Chapter 5

684 8 0
                                    

Chapter 05
Fine

After that day he cried on my shoulder. Tuloy-tuloy na ang pagbabalik niya sa dati, he's trying his very best to move on. Pakiramdam ko nga ang paghatid-sundo o maging ang paglabas-labas namin, way niya na 'yon para makalimutan ang sakit na dulot ni Hope.

I can let him use me.

Okay lang na ako ang gamitin niya, makamove-on lang siya.

Ayos lang na maubos ako, huwag lang siya.

"Kamusta naman Dos ang date mo?" tanong ni Uno, andito kami ngayon sa tambayan nila. Tres is laughing at Dos.

"Basted?" tawa ni Tres.

Umirap si Dos at binato ng libro si Tres.
"Nag-aaral ako, hindi basted, sino bang baliw ang babasted sa gwapong si Dos?!" aniya, lumapad pa ang ngisi, tumingin sa akin at kumindat. Inirapan ko na lang.

"Suplada lang talaga si Haris," ngisi ni Dos. "Pero, sasagutin ako no'n!" pagyayabang niya sa mga kaibigan.

Tumayo ako at kumuha ng juice sa table, tumabi kay Tres, umakbay siya sa akin. I saw Uno tracing the arms of Tres, ngumisi siya pagkatapos ay kumuha ng inumin sa mesa, Rhum, uminom ulit.

"Ano pangalan sa facebook, search ko." singit ni Uno.

Ngumiti si Dos, parang nagpapacute. Nakatingin lang sa malayo. Mukhang in love na in love.

"Walang facebook, walang social accounts, anti-social ata 'yon. Pero sobrang astig niya." he speak with so much love. Like he's praising Haris whoever she is.

"Baka naman may hidden agenda 'yan ah?" si Tres naman ngayon, inaasar si Dos.

"Wala! I saw her go to different churches, visit an Orphanage. She's dedicated about it Timothy Crisponde III." ani Dos, nakakunot ang noo, desidido na ipagtanggol ang iniibig.

"Eh ikaw? Kailan mo ba popormahan ang bunso natin?" ngumisi si Dos, nakatingin sa amin.

Sa aming tatlo, mukhang si Dos lang ang walang alam sa nangyari kay Tres at Hope, at sa paraang ginawa ni Uno, lumayo lang si Hope kay Tres.

"We're bestfriend—" naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaang sinabi ni Tres.

"I'm courting her already Dos. Don't interfere." tinignan ako ni Tres, he smiled at me.

Pero may mali...
May mali talaga...

Dos proudly punch Tres, there's something off, pero nagagawa pa ring pagaanin ni Dos ang atmosphere. Uminom lang ako sa juice ko pinagmasdan ang nag-iisang vase dito sa gilid ng tambayan. Inalis ni Tres ang pagkaakbay sa akin at nakipag-inuman sa dalawa. I'm busy thinking, at sila umiinom lang din...

Nang mapag-isa kami ni Tres saka ko siya kinompronta.

"Ano 'yung kanina?" tanong ko sakanya. Magkadikit ang mga hita namin, he smiled evily. Kunot-noo ko siyang pinakatitigan, he then pinch my cheeks. Distracting me a bit.

He smiled once more, showing his white perfect teeth. "I'm courting you Hilary. I want you to be my girlfriend." he said. Smiling. But not genuine. I knew him a lot, I know when he's lying. At ngayon 'yon.

"Don't fool me Tres, you're just drunk."

"I really want to court you." he speak so oblivious about the topic.

"Huwag kang magbiro ng ganito Tres. Ni-hindi mo nga ako magawang halik—"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ay hinila na niya ako para halikan sa labi. Napakurap-kurap ako, he own my lips, he's so focus to my lower lip, he bite it a bit, gumalaw ako palapit sakanya. Nagtatama na ang legs namin dahil pareho kaming nakaupo sa sofa.

His kisses got deeper. Bahagya niya akong iniangat, napaupo ako sa lap niya, pumapantay na ang mata namin dahil sa ayos namin ngayon. Bumitaw siya, pareho kaming naghabol ng hininga. Nang nakabawi, ay hinagkan nanaman niya ako.

I moan when I felt his hands tracing my stomach. Lumayo ako sakanya ng kaonti, but his hands are inside my shirt. He look at me with intensity eyes, and he look so drunk.

"Hope," he called.

Natulala ako ng ilang sandali. Lumapit siya at hinagkan ang pisngi ko.
"I miss you so much Hope." he said, hurting me.

Muhi at sakit na pinaghalo ang agaran kong naramdaman. Tumayo ako, umalis sa pagkakaibabaw sakanya. Isinandal niya ang ulo sa sofa, tumutulo ang mga luha.

Umiiyak nanaman siya, I saw his face expression he look so broken and sad, sorrow is very evident on his handsome face, tears are flowing like a bathtub full of water. Naaawa ako, pero anong magagawa ko ngayon?

Tumabi ako sa kanya, isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Seeing him like this make me so damn guilty. Kahit hindi ko alam ang ginawa ni Uno na pangsiset-up kay Hope, malaki pa rin ang ambag ko sa kasalanan niya. Alam kong buntis si Hope pero pinagtulakan ko siya palayo.

Because of my greed and love for him, nakagawa ako ng masamang bagay. Hindi na ako iba sa mga taong pumapatay.

Because, the things I just did is like killing Tres slowly.

He's dying because of our lies. My lies.

"Tres..." hinaplos ko ang pisngi niya, pinunasan ang mga luha. Nanatili ang ulo niya sa balikat ko.

"Sorry," tangi kong nasabi. "D-do you want to s-see her?" tanong ko, masakit man sa loob but I wanted to make things all right. Hindi ko kaya na makita siyang ganito.

"She's a liar Hilary. I don't want to see her." he acts, as if he's so strong, kahit halata naman na basag na basag siya. Nanatili siyang nakasandal sa balikat ko. Kinuha niya ang kamay ko, pinagsalikop ang mga daliri namin.

"You're my bestfriend..." he started. "And you only want to make me happy. Pero, ayoko nang makita siya. Sige...umiyak ako ngayon. Pero huli na ito Hilary." aniya, namamalat ang boses, halatang pinipilit ang sarili.

"I will...really court you." he said.

Hindi ako umimik.

"Sorry, if I'm being so unfair. Pero, gagawin ko lahat, para magustuhan ka higit pa sa isang kaibigan. I will...love you eventually. Trust me." he assured me.

Maganda sa tainga ang sinabi niya. Pero...naninikip ang dibdib ko. Hindi ko gusto na gagawin niya akong panakip-butas. Pero, anong magagawa ko?

"We will have ten dates. If it doesn't work..." hirap na hirap siyang bigkasin ang mga susunod.

"No. You have unlimited dates. I will help you to move on. Kahit matagalan. Tutulungan kita." hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob na sabihin ang mga iyon. I'm a big martir.

He got shock also.
"Hilary. Are you sure?" ngayon, humarap na siya sa akin. Tinignan ko siya, he's clenching his jaw a bit, ang chinito pero malalalim niyang mata ay nakatitig pareho sa akin.

"Yes. I like you Tres. Matagal na." pag amin ko sa sekreto.

Tulala siyang nakatitig sa akin. Mayamaya pa'y hinigit na niya ako para yakapin. Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ang dibdib ko kahit alam ko naman na peke ang pinapakita niya. This is being...insane.

But I don't care.

Basta siya. Basta para sakanya. Ayos lang ang lahat.

Almost ParadiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora