CHAPTER 13

94 4 3
                                    

Nagmamadali siyang lumabas ng kaniyang sasakyan pagka-park sa isang bakanteng slot sa parking ground ng Airport's Terminal, hindi pa niya naaayos mabuti ang pagkaka-park ng kotse ay pinatay na niya ang makina at lumabas, nakasuot pambahay lamang siya, isang kulay gray na leggings at itim na v-neck t-shirt blouse at isang manipis na tsinelas na pambahay, naka-messy bond lang din ang kaniyang buhok, wala siyang kahit na anong make-up. Hindi na niya nagawang makapag-ayos pa dahil pagkabasa niya ng sulat ay nagdumali siyang nagtungo sa paliparan. Hawak ang nagkalukot-lukot ng sulat ay naluluhang lakad-takbo siyang pumasok sa lobby ng paliparan, agad siyang pumaroon sa departure area at mabilis na nag-scan ng mga pasahero.

Bakas ang pagkalito, maraming pag-aalala, at maging katanungan sa kaniyang mukha. Ilang saglit pa ay nakita na niya ang pakay. Patayo na ito buhat sa pagkakaupo sa isa sa mga benches para sa mga naghihintay na pasahero, bitbit ang isang handcarry na maleta naglakad ito upang tumungo na sa pila ng check in counter.

Maagap na hinawakan ni Rafi ang braso ng pakay, upang pigilan ito. "NIXON! What is the meaning of this?" Idinuldol niya ang sulat malapit sa mukha nito habang ang mga luha ay walang humpay na sa pagpatak.

"Rafi, I don't have anything to say because everything was written there." Malungkot nitong saad matapos agad makabawi sa pagkagulat ng hindi inaasahang appearance ni Rafi.

"Pero gusto ko pa ring marinig sa iyo ang totoo." Nanginginig ang katawan niya sa pangamba, galit at iba pang halo-halong emosyon. Subalit ayaw niyang magdulot ng iskandalo sa lugar kaya't pinipilit niyang maging mahina at banayad ang boses niya kahit pa gustong-gusto na niyang magwala at magsisigaw sa mga sandaling iyon.

"Stay calm, Rafi. Whatever my decision, it is for your happiness." Bakas pa rin nang lungkot ang tinig ni Nixon.

"Decision? For my happiness? Leaving me hang a day before our wedding? For God sake! Who are you to decide for me? Who the hell are you to know what is good for me? Can't you see, I am shuttering right now? Ikaw ang pinili ko at hindi ako napipilitan lamang dahil pinag-isipan ko ito, dahil alam kong mamahalin mo ako ng buong-buo ng wala akong pagdududahan kahit katiting sa pagmamahal na ibinibigay mo sa akin!" Pigil parin ang taas ng emosyon ni Rafi subalit may mga diin ang bawat binibitawang salita.

"I am watching you without you knowing it, and I saw how much you are being affected every time there is a news about him, you are worrying too much with him and hurting whenever there is somebody being linked to him. And that fact hurting me so much. I know he has your heart even he doesn't know it, even how many times you deny it on yourself and even with me." Nangilid ang mga luha sa mata ni Nixon saka niyakap ng mahigpit ang umiiyak na si Rafi. "I am sorry, I really love you that is why I am doing this things. Ako na lamang ang magbibigay at magpaparaya, puntahan mo siya at hayaan mong mahalin ka niya." Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa mata ni Nixon habang nakakulong pa rin sa kaniyang bisig ang walang humpay na umiiyak na si Rafi.

"Handa naman akong mahalin ka, at mahal naman kita." Wika ni Rafi na kumalas sa pagkakayakap ni Nixon.

"Pero hindi sapat, I hate sharing. Gusto ko ako lang ang mahal mo."

"Pero puwede ko namang mapag-aralang mahalin ka pa ng mas malalim. Please, I am begging you, bumalik ka, huwag mong gawin sa akin ito. Bukas na ang kasal natin, at lahat ay nakahanda na." Pagsusumamo ni Rafi.

"Listen, I know, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong na-commit ka sa isang kasal na naunsiyame, pero iba ito ngayon, Rafina, at alam kong hindi ito masyadong makasasakit sa iyo dahil hindi ganoon kaganap ang nararamdaman mo para sa akin. Kung ang kahihiyan ang inaalala mo, without you knowing it, yesterday, I've done everything to cancel the wedding. Nanghingi na ako ng paumanhin sa lahat ng mga naabisuhan nating bisita. Wala ka nang iintindihin pa. All you have to do is go back home and continue your usual life, like nothing happened." Pilit ngumiti sa kanya si Nixon at pinunasan ang mga luha niya.

You're My Perfect Fit (book 2)Where stories live. Discover now