni Jeff kay Raffy na may halong makahulugang tanong.

"Let her in." Utos ni Raffy kasabay ng pagkunot ng noo. Wala siyang alam na transaksiyon dito upang magawi ito sa kanyang opisina.

"I'll do sir." Talima ni Tanya.

Nanatiling nakafocus ang tingin ni Jeff sa pintuan at inabangan ang sinabing bisita. Samantalang si Raffy ay nagpatuloy sa ginagawang pag-scan ng ilang mga dokumento.

"Hi, Good Afternoon! Am I intruding your peaceful work?" Nakangiting bungad ni Maddie na tila nagniningning ang ganda sa suot niyang body con navy blue dress na tinernuhan ng beige wedge at leather beige sling bag.

"Wow, she is pretty, Bro." Komento ni Jeff.

Tumayo sa kinauupuan si Raffy at sinalubong ng beso ang dalaga. "Hi, nice sweet perfume." Komento ni Raffy ng malanghap niya ito matapos makipagbeso. Pinamulahanan namang ng mukha ang dalaga nagkaroon agad ng epekto sa kanya ang appreciation ni Raffy.

"Hi, I'm Jeff." Agad na inabot ni Jeff ang kamay upang makipagkilala dito. Hindi na nito inantay pang ipakilala siya ni Raffy. "I am his friend and assistant at the same time." Dugtong pa.

"Hello, nice to meet you. My name is Maddie." Magiliw nitong bati kay Jeff at nakipagkamay ito saka muling bumaling kay Raffy.

"So, what brings you here?" Takang tanong ni Raffy.

"My Dad asked me to give you this business proposal and I also have the copy of my catalogs that I mentioned you last time."

Inabot naman ni Raffy ang mga inabot niya at kunwa ay ni-scan at maya-maya ay ipinatong sa mesa nito. "Have a seat." Alok niya dito.

"So where have the two of you met?" May intrigang tanong ni Jeff kay Maddie ng maupo na ito. Magiliw pa ring hinarap ito ni Maddie at sinagot.

"At his house."

"So how was it, meeting the business magnate of the country?" Patuloy ni Jeff.

"Well, he is that very accommodating and enjoyable to converse with."

"Did he said that you are pretty?" Tanong ni Jeff na ikinapula ng mukha ni Maddie.

"Jeff! I think you still have things to do at your office. I may suggest to start working now." Awat ni Raffy sa kaibigan, alam niyang may pinatutunguhan na naman ang mga sinasabi nito.

"Okay, as your command, Boss." Wika ni Jeff saka tumayo at magiliw na nagpaalam kay Maddie.

"I will read and study the proposal, then I'll inform your Dad to make a deal. And thanks for the copy of your catalogs." Nakangiting wika ni Raffy.

You're My Perfect Fit (book 2)Where stories live. Discover now